"Ang mga Pagsubok ni Pepe sa Pagpasok ng Kanyang Bahay"
Nagpakilala si Pepe sa kanila at sinubok nga ni Pepe kung gaano sila katalino sa mga pagsubok sa pagpunta sa loob ng kanyang bahay.
Nakiusap si Idran na pagbigyan nalang sila dahil siya ay mabait ngunit sinabi niyang loyal siya sa kaniyang rules sa kanyang bahay na dapat bigyan sila ng pagsubok para kapag nalampasan nila lahat ng ito ay magkakaroon sila ng saya at ligaya sa loob ng kaniyang bahay.
Sinabi ni Kaylo na kapag makapasok sila doon ay doon muna sila magpalipas ng gabi, tsaka kakain at sumang ayon si Pepe sa kanyang hiling.
Ginawa nila ang lahat para makapasok lang sila sa kanyang bahay.
Dito magsisimula ang kwento.
"Hello mga bata, nandito na tayo sa bahay ni kuya, este, bahay ko. Ako nga pala si Pepe De Hera. In short tawagin niyo na lang akong Pepe. Ako ay 42 taong gulang, at hindi ako nakapag-aral ngunit sa tulong ni Tita Ismila ay nakabasa ako at siya na rin ang naging turing kong Ina dahil maagang namatay ang aking nanay at tatay noong 7 years old ako dahil nahulog sila sa bangin. Ang kadahilanan ay ang pagkuha ng itlog ng agila. Malungkot ako noon, talang-talaga. Akala ko rin noon magkakatuluyan sila noon para magkaroon ako ng tatay, ang pangalan ay No, No, ano nga ulit iyon nakalimutan ko?" tanong ni Pepe sa kanyang sarili.
"Nuno sa ponso," sabi ni Idran.
"Hindi, basta mayroon No. Nevermind, at ipagpatuloy ko na ang pagpapakilala. Hmm.. Saan na ulit ako? Ay oo! Hanggang sa kaya ko nang mamuhay ng mag-isa noong 21 ako at nagpatayo ako dito ng bahay sa taas dahil maraming mababangis na hayop dito. Nagkaroon rin ako ng kaibigan na si Milu ang nagpapanday. His old was more than 4 than my age so, 42+4=46 years old. Siya ay may dalawang anak, isang dalaga at isa ring dalaga. Namatay ang kanyang asawa dahil pinatay siya ng aswang kaya ano pa ginagawa niyo? Sagutin niyo na bago tayo kainin dito?" sabi nga ni Pepe.
"Teka lang, magpapakilala rin kami, siya si Idran at ako si Kaylo," sabi ni Kaylo.
"Masaya akong makilala kayo," sabi rin ni Pepe sa kanila.
Pero pagkatapos non ay bigla ulit natakot si Idran.
"Bilisan natin I'm scared sa mga aswang. Omg!"
"Hmm... So, totoo pala ang mga aswang? Edi sino magbibigay ng tanong?" magandang tanong ni Kaylo.
"Ako ang magbibigay ng tanong, kaya nga ako lumitaw eh," sabi naman ni Pepe.
"Ano ang unang Question?" tanong ni Kaylo.
"Huwag mong kalimutan one wrong, automatic wala na," ipinaalala ni Idran.
"Huwag kayong mag alala, dahil mabait ako bibigyan ko kayo ng second chance, gaya sa pagmamahal, binibigyan din ng second chance."
"Bakit po, may lovelife ba kayo noon?" birong sinabi ni Kaylo.
"Wala eh, manhid kasi ako. Noong namasyal kami ni Tita Ismila sa Santisimo City at 15 ko na noon. Doon niya nakita iyong firstlove niya. Ako naman, madami nagkakagusto sa akin dahil mukha daw akong Tarzan. Ang problema lang ay ang pagsasalita ko noon, hindi maintindihan. Parang weird kaya iniwasan nila ako. Pero okey lang, maganda naman ang buhay ko rito kahit nag-iisa ako.
"Kaya nga ako nagulat kanina eh sa boses mo. Taga-Santisimo City rin pala kami. Pero mamaya na namin ikwento pag natapos namin lahat ng pagsubok," pagpapakilalang sinabi ni Kaylo.
"Sige, para makilala ko naman kayo ng husto at magwento naman kayo sa akin, sana masagot niyo lahat ng tama."
"Bilisan niyo ang pag-uusap. Ang tagal. Natatakot na ako dito," kinakabahang sinabi ni Idran.
"Okey na, Idran. Huwag ka nang kabahan," sabi ni Kaylo.
Sinabi na nga ni Pepe ang unang tanong.
"Ang unang tanong sa 1-4 feet sa Math, para sa iyo Kaylo. What is the answer of 2 raised to 3? Write the equation."
"Galingan mo Kaylo!"
"Oo naman Idran. Kaya ko ito, basta huwag kang maingay."
"Go, go, go!"
