Sa pagpapatuloy ng kwento ay nagmadali na silang lumabas ng tunnel.
"Bilisan niyo mamamatay na tayo!" sigaw ni Pepe sa kanila.
"My gush! Ang bigat ng kayamanan! Diba my magic si Tito?"
"Oo pero, sinabi ko na kaninang magic lang sa pagluluto. Basta pagkain."
"Kasalanan mo to ang ingay mo kasi."
"Okey fine. Sorry na guys. Kasalanan ko to eh. My gush!"
"Okey lang iyon. Basta makalabas tayo dito. Malapit na tayo papalabas ng tatlong lagusan. Una kayo mas mabilis kayong dalawa mga iho."
NAHULOG ANG MALAKING TIPAK NA BATO SA KINAROROONAN NI IDRAN AT KAYLO AT SILA'Y MALAPIT NA SA TATLONG LAGUSAN.
"Bilisan niyo mga iho. Mahuhulog na ang malaking bato! Huwag niyong tignan. Deretso lang!"
Tinignan nina Kaylo at Idran ang malaking bato at bigla silang namutla na akala nila katapusan na nila.
"Patawarin mo ko Idran sa lahat ng nagawa ko."
"Ako rin. Patawarin mo ko."
Itinulak ni Pepe sina Idran at Kaylo para makapunta sa papalabas ng tatlong lagusan.
Nang itinulak ni Pepe ay nagalaw rin ang kanyang relo sa 12:30 P.M.
"OMG! Patay na ba tayo?"
"Nakikita ko na ang mga anghel."
"Gising-gising mga iho. Ligtas na tayo. Inilitas ko kayo."
"Salamat po Tito, iniligtas mo ang mga buhay namin."
"Omg! Akala namin katapusan na namin, salamat talaga."
"Wala iyon, iniligtas niyo rin ang buhay ko kaya nagbabayad lang ako sa utang na loob na ginawa niyo. Kaya it means kwits na tayong lahat."
Tumawa silang lahat pero nagtuloy-tuloy ang pagyanig.
Mayroon ding ahas na lumapit dahil sa guho kaya tumakbo ulit sila papalabas.
Nakaligtas nga sila papalabas at gumuho lahat ng tunnel kaya hindi na pwedeng pasukan ang tunnel.
"Ligtas na tayo! Ligtas tayo! Wow! Naglaho iyong tunnel. Gush!"
"Kasalanan mo lahat ng ito, Idran."
"Diba napatawad mo na ako Kaylo?"
"Ay, oo nga pala, peace."
"Ako galit ako!" seryosong sabi ni Pepe kay Idran.
"Sorry na, hindi ko naman gusto ang nangyari."
"Joke lang. Haha, peace."
"Eto naman si ginoo oh."
Tumawa silang lahat ng oras na iyon dahil sa nangyari.
"Okey lang iyon, ligtas naman tayo at may ginto pa. Oh! Tignan niyo 12:30 P.M. na. Ang galing ko, dalawang beses na. Ito na ang pinakamasayang araw ko!"
"My gush! Tuwang-tuwa si Tito na sira ang relo."
Biglang nagutom nga si Idran.
"Gutom na ako mga bess."
"Mga iho, mananghalian na pala tayo. Mamaya na natin tignan ang mga kayamanan at pagkatapos nating kumain ay paghati-hatian natin ang kayamanan."
"Ano kaya ang masarap na naamoy ko, kanina pa?" tanong ni Kaylo.
"Eto ang tinolang manok mga iho. Buti binalot ko ng mabuti. Kung hindi sana ay masasayang palang kaninang tumatakbo tayo papalabas ng tunnel."
Tinanggal nila ang balot at saka binuksan nila ang kaldero.
"My gush mainit pa rin at mabango. Yummy."
"My favorite!"
"Pray muna tayo mga iho bago kumain."
Pagkatapos nilang magpray ay kumain sila ng madami hanggang sila'y nakatulog sa ilalim ng puno ng Balete.
Nang gumising sila'y may nagnakaw ng ilang mga ginto at nakita ni Idran kung sino.
"Bakit parang kumunti ang ginto mga iho?"
"Nakita ko! Si Robbery Girl o maliit na babae. Hindi ako nananaginip!"
"Huliin natin siya!"
Sa kabilang banda naman ay tumatakbo ang nagngangalang Iryan na kinuha ang ilang mga ginto papunta sa kanyang ateng si Anghelita na kumukuha ng mga kabute.
