"Ang Unang Araw ng Pagsasanay"
Sa araw na ito ang unang araw ng pagsasanay ni Kaylo, kasama si Milu.
Maraming mga pagsubok para siya'y lumakas para matalo ang pinuno ng Aswang na si Supruneyo.
Habang sa Aswang territory naman ng araw na ito ay nakipag-usap si Idran kay Hornoyo dahil sa sinabi ni Supruneyo sa kanila.
Pero sinabi ni Hornoyo na magtiwala siya sa kanya at walang mangyayaring masama.
Pero, magsisimula ang kwento dito.
Milu's house.
Time check: 6:00 A.M.
Date: June 10, 2019
"Magandang umaga, Anghelita. Mas maganda ka pa sa umaga."
"Magandang umaga rin sa iyo Kaylo, ang aga-aga nagbibiro ka."
"Hindi ako nagbibiro. Tulungan na kitang iligpit ang mga unan at kumot."
"Sige salamat. Pero Kaylo? Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi? Pasensiya na kung magalaw akong matulog."
"Ah?! Oo pero nakatulog ako ng mahimbing."
"Pasensiya na, pero kagabi, may napanaginipan ako tungkol sa iyo. Nanalo ka daw kay Supruneyo sa inyong laban."
"Ay, ganon ba. Mabuti Anghelita, talagang sisiguraduhin kong mananalo ako laban sa kanya."
Tok, tok, tok.
"Kinatok ni Milu ang pinto. Gising na kayo diyan, kain na tayo. Baka kumakain na kayo diyan?"
"Kumakain?" tanong ni Anghelita.
"Kumakain na kayo ng pang-umagahan?"
"Paano po itay? Hindi pa po kami lumabas ng kwarto."
"Tito Milu, nag-aayos po kami sa loob ng kwarto ni Anghelita. Hindi po kami kumakain ng pang-umagahan," sabi ni Kaylo."
"Opo itay, nagliligpit lang kami ng gamit."
"Sige, hihintayin namin kayo ni Iryan."
Nang matapos nilang magligpit ay lumabas sila ng kwarto.
"Magandang umaga sa inyo," sabi ni Milu sa kanila.
"Magandang umaga, ate at kuya. Kain na tayo," sabi ni Iryan.
"Oo, kain na tayo, mamaya ang unang araw ng pagsasanay mo Kaylo. Maghanda ka mamaya, may pupuntahan tayo. Anghelita at Iryan, mga anak, mangaso kayo ng usa o deer sa bulubundukin ng Balete para sa tanghalian. Nandiyan lang iyong pana."
"Wow marunong pala kayo. Amazing."
"Oo, Kaylo, sanay na kami kasi palagi naman naming ginagawa kasama ang kapatid kong si Iryan."
"Parang hunger games Hehe."
"Ano iyon Kaylo?"
"Napanood ko lang Hehe."
"Sana makapunta rin ako sa mga City. Gusto ko ring manood ng T.V." sabi ni Iryan.
"Oo nga sa labas may T.V. at gusali sabi ni tatay. Hindi ko alam kong ano ang mga iyon. Pero mas maganda raw dito kasi mas presko ang hangin dahil maraming puno. Doon maraming usok, dito raw ay payapa. Doon maingay. Kaya huwag na kaming pupunta doon sabi niya noong bata kami. Kasi pinipilit namin ang aming tatay noon na pumunta doon."
"Totoo naman, pero kung may oras ako. Ipapasyal kita sa amin at sa Dimafind City. Masarap mamuhay doon may aircon at maraming pasyalan. Kung hindi niyo ay gusto wala akong magagawa.
"Okey lang naman sa akin na pumunta kayo doonm. Nasabi ko lang noon sa inyo iyon dahil wala akong pera para sa gasolina ng aking sasakyan noon. Gusto ko sana kayong ipasyal doon sa mga cities kaso walang pera. Pasensya na mga anak."
"Huwag po kayong malungkot. Kung matatapos lang ang labanan namin ni Supruneyo, promise, ipapasyal ko kayong lahat sa bahay namin at Dimafind City."
"Talaga, maraming salamat," sabi ni Anghelita.