"Hmm... 2x2x2=8 or 2 raised to 3 is equal to 8. Ang sagot ay 8."
Natahimik silang tatlo at hinihintay na lamang nila kung tama ba o mali ang sasabihin ni Pepe sa kanila.
"Tumpak! Kaya sumayaw tayo ng otso-otso, masaya yon. Haha!"
Pinatugtog ni Pepe ang otso-otso dance. 1+1=2, 2+2=4, 4+4=8. Doblihin ang 8, tayo'y mag-otso-otso. Otso-otso, otso-otso, otso-otso na. Yeah!
"Ikaw naman, Idran. Para sa 4-12 feet- sa Science. What is the basic unit of life?
Napaisip si Idran.
"Alam ko na? Ano kaya? Hmm..."
"Kaya mo yan! Isipin mo lang ang cellphone mo na may picture ng pagkain para mabilis kang mag-isip."
"Iyon ang sagot, ang basic unit of life ay Cell."
"Tantararan! Oh my Goodness! Tumpak! Kaya tayoy mag cell-fie. Click! Then, please enter. Halos nandito na tayo."
Sa gabing iyon ay nasa harap na sila ng pinto ng bahay ni Pepe.
"May paki-usap sana kami ng kambal ko" sabi ni Kaylo.
"Magkambal kayo, ano iyon? Susuko na kayo?"
"Hindi po, pag nakapasok kami diyan, sana'y bigyan niyo po kami ng makakain. Di pa kami kumain dahil naliligaw kami dito at makikitulog na rin po sana kami. Ipakikilala rin namin ng buo ang aming sarili at magkukwento.
"Sana'y palarin kayo."
"What if hindi?" tanong ni Idran.
"Think positive ,until we gather the fruit of our success," sabi naman ni Kaylo.
"Wow ah! Saan mo napulot iyan?"
"Edi sa w*****d, Idran.
"Okey."
"Sige na po, ibigay niyo na ang tanong."
"Maghanda kayong dalawa. Isang bugtong para sa pagbukas ng pinto. Dalawa kayong sasagot. Pwede kayong magtulungan. 10 seconds ay time out na. Para, makapag isip at makasagot kayo pagkatapos ng aking pagbilang. Eto na ang tanong. Ate ko ate mo, ate nating lahat? Ano ito?
Napaisip tuloy ang kambal sa tanong ni Pepe.
"Hulaan niyo kung ano ito. Haha."
"Ahm, hindi ko alam, ang hirap!"
"Omg, ang hirap nga talaga Kaylo!"
"Ano? 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1. Times up. Ano ang sagot?"
"Tindera!!!" sabay na sinabi ni Kaylo ay Idran.
Natawa si Pepe sa kanilang sagot.
"Natawa pa po kayo, tama po ba?"
"May point naman tayo eh, diba Idran? Pagbibili tayo sa tindahan. Ate, pabili ng gulay. Ate, pabili ng prutas, diba?
"Hahahah! May point kayo pero ikinalulungkot kong sabihin na mali ang iyong sagot. Ang tamang sagot ay "ATIS."
"Paano naging atis?" tanong tuloy ni Kaylo.
"Kaya siguro atis dahil may 's' yong 'ati' it means ate. Hays, malalim talaga ang kahulugan ng bugtong. My Gush!"
"Tama ka iho. Malalim ang kahulugan at di-maintindihan ang tanong nito na iisa lang ang sagot. Dapat mahasa ka sa Analyzing skills mo dito at saka panghuhula rin ay magaling ka. Kaya siguro atis sa aking pagkaintindi ay ang bulutong ang nagsisilbing tayo at ang buo nitong imahe ay siya bilang ate, klaro ba?"
"Oo na po, di ba may second chance?" tanong ni Kaylo.
"Oo naman. Dahil mabait ako, bibigyan ko kayo ng isang pagkakataon. Eto, dapat teamwork, Ang Tanong: Isang prinsesa nakaupo sa tasa? Ano ito? In a count of 10 again, 10,......3,2,1. Times up. Ano ang sagot niyo? Para sa House and Lot. Haha, Joke."
Nag-isip sina Idran at Kaylo.
Tapos, sila ay nagbrainstorming hanggang sa parang bumagyo na sa kanilang paligid.
"Ano itong nangyayari! Bumabagyo na ata! Daig niyo pa si Jimmy neutron. Haha!"
"This is it, ang sagot ay KASOY or CASEW NUT," sigaw nina Idran at Kaylo.
Sobrang saya ni Pepe sa kanyang narinig dahil first time na may nagwagi sa kanyang bahay. Hindi lang iyon, kambal pa. Kaya naman agad na nagbukas ang pinto ng kanyang bahay.
"Hindi ko inaasahan to pero nagwagi kayo. Ang gantimpala niyo ay makikituloy kayo sa aking bahay. Dito na rin kayo kumain at matulog. Dahil diyan bibigyan ko kayo ng Kasoy- yahan dito sa tahanan ko.