"Naku, sinusundan nila ako!" sabi ni Iryan sa kanyang sarili.
Tumakbo sila para hulihin si Iryan.
Mabilis na tumakbo si Iryan hanggang lumapit siya sa kanyang ate at kinausap.
"Ate iyong mga lalaking iyon hinahabol ako!"
"Sino! Ba't ano naman kasi ginawa mo sis?"
"May nakuha akong gold sa kanila oh! Ang kinang!"
"Nagnakaw ka! Mali iyang ginawa mo sis. Ibalik mo na sa kanila ng mapagkumbaba."
Tumakbo pa rin si Iryan.
"Ayaw ko ate. Sayang!"
"Iryan!"
Nakita ni Kaylo ang babaeng kumuha ng ilang sa mga ginto.
"Iyon siya!"
Tumakbo si Kaylo hanggang nakita niya ang batang si Iryan.
Tumakbo si Kaylo hanggang nabangga niya si Anghelita.
"Teka lang."
BAAG!!!
"Awww!"
"Aray!"
Sila'y nagtinginan ng slow mo at nabighani si Kaylo kay Anghelita sa kanyang kagandahan.
Pagkatapos, tinulungan ni Kaylo si Anghelita na tumayo.
"Sorry po miss, tulungan na kitang bumangon. Tsaka ang ganda niyo."
"Salamat."
Dahil sa pagtulong ni Kaylo ay nakilig si Anghelita.
Nag-usap nga sina Kaylo at Anghelita.
Habang sa kabilang banda naman ay nahuli na Idran si Iryan.
"Gush! Huli ka balbon."
"Pakawalan niyo ko. Raawwrr! Nasasaktan ako!"
"Akin na ang mga iyan. Omg!"
"Iho! Huwag mong saktan ang bata. Kunin mo na lang ang ginto at ibigay mo na lang ang isa sa mga gold bars."
"My gush! Kung ako sa iyo Tito, pinalo ko na ang bata."
"Huwag iho, labag iyan sa batas. Pwede kang makulong diyan!"
"Okey, okey. Bata, akin na iyang mga ginto."
"Ayaw ko nga. Tignan niyo sila oh, ang sweet nila ni Ate."
Biglang tumingin si Idran sa sinasabi ni Iryan.
"Anong ate? What!"
Tumingin nga sila kina Kaylo at Anghelita.
"Nakakakilig ang ihong iyon. Ayiee."
"Ommgg! Pumapag-ibig na si Kuya."
Kumanta nga si Idran.
"Your the one that... Your love is like the sun and lights up my world, I feel the one inside."
"Uyy, tumahimik ka Idran! Wrong lyrics eh."
"Whatever."
"Ano pala pangalan mo miss? Ako pala si Kaylo."
"Ako nga pala si Anghelita. Nice to meet you."
"Same to you. Nice to meet you too."
Sila'y nagshakehands.
"Wah! OMG! Nagholding hands. Ayiee! Kilig pa more. Haha. Lowbatt kasi cellphone ko eh. Sayang, picturan ko na sana sila.
"I heart this ayiee, sweet nila," kilig na sabi ni Pepe.
Pagkatapos ng shakehands ay nagpatuloy ang kanilang pag-uusap.
"First time ko kayong nakita at kasama niyo si Pepe."
"Mahabang istorya kasi eh. Naaksidente kami tapos, nakita namin siya."
"Ah, ganon pala ang nangyari."
"Gush! sweet nila bagay silamg dalawa. Teka lang, pagkakataon ko na ito para tumakas.
Tumakas si Iryan ngunit napagmasdan niya ito kaya wala siyang kawala.
"Ah! Akala mo makakatakas ka sa akin. Loko kang bata ka, my gush! Haha!" halakhak ni Idran.
Sumigaw si Iryan at narinig ito ng kanyang ate.
"Ate! Sinasaktan nya ako oh. Ouch! my hand is aching!"
Nakita siya si Anghelita at nakita niyang nasasaktan si Iryan.
"Teka lang muna! Hmmm! ?"
Pumunta siya kay Idran at sinampal-sampal.
"Etong sa iyo! Heto pa!"
"Ouch, ouch tama na! Ouch, Omg!"
"Tama na yan! Anghelita. Kambal ko siya at hindi niya sinasadya ang kanyang ginawa sa iyong kapatid."