Napayakap sa tuwa si Anghelita pati si Iryan kay Kaylo.
"Shh! Ang lalambot nila! Eek!"
"Salamat Kaylo, napasaya mo kami."
"Ipanalangin niyong postphone ang trabaho namin."
"Ah. Bakit? Doon sana kayo pupunta?" tanong ni Milu.
"Doon sana ang punta namin ni Idran kaso sinira ni Jey-ar ang sasakyan. Kaya napadpad kami dito sa Balete."
"Ang sama naman non. Ah! kaya pala, parang kilala ko yang Jey-ar. Iyong hindi marunong magluto tapos rineject dito sa bahay dahil pinalungkot nito si Anghelita. Dati palang kasintahan ni Anghelita, unang kasintahan. Pero ex na niya ngayon. Maraming problema non, hinahanap niya ang kanyang magulang dahil naulila siya at napadpad siya dito. Ibinigay ko na ang aking sasakyan noon para magamit niya ang sasakyan papunta doon sa Dimafind City. May kaunti pang gas non. Ibinigay ko dahil nakakaawa siya. Pumayag naman ang aking mga anak kahit hindi na kami makapunta doon sa Dimafind City, basta magamit niya ang aming sasakyan at mahanap ang kanyang mga magulang."
"Alam ko na po iyon, nakwento na po ni Pepe sa amin. Ang ginamit naming sasakyan ay ang sasakyan niyo po."
"Paano nangyari iyon?" tanong ni Milu.
"Binili ni Uncle Noven ang sasakyan ni Jey-ar dahil gagamitin niya ang pera para pambili ng alak. Which means and dating sasakyan niyo na ibinigay mo kay Jey-ar ay iyon po ang ginamit namin."
"Hay naku baliw na nga sa dami ng kalungkutan niya. Parang kilala ko si Noven. Siya ang kasintahan dati ng nanay ni Pepe na si Aling Ismila."
"Wow, alam niyo po."
"Oo, naman, kaibigan ko si Pepe tapos di ko alam."
Biglang natawa si Milu at nagtaka nga si Kaylo.
"Bakit po kayo tumatawa?"
"Natawa lang ako dahil ibang direksiyon ang pinuntahan ni Jey-ar. Imbes na pahilaga, patimog naman. Paano naisell ni Jey-ar kay Noven iyon kung hindi siya pumunta sa Santisimo City. Baliw na ata talaga, Sa sobrang lungkot naiba ng landas."
"Itay! Huwag niyo nang ipaalala, ang sakit sa dibdib. Nalungkot ako na hindi niya alam magluto. Kahilingan ko, di niya nagawa. Ang lungkot ko noon," sabi ni Anghelita.
"Huwag ka nang malungkot anak, tapos na ang mga iyon. Makakahanap ka ulit ng taong magpapaligaya sa iyo," sabi ni Milu.
"Anghelita, ako nalang ang magpapasaya sa iyo. Ayaw kong maging malungkot ka. Malungkot ka man sa nakaraa, papasayahin naman kita ngayong kasalakuyan,"ngiting sabi ni Kaylo.
"Wow, ang ganda naman ng sinabi mo kuya. SANA ALL," sabi ni Iryan.
"Okey lang sa akin na pasayahin mo siya, pero huwag salita lang, dapat may galaw. Hahaha," sabi ni Milu.
"May pag-asa ka kuya. Hahaha," tawang sabi ni Iryan.
"Kain nga muna tayo, wala na ang init ang pagkain po natin," sabi ni Kaylo.
"Oh! Winawala ni kuya ang usapan."
"Ang ganda ng sinabi mo, sana nga Kaylo, kain na tayo," sabi ni Anghelita.
Kumain nga sila ng umagang iyon.
Nang matapos silang kumain ay nagkwentuhan sila ulit ng 5 minuto.
Pagkatapos nito ay pumunta sina Anghelita at Iryan para mangaso.
Sina Milu at Kaylo, ay pumunta sa ilog ng Balete para mangisda.
Ito ang unang pagsasanay, mangisda tayo," sabi ni Milu.
"Saan po?"
"Edi sa ilog."
"Nasaan ang training diyan?"
