KABANATA XI

2530 Words
"Ang Babala ni Ismila at ang Pag-alis nina Kaylo at Idran" Ngayon, sila ay nakauwi na ng tree house. Sila ay kumain at pagkatapos nilang kumain ay nabusog sila. Sumaya sila ng natikman nila ang kaniyang luto. Pagkatapos nilang kumain ay nagkwento si Pepe tungkol kay Joseph. Pagkatapos nakatulog sila. Si Idran at Kaylo ay tulog na ngunit nagising si Pepe nang tumahol ang aso dahil mayroon pala siyang bisita. Ang kanyang nanay. Binigyan siya ng babala tungkol sa aswang at hindi nagdalawang isip si Pepe na palayasin ang kambal sa isang paraan na magrerenovate ng kaniyang bahay. Pero, magsisimula ang kwento rito. Sa oras na umuwi sila ng Treehouse ng hapong iyon. "Nandito na tayo sa tree house mga iho. Malungkot ang dalawa dahil hindi nila nahanap ang kanilang Uncle. "Huwag na kayong malungkot. Hmm, buti pa ipagluluto ko muna kayo ng malunggay na may kasamang kabute." "Pwede po paturo Tito?" tanong ni Kaylo. "Syempre iho, para may matutuhan ka sa akin. Pasok muna tayo at magprepare sa ating pagluluto. Haha! May naidagdag nanaman sa ginto ko. "Gusto mong turuan din kita ihong Idran? Para dalawa kayong turuan ko without magic." "Kayo nalang po Tito, Im not in mood." "Ang kill joy naman nito, pachewsy pa. Mahahanap natin si Uncle kaya huwag ka nang malungkot," sabi ni Kaylo. Pero hindi pa rin pumayag si Idran. "Tara na Kaylo, patitikman mo nalang siya mamaya ng ituturo kong luto para sumaya siya." "Good Idea po Tito." Nagsuot nga sila ng Apron para hindi madumihan ang kanilang suot. Nagluto nga sina Kaylo at Pepe. Agad namang sinunod ni Kaylo kung paano niya lutuin ang gulay hanggang natutunan nito ni Kaylo. "Wow! Ang bango na!" "Iho, tatandaan mo, kahit wala kang magic ay makakaluto ka ng masarap na pagkain kapag isasapuso mo itong gawin gaya ng mga ibang taong walang magic." "Kahit walang magic sarap Tito?" "Ah? Oo iho, kahit walang magic sarap." Natapos nga nila ang pagluluto nila ng Dinengdeng. Tito salamat sa pagtuturo. May natutuhan naman ako sa araw na ito. Salamat talaga Future Chef." "Walang anuman. Halina pala kayo, handa na lahat ng pagkain." Inilagay nga nila ang lahat ng pagkain sa gitna ng kanilang table. Hanggang sa sama-sama na silang pumwesto para kumain. "Magpray muna tayo bago kumain mga iho." Pagkatapos nilang magpray ay kumain sila hanggang sila ay nabusog. "Kaylo, luto mo ito?" "Oo, pero tinulungan ako ni Tito." "I like this. My gush! You made my night happy." "Ang sarap nga iho." "Of course, salamat sa tulong mo Tito. May natutuhan na nga ako, napasaya pa natin ang kapatid ko. "No problem, ituro mo rin sa kanya iyan ah?" "Opo naman." "Gush, Aww! Busog na ako, ang sarap ng pagkain. My stomach is full." "Habang busog kayo ay may ikekwento ako sa inyo." "What is that Tito?" "Tungkol kay Joseph." "Sige po tito, makikinig kami. "Sa disyerto na maraming tent ay nandoon si Joseph. Si Joseph noon ay lumaki hanggang hindi na kasya ang kanyang mga kasuotan. Kaya siya'y napaisip kong ano ang isusuot niya. Ang kanyang ginawa ay nakiusap siya sa kanyang tatay na gumawa ng kanyang bagong damit. Tumulong rin ang kanyang bunsong kapatid sa paggawa ng damit gamit ang balahibo ng tupa. Noong sila ay nakagawa, isinuot ni Joseph ang damit at siya'y tuwang-tuwa dahil siya ay may bagong nang damit. Nang nalaman ng mga kapatid ni Joseph ay itinapon siya sa butas at sinira nila ang kanyang suot dahil sa inggit. Malungkot noon si Joseph at ibinenta pa nila ito sa Egypt. Noong nandoon siya sa Egypt ay isa siyang alipin doon, at di nagtagal ay nakulong, hanggang sa pinatawag ng hari na hulaan ang kaniyang panaginip. Ito'y kanyang nahulaan. Lumabas siya sa jail at naging magkakatiwalaang ng Pharaoh na nagtratrabaho sa Egypt. Nang