Pero sa oras na iyon ay nais ni Kaylo na mas makilala pa si Anghelita.
"Seryoso ako Anghelita. Sana, makilala pa kita ng husto at ganon din naman sa akin."
"Nice. I like that attitude. Iho."
"Oo na pero hindi gaanong matagal ah.
Nagpatuloy ang pagngiti at pagblush ni Anghelita.
"Nagblublush si ate oh."
"Hindi no kapatid, mainit lang kasi."
"Magwentuhan muna tayo mga iho at iha. Doon oh, sa ilalim ng puno ng Balete."
Nagsalita na nga si Iryan dahil iniisip niyang baka mag-alala sa kanila ang kanilang tatay.
"Pasensiya na po sa inyo. Hmm, kailangan na talaga namin umalis ni ate dahil baka mag-aalala ang aming tatay sa amin."
"Sorry po talaga. Tama si Iryan. Mag-aalala kasi ang tatay namin kapag magtatagal pa kami dito. Namasyal lang kami ng kapatid ko dito at nanguha ng kabute para sa hapunan namin mamaya."
"Ang aga naman ninyong kumuha ng kabute.
"Maaga nga. Matapos naming mananghalian ay pumunta na kami dito. Kapag mahigit lampas gitna na ng hapon ay naglalabasan ang maraming ahas dito.
"Omg! Snakes. Im scared."
"Kaya nga bago mag 3:00 P.M. tayo pupunta eh. Delekado rin dito. Magpakilala na lang kayo sa isat-isa total kilala niyo naman ako diba. Friend niyo naman ako sa FB."
"Oo naman po, ikaw ang kaibigan ni tatay."
"Oo siya nga ate."
"Ba't alam niyo ang sss eh wala ngang internet dito?" tanong ni Kaylo.
"Ako nga Kaylo, di ko alam iyan f*******: eh" sabi ni Anghelita.
Tumawa si Idran.
"Tumigil ka nga Idran, maswerte nga tayo dahil may cellphone tayo."
"Ate, wala tayong cellphone, buti si Pepe may Cellphone. Pati sintatay rin may Cellphone",
"Sana all may cellphone. At may sss sa cellphone."
"Di bale ate, makakakuha rin tayo niyan."
"Huwag kang mag-alala, Anghelita. Bibilhan kita niyan at babalikan dito sa Balete."
"Ang sweet niyo naman po kuya."
"Gush, sana all, binibilhan."
"Ako din po kuya."
"Kay Idran nalang sa iyo Iryan."
"My Gush! Ba't ako! Hmm. Sige na nga."
"Yehey!"
"Sige bago kayo bumili ng cellphone magpakilala muna kayo isa't-isa haha, ikaw na mauna Kaylo."
"Teka lang, paano kayo nakakafacebook dito?" kulit na tanong ni Kaylo.
"Mataas ang aking bahay iho, kaya naman nakakakuha ako ng internet."
"Ah sige, ganon pala. Sige, umpisahan ko na. Ako si Kaylo, 21 years old. Taga-Santisimo City. Nang-iiwan ng kasabihan, iyong Golden rule."
"Ako naman si Iryan, 10 years old ang bunsong kapatid ni Anghelita na Taga-balete at nang iiwan ng kasabihan, pangit man ako sa inyong paningin, magsalamin muna kayo bago niyo ako apiin."
"Ako naman si Idran, 21 years of age. Bunso ako ni Kaylo. Nag-iiwan ng kasabihang, aanuhin mo pa ang d**o kung wala namang kabayo."
"Ako naman si Anghelita. 21 taong gulang. Anak ako ni Tatay Milu. Kapatid ko si Iryan at ako'y Taga-Balete at nag-iiwan ng kasabihang walang halaga ang iyong ganda kung ang kalooban ay pangit pala, and I Thank you."
"Ako naman ay may kasabihan mga iho at iha. Eto na, ang kabaitan ay hindi nakikita sa labas ito'y nakikita sa loob ng iyong puso."
"Paano naman makikita?" tanong ni Iryan.
"Kapag naramdaman niyang isa siyang mabuting tao at hindi na magbabago iyon."
"First time pala namin kayong makita dito sa Balete ha?" napansin ni Iryan.
"Goodness Gracious. Gush! Mahabang istorya, naaccident kami tapos napadpad kami dito tapos nakita namin siya."
"Okey po kuya."
Nagsimulang nagpaalam na sina Anghelita at si Iryan.
"Magapaalam na po kami. Salamat at nagkakakilala tayo."
"So, Anghelita pwede ba tayong maging magkaibigan?
"Oo naman Kaylo."
"My gush! Ayiiee, ako rin ah?"
"Oo naman."