Nagwagi nga si Idran at Kaylo kaya pwede na silang pumasok sa kanyang bahay.
"Nagawa natin. Nagawa natin. Ang galing natin!"
"Oo nga kambal. May tutuloyan na tayo. Yes. Wooh!" masayang sinabi ni Kaylo kay Idran.
Bukas na ang pinto at pinagmasdan nilang mabuti hanggang makita nila ang nasa loob nito na kumikinang na parang dyamante at ginto.
Tapos pumasok sila.
"Pasok kayo. Welcome to my beautiful house."
"Wow ang ganda. Papicture nga po. Pang profile. Haist, nakalimutan ko kanina kong may load din kayo," sabi ni Pepe.
"Wow, para tayong nasa bahay ng dwende," sabi ni Idran.
Humingi ng paumanhin si Pepe kay Kaylo.
"Sorry, lowbat na rin. Sayang walang kuryente dito. Tanging buwan ang nagpapailaw sa mga dyamante kaya maliwanag. Pinapainit ko lang ang baterya nito kaya parang nagchacharge din. Mabilis din namang malowbat. Haist. Pasensiya na iho."
"Okey lang po iyon. Pero pwede palang ipainit ang baterya para magrecharge?"
"Oo, iho."
Nag ingay ang tiyan ni Kaylo at Idran
"Sorry gutom na ako," sabi ni Idran.
"Ako rin po," sabi rin ni Kaylo.
"Sige, kumain na kayo. Huwag kayong mahiya, kainin niyo lang gusto niyo sa table. Those are your rewards."
"Attack!!!" sigaw ni Idran.
"Konting respeto lang ah. Huwag masyadong makalat. Huwag ding kalimutang mag pray bago kumain," sabi ng mabait na Pepe.
"Idran, narinig mo siya?"
"Oo na. Pasensiya na."
"Sige po. Pagkatapos nalang naming kumain, kami'y magpapakilala," sabi ni Kaylo.
"Sige, mamaya nalang. Tapos na rin naman akong kumain. Kumain lang kayo diyan at magpapahangin lang ako sa labas."
Pagkatapos nilang magpray ay 30 minutos silang kumain hanggang matapos sila.
Nang natapos silang kumain ay pumunta sila kay Pepe para makipag-usap sila sa kaniya sa labas.
"Mga iho, masarap ba nga pagkain?
"Marap po ang pagkain. Lumakas ulit ako at nabusog. Burf! Oops, excuse me," nahiyang sabi ni Kaylo pagkatapos niyang dumighay.
"Tama po siya. It's so delicious, yummy and tastety," masayang sinabi ni Idran.
"Wow mukhang nag enjoy kayong kumain nga iho. Sige eto na para magpakilala kayo ng buo sa akin.
Ikaw iho. Ano ang pangalan mo?
"Me, I am Idran, 21 years of age at bunso niya ako ni Kaylo. I'm from Santisimo City. Ako ay mabait na dalaga este binata, at nag iiwan ng kasabihang aanuhin mo pa ang d**o kung wala namang kabayo."
"Nice, ikaw iho?"
"Ako po pala si Kaylo. 21 taong gulang. Panganay niya akong kapatid. From the same city he said. Ako ay minsang matapang at mabuting tao. Ako rin ay mabait at nag-iiwan ng kasabihang dont do to others, basta iyong Golden Rule.
Sila ay nagkwentuhan hanggang nakilala nila ang isat-isa.
Matagal silang naguusap-usap hanggang naramdaman ni Pepe ang kanyang pag-antok.
"Kambal kayo pero hindi kayo magkamukha. Ahh, naku... Inaantok na ako, salamat dahil nakilala ko kayo. Bukas ipapasyal ko kayo."
"Saan niyo po kami ipapasyal" sabi ni Kaylo na parang excited.
"Pupunta tayo sa Bulubundukin ng Balete para mamasyal."
"Wala bang aswang doon?" tanong ni Idran na natatakot.
"Wala, kasama niyo naman ako kaya ligtas tayong makakapasyal," sabi ni Pepe.
"Huwag kang matakot kambal. Dapat nga masaya tayo dahil papasyal tayo sa labas dito sa Lugar ng Balete. Tsaka, narinig mo naman siya."
"Sige, I think oo nga."
"Sige, matulog na tayo. Maaga tayong pupunta doon."
"Thanks a lot for you pala dahil napatuloy mo kami dito at pinakain," pasasalamat na sinabi ni Idran.
"Oo nga po eh. Salamat po sa blessings."
"Walang anuman, wala iyon. Mula ngayon, tawagin niyo nalang akong Tito Pepe o Tito nalang."
"Sige. Goodnight tito," magkasabay na sinabi ng dalawa.
"Goodnight. Have a nice dream sa inyong dalawa iho."
Nakatulog na sila ng 8:45 P.M ng gabing iyon hanggang sa mahimbing silang nakatulog.