dumating ang taggutom, dumating ang kaniyang mga kapatid sa Egypt upang bumili ng mais at hindi na nila namukhaan si Joseph na mataas na pala ang kinalalagyan. Noong nagtanong ang kanyang mga kapatid sa kanya na bibili sila ng mais ay hindi siya galit ngunit siya ay nagpakilala sa kanyang kapatid at agad ngang nagpatawad ang kanyang kapatid sa kanilang ginawa at pinatawad agad naman ang mga ito ni Joseph. Yinakap niya isa-isa ang kanyang mga kapatid at pagkatapos iniuwi nila ang mga mais. Ibinalita ng kanyang kapatid sa kanilang ama na pupunta si Joseph sa kanila. Nang nakita niya si Joseph ay masayang masaya ang kaniyang ama dahil ang iniisip niya wala na ang kanyang anak pero hindi pala. The End. Anong natutunan niyo mga binata?" "Ang ganda ng istorya, dapat patawarin natin ang nagkasala sa atin at mahal tayo ni God kahit anong pagsupok ang dumating." "Ako naman, huwag tayong magagalit pag-mayroon silang nagawang mali sa atin, be humble and patient. Love each other. Right?" "Tama! Ang dami niyong natutunan." "Inaantok na ako, una na akong matulog. Goodnight," sabi ni Kaylo. "Tito, ikaw po, hindi pa?" tanong ni Kaylo. "Mamaya pa ang aga-aga. Haha." "Gush. Sige tulog na rin ako napagod ako sa Adventure. Goodnight." "Sige, Goodnight mga iho." NAKATULOG SINA IDRAN AT KAYLO NG MAHIMBING HABANG SI PEPE AY NAGBABASA NG MGA RESIPE NG MASASARAP NA PAGKAIN. HANGGANG MAY TUMAHOL NA ASO, AT DUMATING SI ISMILA SA KANYANG BAHAY. "Bakit kaya ang ingay sa labas? Parang wolves na umuungol. Hindi kaya si Nanay Ismila ang bisita ko? Kasi kapag umuungol ang mga lobo kahit umaga or gabi ay dumarating dito sa tree house. Tignan ko nga sa labas. Binuksan ni Pepe ang pinto at kumidlat. Boosh! Boosh! Bashh! "Naku! Nakakatakot." Biglang nagpakita si Ismila sa kanya. "Ako ito ang nanay mo!" "Ah, ikaw pala inay. Napabisita po layo. Halika inay, pumasok ka. "Huwag na Pepe. Dito nalang, may sasabihin akong babala sa iyo. "Ano po iyon inay?" "Nakatulog na ang dalawang kaibigan mo?" Biglang kumidlat ng pagkalakas-lakas. "Wooh! Nakakatakot iyang kidlat inay." "Wala iyan, sound effects lang ang mga iyan at flashlight nanggaling sa bahay ko. Para may dating ako." "Okey po. Ano pala ang sasabihin niyo sa aking babala?" "Tungkol sa pinuno ng aswang, nahulaan kung totoong nagalit ang pinuno nila dahil napatay nila ang puno dahil sa mga kasama mong kaibigan." "Nakita nga namin kanina inay. Nanginig nga kami kanina." "At isa pang nakakatakot ay! Bigla nanamang kumidlat. "Ano iyon inay?!" "Nasa sa kanila si Noven, ang dati kong kasintahan. Noong siya ay naglalakad sa lugar na nakabangaan ng sasakyan ay nagalit ng husto ang pinuno ng mga aswang na si Supruneyo at kinuha nga siya. Kaya nalungkot ako. "Totoo nga ang sinabi ko! Nakuha siya! Pati na rin si Kaylo, dahil nawawalan na siya ng tiwalang mahahanap pa nila si Noven!" "Huwag kang maingay magigising sila! Anak." "Bakit naman inay kapag magigising sila​​?" "Kung magigising si Kaylo at Idran ay malalaman na nila sa iyo na nasa pinuno ng mga aswang ang kanilang Uncle. Ayaw ko silang makitang malungkot at mabigla." "Oo nga inay. Pero kapag gumising sila ay huwag kong sasabihin. "Hindi anak, nahulaan ko na nga eh. Alangan na nagkamali ako sa hula ko, mapwepwersa mong sabihin sa kanila dahil sa awa ng kanilang mukha at dahil nagtataka sila. Tsaka kapag nalaman nila ay kusa silang pupunta doon sa Aswang Territory ngayong gabi at kung ganon ang mangyayari ay mamatay sila kapag gagawin nila iyon. Kaya huwag mo silang gisingin okey?" "Oo na Inay. Pero ano iyong sasabihin mong babala sa akin?" "Ang babala ko sa iyo kapag pinatuloy mo pa sila bukas hanggang gumabi ay kasama ka na sa mga target ng pinuno ng Aswang at isasama