"Kung kaibigan kayo ni ate ay kaibigan ko na rin kayo," sabi ni Iryan.
"Una na kami," masayang sinabi ni Anghelita.
"Bye," sabi ni Iryan.
"Bye. Sa susunod ulit," sabi rin ni Kaylo.
"Bye, sana'y magkikita ulit tayo. My gush!"
"Paalam mga iha."
Naglakad sila hanggang sila'y nakalayo.
"Anghelita!!!" sigaw ni Kaylo ngunit hindi na nila marinig dahil nakalayo na sila.
"Bakit iho, may sasabihin ka pa ba sa kanya?"
"Tatanungin ko lang sana kung bakit siya nafall kay Jey-ar."
"Kalimutan mo na iyon, matagal na iyon iho."
"Sigeh po tito."
"Oras na pala para kumuha rin tayo ng kabute at gulay."
Kumuha sila ng kabute at gulay na malunggay sa parte ng bulubundukin.
"Bilisan natin mga iho ang pagkuha. Malapit na atang mag alas-tres, lalabas ang mga ahas."
Habang naglalakad sila ay natapilok si Pepe kaya nagalaw ang relo at naging 2:30 P.M.
"Aray, ang sakit!"
"Bangon na po kayo tito."
"My gush bangon po Tito. Anong oras na kaya?"
"Hmm, 2:30 P.M. Bilisan na natin mga iho, 30 minutes lang tayo kukuha. Kaya Idran ikaw nalang sa malunggay at kaming dalawa sa kabute."
"Gush, iiwan niyo ako. Isang beses na nga akong naiiwan tapos dodoblehin niyo pa?"
"Ganito nalang iho, hihintayin ka namin. Pagkatapos ka naming hintayin na makakuha ng malunggay ay sasama ka at kukuha tayo ng kabute."
"Mas mabuti na palang maghintay para sabihin niya ang matamis niyang oo. Gush."
Iniwan nga nila si Idran.
"Ewan ko sa kambal ko kung lalaki siya or bakla."
"Bahala nalang siyang magdesisyon kung ano ang katauhan niya iho. Buhay niya iyon."
"Sa bagay, totoo naman."
"Nakikita mo iyang mabundok na parte diyan. Sa tuktok tayo kukuha, so aakyat tayo."
Umakyat sila hanggang makarating sila sa tuktok.
Nakita nila ang ibat-ibang species ng kabute.
"Tito, kahit anong kulay ginoo?"
"Ang kulay na dapat mong kunin ay ang puti at may bukol sa ugat nito. Claro?"
"Nandito na tayo sa magtv na atin to."
"Ano iyon iho?"
"I mean claro po."
Kumuha sila ng ganong kabute at natapilok ulit si Pepe kaya naiset ang relo niya ng 2:59 P.M.
Ngunit sa oras na ito ay marami na silang nakuhang kabute.
"Awts! Minamalas ata ako. Okey na yang kabute marami na yan. Aw! Masakit talaga."
"Bangon ulit kayo ginoo, sa bagay may special ability kayo nawawala sugat niyo.
"Yup, ano oras na kaya tignan ko nga. Oh! 2:59 P.M. na! Maglalabasan na ang mga ahas para magpalamig dito!"
"Wow talagang may oras ah. Eksakto kayang 3:00 P.M?"
"Takbo na iho!"
Agad silang tumakbo pababa ng mabundok na part at pinuntahan nila si Idran.
Natapilok nanaman habang tumatakbo si Pepe kaya na set sa 3:00 P.M. ang kanyang relo.
Agad naman siyang nakatayo.
"Bilisan natin! Alis na tayo dito baka nandiyan na sila," sabi ni Kaylo.
"Bilis, bababa na tayo iho."
Nakababa na nga sila hanggang sa nakapunta sila kung nasaan kumuha si Idran ng malunggay.
"Nasaan na si Idran Tito? Bakit kaya wala na siya dito?"
"Oo nga no iho."
"Nandiyan pala siya!. Takbo na Idran, kunin mo ang malunggay at samahan mo kami!"
"Omg! Bakit naman ako tatakbo diyan? Eh diyan lumabas ang mga ahas. Kaya pumunta ako dito!,
"Iho, tumakbo tayo papunta kay Idran!
Natapilok nanaman si Pepe.
"Awwtts! Eto na ang pinakamalas na araw ko 3 times na akong natapilok."
"Pero may problema po tayo. My gush! Pinalilibutan na tayo ng mga ahas!" sigaw ni Idran.
'Naku! Ito na ba katapusan natin?" tanong ni Kaylo.
"Naku, gamitin ko na ang potion of teleportation!"