"Ang una mong dapat matutunan binata ay ang FOCUS."
"Wow, I like that."
"Ito dapat ang una mong matutunan. Dahil ang focus ay iisa lang ang tinututukan hindi sa iba. Gaya sa love, "Kung love mo talaga siya, huwag ka nang titingin sa iba na hindi ka naman mahal." Maliwanag?"
"Ah? Okey. Gaya rin sa kalabang si Supruneyo, dapat nakatutok ako sa kanya at di nakatutuk sa ibang direksiyon."
"Very true. Lakad na tayo, papunta na tayo doon."
Lumakad sila hanggang sila'y nakarating.
"Nandito na tayo binata."
"Habang naglalakad tayo, mayroon pong namuong tanong sa aking isipan."
"Ano iyon binata?"
"Paano kayo naging itinakda?"
"Basic, ang Gigamagnet ay nahukay ko dito sa tabing-ilog dahil isa rin akong minero noong binata pa ako. Kaya ako ang itinakdang nakadiskobre nito, itinago ko ulit dito at ito ang ginamit ko laban kay Supruneyo."
"Bakit naisip niyong ito ay ang susi para sa pagkatalo niya?"
"Magandang tanong. Bakit? Dahil nagamit ko na ito sa pagmamagnet ng aking mga mahiwagang armas. Alam kong mamamagnet rin ito ng mga kwintas at sing-sing ni Supruneyo para mawala sa kanya ang kanyang pinangagalingan ng kanyang kapangyarihan. Doon ay mabilis ko na siyang matatalo."
"Naisip niyo po bang eepekto ang Gigamagnet?"
"Oo binata, malakas ang aking tiwala dito na ito ang silbi kaya tumaya ako dito. Pero di ko nagamit kasi nakalimutan kong ipindot ang switch at swerte pa rin ako noon kasi may kabutihan pa sa puso ni Supruneyo na hindi ko alam kong bakit. Ngunit napatunayan kong makapangyarihan ang minamagnet nito gaya sa pana pinindot ko lang ang switch ay biglang naatract ang tatlong makapangyarihang pana doon sa Bulubundukin ng Balete. Iyon ang ginamit nina Iryan at Anghelitang pana kaya iyong ginamit nila ay makapangyarihang pana. May tatlo akong pana doon at sa tingin ko ang mga panang iyon ay ginamit ng aming mga ninuno. Ang isang pana sa mga tato ay ibibigay ko sa iyo bukas para sa ikalawang pagsasanay."
"Ah, kaya pala, excited na ako bukas!"
"Kung, malalampasan mo ang unang pagsasanay."
"Oo naman po, pero noong una niyong nagamit ang Gigamagnet, nakakamatay po ba ito?"
"Nope, hindi naman nakakamatay ang Gigamagnet pero malakas itong mang-attract ng rare na bato, rare equipments at rare weapons. Gaya mo naatract na sa kanya, she is rare."
"Oo nga po eh. Rare po siya kaya nga nagustuhan ko po siya."
"Pero ang nakapagtataka ay may switch ito, baka invention ito ng mga aliens," sabi ni Milu.
"Hindi po ako naniniwala doon."
"Okey lang, hindi pa naman napapatunayan na totoo o hindi ang mga iyon, pero ako naniniwala ako."
"Hindi na po mahalaga iyon, ang mahalaga matalo natin si Supruneyo."
"Sige, umpisahan na natin. Kung mas madami kang makuha kaysa sa akin bago magtanghalian o 12:00 P.M. uwi na tayo. May cellphone ako dito at ang time ay 8:30 A.M. Kaya iseset ko nalang ang alarm nito sa 12:00 P.M. Kung mas maliit ang makukuha mo kaysa sa akin, uulitin natin ang pagsasanay dahil kulang ka sa Focus. Ang ilog na ito ay maraming tilapia kaya imposible na maliit ang makukuha mo. Ready na ang mga pangbingwit at basket kaya, ready, get set go!"
Hindi mainit ang araw noon dahil ang ilog ay napapaligiran ng puno ng Balete. Maraming hayop at sariwa ang hangin.
Nagbingwit sina Kaylo at Milu hanggang 12:00 P.M.