"Ayy kambal mo siya, sorry. Tsaka pasensiya na dahil nagnakaw ang aking kapatid. Pero nagawa ko ito sa kanya dahil nasaktan ng husto ang aking kapatid."
"Ouch! My beautiful skin is red. Nasaktan na nga ako mas sasaktan mo pa ang puso kong nabiyak na."
"Bakit? Ikaw lang ba ang nasaktan, pati ako sinaktan niya noong nagsinungaling siya sa akin at akala niya, alam niyang pasayahin ako pero hindi pala."
"Uy mga iho at iha. Tama na dramahan."
"Pst. Kasalanan mo kasi ito bata," sabi ni Kaylo kay Iryan.
"Oo na kasalanan ko na ang lahat. Tao lang naman ako na nagkakamali ah. Lahat naman tayo nagkakasala ah."
"Oo alam namin sis. Pero huwag mo na ulit gagawin iyon dahil masama. Huwag ka na ulit magnanakaw. Ibalik mo na ang mga ginto sa kanila."
Agad na nareyalisa ni Iryan ang kanyang kasalanan.
"Sorry po ate. Sorry po sa lahat. Hindi na mauulit. Pangako."
"Teka lang mga iha. Gusto niyo ng ginto tig-isa kayo. Kuha na lang kayo diyan."
"Ang bait talaga ni Tito. Kaya nga Pepe the Kind eh," sabi ni Kaylo."
"Gusto ko po pahingi po."
"Gush! Wala kang mahihingi, nagnakaw ka kasi eh. Char! Kuha ka na.
"Eto naman oh, nagsorry na nga ako."
"Oo na nga. Haha. Nakakatuwa ka rin ah no.
Una na ngang kumuha si Anghelita.
"Salamat po ang kinang. Tsaka kaaya-ayang tignan.
Kumuha na rin si Iryan ng gusto niya.
"Thank you rin po."
"Ito pa oh, ibigay ko na sa iyo Anghelita," nagbablush si Kaylo ng sinabi niya iyon.
"Ano iyon?"
Napangiti si Anghelita kay Kaylo.
"Ang puso ko para sa iyo."
Napaindak sila.
"Ayiieee! This is what we called love mga iha at iho!"
"Omg! Kilig din ako. Rawrr. Naku, talaga!"
"Perfect love story yeah." sabi ni Pepe.
"Ayiiee! My gush, may gusto akong sabihin, diba kong ibinigay mo na ang puso mo sa kanya ay mamatay kana diba?"
Napatahimik silang lahat.
"Idran, ang puso ko ay simbolo ng aking pagmamahal ko sa kanya kaya ibinibigay ko na sa kanya. Ganern!"
"Hindi ko po naiintindihan, Kuya," sabi ni Iryan.
"Bata ka pa talaga. Eto kunin mo rin ang regalo kung bag. Sa iyo na rin ito bata para fair. Buksan mo."
"Wow ang laking bag at may isang ginto sa loob, salamat. Hate kita dati, pero ngayon love na kita, Kuya!"
Tuwang-tuwa si Iryan dahil binigyan siya ng regalo ni Idran.
"Kuya? Sissy nalang!"
"Ayaw ko! Lalaki ka eh kaya kuya."
Nang oras na din iyon ay nahati na ni Pepe ang ginto.
"Eto rin ang mga hati nating ginto Idran at Kaylo."
"Anghelita sayo na ang isa kong ginto. Sana magustuhan mo ?," sabi ni Kaylo.
"Wow, salamat Kaylo, ito'y Puregold."
"Hindi puregreen. But anyway, Im rich at ang ganda ng mga ginto. Akala ko ginto, may emerald din pala. Pero napakaliit."
"Ingatan mo iyan iho. isa rin iyan sa mahahalagang bato na mahirap hanapin."
"Salamat sa paghati-hati Tito, ang kikinang Tito," sabi ni Kaylo.
"Walang anuman iho. Hmm, anyway, magkwento muna naman tayo para makilala natin ang isat-isa.
"Paumanhin po pero hindi na kasi kaming pwede magtagal dito."
"Bakit naman? Ang ganda ng view eh kasing ganda mo," sabi ni Kaylo.
"Hehe eto talaga binibiro ako."
Napangiti nga ulit si Anghelita kay Kaylo ng tanghaling iyon.