"Huwag kayong mag-alala mga iho!Nandito naman ako eh, magteteleport tayo sa nakabanggaan ng sasakyan niyo. Kumapit kayo sa akin."
Kumanta nga si Idran.
"Kumapit ka sa akin, kumapit ka sa akin at hindi kita bibitawan."
"Tama na yang kanta. Idran. Kapit ka na sa kanya."
"Hay naku, sige na nga. Sinira mo ang mood ko Kaylo. Tsaka diba walang magic, sabi niyo kanina eh?"
"Gusto mo bang maiwan dito Idran?"
"Wala, kakapit na ako. Gush!"
Nang nakakapit na sila kay Pepe ay may sinabi si Pepe sa kanila.
"Say the magic word, sabayan niyo ako ng "Abra, Kadabra, Alakazam!"
"My Gush! Kailangan pa ba iyan?"
"Kailangan iyan Idran. Sundin nalang natin."
Sinabi nga nila ang magic word.
"Abra, Kadabra, Alakazam!"
Nakaiwas sila sa mga ahas at nagteleport nga sila patungo sa nakabangaan ng kanilang sasakyan.
"Diyaran! Nandito na tayo mga iho."
"Amazing, nandito na tayo. Omg!"
"Wow, magic."
"Anong oras na?" tanong ni Kaylo.
Tinignan ulit ni Pepe ang kanyang relo at saktong 3:00 P.M.
"Tatlong beses na! Ito na ang pinakaubod ng saya ko. Pero tatlong beses lang akong natapilok kaya pinaubod din ng malas. Haha.
Tumawa sila ng oras na iyon dahil sa nangyari kay Pepe.
"Nakakatawa iyon ah ngunit dito pala ang lugar kung nasaan ang puno ng maitim na Balete. Saan pala bumangga mga iho?"
"Halina po kayo? Dito po Tito. Natatandaan ko po kung saan," sabi ni Kaylo.
Pinuntahan nila at sinabi kung nasaan ito bumangga.
Natakot si Pepe dahil ang binangga nilang puno ay ang itim na Balete kaya nanginig silang lahat.
Dito nila nalamang ang nabangga nila ay ang anak ni Supruneyo walang iba kundi ang Mahiwagang Puno ng Balete sa itim na anyo.
"Mga iho, nakikita ko ang bakas ng sasakyan dito at dito talaga nakatayo ang punong iyon. Tsaka, wala na rin talaga ang punong iyon!"
Lumapit pa sila sa dating nakatayuan ng mahiwagang puno.
"Yari, dito ang saktong lupa noong nakatayo pa ang puno. Nakikita kong abo ang lahat dito pati sasakyan abo.
Hindi ko alam kung bakit nasunog, pati metal at babasagin, oh dahil kaya sa Carbon ng puno kaya nasunog lahat?"
"Siguro, pero yari, tayo sa pinuno Kaylo."
"Mga iho, ito na siguro talaga ang itinadhana para mawakasan ang paghihirap ng kawawang mahiwagang puno ng Balete. Tutulungan ko na lang kayo sa paghahanap kay Noven. Pero nanginginig pa rin ako dahil napatay niyo ang precious niyang puno.
Nanginig nga silang tatlo.
"Siguro nga po Tito. Pero hindi ako natatakot sa kanya. Hays, tama talaga, it means galit na ang pinuno baka kinuna na nga nito si Uncle Noven.
"Gush! Huwag tayong pang hihinaan ng loob nandiyan pa si Uncle Noven. Ikaw na nagsabi Kaylo na hindi pa nakuha si Uncle Noven ng mga aswang at ligtas siya diba?"
"Tama ka! Idran!"
"Tama ka iho. Big correct kaya hanapin na natin siya. Wala namang mawawala kong hindi natin susubukan hanapin. Diba?"
"Yup."
Sila ay naghanap ng naghanap hanggang sa malapit nang lumubog ang araw.
"Uwi na tayo mga iho dahil gabi na. Maraming mababangis na hayop dito kapag ganitong oras na."
'Maghanap tayo doon, baka sakaling makita pa natin siya," lumuha na nga si Idran.
"Huwag ka nang umiyak Idran. Bukas nalang ulit tayo maghanap. Napakaemotional mo naman."
"Naiintindihan kita iho, pero tayo naman ang mapapahamak kapag hindi pa tayo umuwi."
"My goodness. Sige na nga, umuwi na tayo. Tara lets, tara, tara, tara lets. Di ka na mabibigo oh."
"Tayo na mga iho, masyado nang matagal ang istorya natin sa kabanatang ito. Haha!"
Umuwi na sila papuntang tree house ng malungkot pero pinasaya sila ni Pepe noong siya ay nagpatikim ng kanyang luto masarap na luto.