kanilang papatayin. Kaya nandito ako ngayon para maging ligtas ka laban sa pinuno ng Aswang na Supruneyo." "Nakakatakot! Anong po ang gagawin ko inay​?" "Eto ang gawin mo anak, sasabihin mo sa kanila bukas na irerenovate mo ang iyong bahay na tree house." "Ay, oo nga pala nalilimutan kong irenovate ang bahay ko." "Oh, maganda yun diba? Kaysa magsinungaling sa kanila." "Sige inay, susundin ko ang iyong sinabi sa akin." "Dapat sa 9:00 A.M. ng umaga, dapat pupunta na sila doon dahil madadakip ang bakla nilang kasamaan doon sa bahay nila Milu ng 7:30 P.M. ng gabi. Pupunta bukas dito si Hornoyo at kakausapin ka. Dahil anyong aswang siya dahil makulimlim at walang araw. Tapos sabihin mong "Wala na iyong mga bisita ko dahil pumunta na sila sa bahay ni Milu. Ang dahilan ay ang bahay ko'y marerenovate" iyan ang sasabihin mo sa kanya. Pupunta nga si Hornoyo kay Milu at doon dadakipin ang bakla mong kaibigan. Huwag kang mag-alala, si Supruneyo ay inutusan si Hornoyo para dakipin niya ito ngunit sa pagkadakip ni Hornoyo nito ay may mabuti siyang intesyon. So, no worries." "Ay, ganon pala, ngunit wala ba akong magagawa inay para sa kanila sa susunod nilang paglalakbay? "Meron anak, may ibibigay akong potions para sa kanila. Pero may sasabihin akong isang pag-asa." "Ano po iyon inay?" "Iyong kambal ng madadakip ay ang bagong itinakda!" "Siya?!" "Psst! Quiet. Oo. Iyong kambal ng madadakip ang itinakda! Bigla na namang kumidlat. "Siya ang itinakda dahil sa hula ko pareho silang nanaginip na naglaban sila. Hindi lang sila, pati ang kaibigan mong si Milu napanaginipan niya na ang itinakda ay nagngangalang Kaylo ngunit hindi naniniwala si Milu hanggang di niya nakikita ang taong ito." "Totoo palang siya, may kutob na rin ako na siya ang itinakda eh. Siya'y matapang ngunit hindi gaano." "Siya ang pag-asa natin at pagkatapos madakip ang kanyang kambal ay doon siya magkakaroon ng lakas ng loob para kalabanin ang pinuno ng mga asawang at marami pang pagsubok ang dadanasin niya sa bahay ni Milu. Siya ang tutulong para sanayin siya at para makuha ang Gigamagnet. May ibibigay ako anak, ibigay mo itong potion of scratch sa madadakip at potion of poisonous water kay Kaylo." "Iyan lang ba inay?" "Oo anak, ingatan mo. Iyan lang ang kailangan nila pagkatapos nilang umalis sa bahay mo. Sabihin mo na anting-anting iyan. Para swertihin sila." "Sige po, ibibigay ko sa kanila at bukas po gagawin ko ang lahat ng sinabi mo para maging ligtas ako." "Huwag mong sasabihin sa kanila ang mga sinabi kong hula. Ang sasabihin mo lang ay renovation ng bahay mo. Maliwanag ba anak?" "Opo inay. Copy." "Uy! Naglalakad iyong madadakip mong kaibigan oh!" "Naglalakad ng tulog. Haha!" "Babay yo na anak. Alam kong magagawa mo lahat ng sinabi ko at magiging ligtas ka. Pahigain muna iyang kaibigan mo na parang zombie. Hihi... Ay, oo nga pala. Kung tatanungin nila kung saan ka matutulog ay sasabihin mong makikitulog ka sa akin." "Opo inay. Maliwanag. Sige. Bye. Makakaasa kayo sa akin." Pinahiga ni Pepe si Idran. Sumakay naman si Ismila sa kanyang Flying Wonder Walis at mabilis na nakalayo. "Siguro nga, matulog na rin ako." Nakatulog si Pepe. Pagkatapos nilang natulog ay nagtitilaok ang manok. Time check: 6:10 A.M. Date: June 09, 2019 "Gising na mga iho. Mag exercise tayo ng Chicken Dance." Nagising sila at pagkatapos sumayaw sila ng Chicken Dance. Pagkatapos ng sayaw ay may sinabi sa kanila si Pepe. "May sasabihin ako sa inyo mga iho." "Ano po yun Tito?" "Irerenovate ko na ang bahay ko. Kaya makikitira muna kayo kina Milu. Makita niyo naman na ang old na kaya I will make it as new." "Naiintindihan ko po pero mamimiss po namin kayo Tito. Yinakap ni Kaylo si Pepe. "Salamat din sa mga masasarap na pagkain." "Aww, ang sweet. Pati ako mamiss kayo pati ang luto mo Tito. Yinakap rin siya ni Idran. "Ang sweet niyo naman mga iho, pati ako mamiss ko kayo, Lumuha nga si Pepe at patuloy silang nagyakapan. "Mamayang 8:30 A.M. na ako magstart sa renovation at baka 1 year ang abutin after I done it. Kaya may inihanda akong masarap na pagkain na nabasa ko kagabing resipi na paksiw na baka, adobong manok, at kalderetang kalding. Kaya kain muna tayo ng may magic, matagal na naman kayong mamasyal dito kaya inihanda ko iyan para sa inyo. "Hindi po namin kayo malilimutan, dahil always kong naalala ang mga masarap mong luto," sabi ni Kaylo. "Ako rin po, same sa sinabi niya." "Ano pa ang hinhintay niyo? Kain na. Nakaluto na ako. Mabilis silang pumunta sa mesa. "Pray muna tayo bago kumain." Nagpray sila. Pagkatapos nito ay kumain sila at nabusog nanaman. "Nabusog ako, ito ng ang pinakamasarap na pagkaing natikman ko isama natin ang luto ni Kaylo," sabi ni Idran. "Oo nga ang sarap. Nabusog ako." Hanggang nag-ayos sila ng gamit papunta kay Milu. Pero nagrelax muna sila ng ilang minuto at ng oras ng 8:30 A.M. ay sinimulan ni Pepe ang renovation. Nang natapos ang kanilang pag-aayos ng kanilang gamit ay inilabas nila nito ng 8:45 A.M. "Mag-iingat kayo mga iho, ituturo ko sa inyo ang daan. Sa daang pahilagang kanluran ay makikita niyo ang isang post o palatandaan na nagsasabing Milu's House this way, 30 km far from house of Pepe. Eto ang mapa, tignan niyo." "Eto nanaman si Dora the Explorer, bakit di gumagalaw ang mapa? Ay!sorry real world pala tayo. Tinignan ni Kaylo ang mapa. "Wow ang lawak talaga ng Santisimo City, pero ito ang smallest city of Annon Province ngunit mas maliit pa rin ang Balete." "Yup, ang Balete ay maliit ngunit nandito ka na ay malawak. "Tito, saan naman kayo titira?" tanong ni Idran. "Makititira ako sa aking nanay iho." "Paano kung hindi nila kami patuluyin?" tanong naman ni Kaylo. "Hay naku Kaylo, ang sweet niyo nang anak niya tapos hindi niya tayo patuluyin.' "Huwag ka nga tito, nakikilig ako kapag naaalala ko siya eh." "Ayiiee, pumapagibig itong kuya ko." "Sabihin niyo nalang sa kanila na kaibigan kami ni Pepe. Hindi siya magdadalawang isip na patuluyin kayo at mabait din siya kaya no problem." "Sige po. Tito." Para sure na alam nila ang sinasabi ni Pepe, sinamahan sila ni Pepe sa palatandaan. "Nandito na tayo mga iho." "Dito pala, uhm... Paano Tito. Punta na kami doon. Iyong promise namin sa iyo na magiging Chef ka, magkakatoo iyon pagkatapos naming makapunta sa Dimafind City at babalikan ka namin dito upang mamasyal. Balak ka naming iapply doon para matupad ang promise po sa inyo." "Yup, hug ulit tayo. Omg!" They hug together before they go to Milu's house. "So paano? Mamimiss ko kayo. Very much. Tunay ko kayong kaibigan. Bisita ulit kayo dito pag natapos na house ko. "Opo Tito. We miss you too. Muah!" "Pati ako mamiss ko kayo ng sobra at babalikan ka naman namin dito para mamasyal at maging bisita niyo. Mamimiss ko talaga ang iyong luto at thank you na rin sa lahat," pasasalamat na sinabi ni Kaylo. "Salamat din sa lahat dahil nakilala ko kayo. Oo nga pala, may ibibigay ako sa inyong anting-anting para pampaswerte. Ang dilaw ay kay Idran at ang purple ay kay Kaylo. Ito na ring Flashlight baka kailangan niyo pag dumilim. "Salamat ulit. Ang bait niyo po talaga. Oh my!" "Ang ganda salamat ng mga anting-anting namin. Salamat." "Walang anuman. Sige ingat kayo ah? Bye." "Bye po. We miss you." "Bye, muah." UMUWI SI PEPE PARA IPAGPATULOY ANG RENOVATION NG KANYANG BAHAY HABANG SINA IDRAN AT KAYLO NAMAN AY PUPUNTA NA SA KANILANG NEXT DESTINATION AT ITO AY ANG PAGPUNTA NILA SA BAHAY NI MILU.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD