"Ang Panaginip at ang Pamamasyal sa Bulubundukin ng Balete"
Nanaginip si Kaylo ng isang labanan tungkol sa labanan ng aswang at ng tao na nangyari sa lugar ng Balete.
Ang kinatatakutan niya sa kanyang panaginip ay kinuha ang kanyang kambal ng isa sa mga aswang na nakakatakot sa kaniyang panaginip.
Nakipaglaban din siya sa pinuno pero nawala ang lahat ng ito ng ginising siya ni Idran.
Sa kabilang banda naman ay ngayon sila pupunta sa Bulubundukin ng Balete para mag adventure.
May kayamanan daw sa isang tunnel na may ekis sa ibabaw ng lupa ngunit marami pa silang nadadaanan.
Pagkatapos nilang makuha ang kayamanan ay kumuha sila ng gulay at kabute sa paligid.
Marami pang nangyari at sila'y umuwi sa tree house.
Pero, magsisimula ang kwento rito.
Nanaginip nga si Kaylo.
"Naku Idran!!! Huwag mo siyang kunin, aswang ka! Ako na lang ang kunin mo!!!"
Kinuha nga si Idran ng aswang na nagngangalang Hornoyo.
"Wala ka nang magagawa, basta nagawa ko na ang utos ni tatay. Hahaha!"
Biglang nawala sina Idran at Horniyo.
Matapos iyon ay nag-iba ang dimensiyon ng kanyang panaginip.
"Supruneyo! Halika dito! Magtuos tayo, ibalik mo ang kambal ko!"
Dito sa panaginip na ito ay kalaban na niya ang pinuno ng mga aswang na nagngangalang Supruneyo.
"Wahaha. Grrr! Hindi mo na maibabalik ang kambal mo
Kaya halika dito at magtuos tayo. Kung mananalo ako, sasakupin ko ang buong Known State at ako ang maghahari sa buong mundo
Grr! Hahaha!"
"Ang sama mo! Hindi ka mananalo, ililigtas ko ang kambal ko at matatalo ka. Lahat ng plano mo ay masisira. Never pang nanalo ang kasamaan laban sa kabutihan."
"Tignan natin. Wah! Grrr!"
"I will slay you!!! Waah!"
Naglaban sila at nag ingay ang kanilang espada dahil sa palitan.
Tsiingg! Tsiingg! Tsiingg!
Time Check: 6:30 a.m.
Date: June 8, 2019
Nagambala ang panaginip ni Kaylo sa paingay ni Pepe na isang malakas na chime.
"Gising na, may adventure tayo ngayon, isabay na rin natin ang pamamasyal. Hindi ko pala nakuwento kagabi na pupunta pala tayo doon para kunin ang kayamanan sa isang tunnel. Pagkatapos, kukuha tayo ng kabute para panghapunan.
"Ano naman po kayo? Ang ganda ng panaginip ko, labanan ng aswang sa tao. Di ko na laman kung sino ang magwawagi."
"Good Morning, Kaylo at Tito. Ang sarap namang matulog dito. Pero ang ingay mo Kaylo. Parang sinusuntok mo ako kanina. Hayss."
"Gising na po kayo, you are not listening to me po?"
"Ay, sorry po, may pupuntahan pala tayo, paumanhin po tito," sabi ni Kaylo.
"Same here, I apologize, tito"
"Wow, Steve Harvey."
"Hindi, Wackey Kiray. Ayy sorry, pala ginoo. Ano ulit iyon?"
"Kulit niyo pero key lang. Sige, makinig kayo. May adventure tayo ngayon para kunin ang Known's Treaure doon sa Bulubundukin ng Balete na pagmamayari ng aming mga ninuno dito sa Lugar ng Balete. Nadiskobre ko last year pero nakakalimutan ko eh. Kaya ngayon, mas mabilis na natin makuha iyon dahil marami tayong maghuhukay. 30 minutes na lakad papunta doon at 10 minutes sa underground tunnel. Pag-uwi natin, maglalakad tayo sa shortcut pero maglalakad muna tayo sa mahabang daanan papunta doon para maenjoy natin. Ano? Ready na ba kayo?"
"Wow. Korina, but anyway. I like adventures, parang adventure time sina Fin at Jake, huwag natin kakalimutan si Dora. Haha," birong sabi ni Idran.
"Wow, adventure pala, may diskobre palang di-umano isang Known's Treasure dito sa Lugar ng Balete."
"Jessica? Haha. Mga binata maghanda na kayo para sa isang Adventure at mag-explore sa ganda ng Balete," sabi nga ni Pepe sa kanila.
"Hmm. Napansin ko lang ha, mas mahaba ang huli mong sinabi, kaysa nang ginising mo kami?" tanong ni Kaylo kay Pepe.
"This is good because I gave all the information that we needed for adventure."
"Oh, my gush, it is interesting. Ano, lalaban ka pa ba Kaylo?"
"Hindi na. Gutom na kasi ako."
"Kain muna pa la tayo. Para lumakas tayo at para handa na tayo papunta doon. Pagkatapos, maghanda kayo ng gamit o tools gaya ng bolo at pala para sa paghuhukay at pagputol ng harang.
Pati First aid Kit at meryenda. Doon na rin tayo sa Bulubundukin ng Balete mananghalian."
"Sige po, maghahanda po kami mamaya."
"Ano naman kaya ang masarap na kainin?"
"Hoy Idran, mahiya tayo sa kaniya na kikikain lang tayo."
"Nakaluto na ako, ang kakainin natin ngayong umaga ay pinakbet at tinola. Hindi rin mawawala ang masarap kong brown rice. May prutas rin ng mangga diyan."
"Wow Thank you, ang bango, its such a food," masayang sabi ni Idran.
"Pagkain naman talaga iyan eh, pero amoy parang masarap na," sabi ni Kaylo.
"Kumakain ba ilong mo?"
"What I mean is, masarap amoyin, ano ka ba?"
"Oo nga eh. Hmm... Mas masarap na kapag kinain. Paborito ko lahat ng ito. I love it."
"Di ba hindi mo gusto ng gulay?"
"Hindi, joke lang iyon no. Gusto ko talaga. Haha.
"Eh ano pa hinhintay niyo, kumain na tayo. Pero bago ang lahat, dapat magpray."
Pagkatapos nag pray ay kumain sila ng 30 minutes.
Pagkatapos nilang kumain ay nag uusap muna sila ng 10 minutes para hindi sila gumalaw-galaw at para maiwasan ang appendicitis.
"Ano mga iho? Masarap ba ulit ang ating almusal?"
"Sobra pong omg! Thank you po ulit. Sana dito na ako tumira Haha."
"Opo, sobra, bagay niyo maging Chef," sabi ni Kaylo.
"Maraming salamat pero ano iyong Chef?
"Trabaho sa pagluluto at magaling magluto. Kapag may kaya na ako, babalikan kita, tutulungan kitang mag-apply sa Dimafind kahit wala kang napag aralan, tutulungan kita para makapasok ka lang bilang Chef," sabi ni Kaylo.
"Gusto ko iyan ah, yung malalasahan nila lahat ng masasarap kung luto. Iyan din ang pangarap ko noon
Pero, malabo eh."
"Ngayon hindi na"
"Tutulungan din kita Tito."
"Pinapaiyak niyo ko eh. Pero salamat.
Nag-emote at kumanta.
"Ang awitin ito'y para lang sa inyo. Salamat, salamat."
"Wala pong anuman," sabi ng kambal.
Pagkatapos ng 10 minuto.
"Balik tayo sa Adventure, kunin na pala natin ang ating gamit dahil mainit na. Dapat makapunta tayo doon ng 10:00 a.m." sabi ni Pepe.
"Yes, I'm also excited and ready for the adventure!" sabi ni Idran.
"Same here, baby..." astig na sinabi ni Kaylo.
Nag-ayos sila ng gamit at sila'y na ay nakahanda papunta doon.
"Ready na ba kayo for the exciting adventure?" tanong ni Pepe sa kanila.
"Yes, we are ready, we are ready. Hooray!" masayang sinabi ni Idran.
"Yup, ako'y ready na rin," sabi rin ni Kaylo.
"Pero may sasabihin mo na ako. Matindi ang madadaanan natin kaya maghanda kayo. Una, ang Venus Flytrap Territory, 10 minutes walk. Pangalawa, madadaanan natin ang Balete Volcano, 10 min walk. Pangatlo, ang Aswang Territory. Hindi dapat kayo matakot sa Aswang Territory dahil nasa loob sila at nasa loob din ang mga traps dito. Dapat huwag kayong lumapit para safe ang adventure natin. Pagkatapos nating lampasan ang mga iyan ay mararating na natin ang Bulubundukin at ng Tunnel. Lalakad ulit tayo dito ng 10 minutes. Kaya ngayon lets go!"
Tinignan ni Kaylo na nakatulog na si Idran dahil sa mga sinabi ni Pepe.
"Okey po copy. Hays, lakad nalang po tayo Tito. Nagjojoke lang iyan si Idran.
Biglang nagkamalay si Idran.
"Hintayin niyo ako! Narinig ko lahat iyon. Hintayin niyo si Dora the explorer. Hindi ko pa sinasabi ang mapa. So, mga bata ang unang pupuntahan natin ay Venus Flytap Territory. Hoy wait lang!"
Naglakad sila patungong Venus Flytrap Territory ng 10 minutes hanggang sila ay nakapunta.
"Behold this beautiful territory of Venus flytrap!" sabi ni Pepe.
"What plant is this Kaylo? Like a trap for fly siguro."
"Kaya nga flytrap eh."
"Alam mo, binadtrip mo nanaman ako."
"Mga iho, iba na ata ang venus flytrap dito. Nagulat nga rin ako dahil malalaki na at aktibong-aktibo. Siguro delekado na rin iyan kapag bumuga na ng asido sa mga malalaking insekto tapos kinakain nila."
"Napakadanger pala ng lugar dito. Sayang profile na sana. Iyong cellphone mo po ginoong Pepe?" tanong ni Idran.
"Hindi ko nakuha dahil sayang lang kung mabubugaan ng asido hindi ba?"
"Sayang naman. Pero, nasaan na pala si Kaylo? Nasaan na siya?!"
Biglang nawala sa kanilang paningin si Kaylo.
"Naku! Kinuha na siguro siya ng mga venus flytrap sa pamamagitan ng ugat!"
"Iyon siya, Iho!"
Kinuha ni Idran ang bolo at pinutol ang ugat.
"Omg! Etong sa iyo!"
Tsiing!! Tsiing! Tsiing!
"Iyan at iyan, dapat putulin ang ugat!"
Naligtas si Kaylo at nagpasalamat kay Idran.
"Maraming salamat, iniligtas mo ang buhay ko."
"No worries. My gush!"
Agad na may sinabi si Pepe na masamang balita dito sa ginawa ni Idran.
"May problema tayo, pag pinatay mo ang isa sa kanila ay bubuga silang lahat ng madaming asido kaya bilisan nating tumakbo at tumalon sa mga asido!"
"Bilis, hurry up," sabi ni Kaylo.
"Diba ako si Dora? Para makaiwas sa asido. Mga bata sabihin nating talon!"
"Halina kayo mga iho. Talon!
Tumalon sila at nakaiwas silang lahat sa asido na nasa daan sa kanilang harapan.
May nakita nanaman silang asido sa kanilang daan.
"Talon!"
Nakaiwas ulit sila.
May nakita nanaman sila at sa tingin nila ay iyon na ang huli para makalampas sila sa Venus Flytrap Territory. Kaya naman tumalon silang lahat.
"Talon! Salamat nga bata. Kami'y nakaligtas sa mga Venus flytap," birong sabi ni Idran.
Pagkatapos non, sila ay nagpahinga at nalampasan ang mga Venus Flytrap Territory.
"Mabuti walang nasaktan sa atin. Mag-ingat tayo ng maigi. Diyan lang tayo sa daan at huwag tayong lumapit sa mga delekadong paligid nito. Dapat sa gitna lagi ng daan tayo maglalakad. Maliwanag ba mga iho?"
"Opo, sorry po tito kung pumunta ako sa paligid at lumampas sa daan kaya ako nakuha ng Venus Flytrap. Hindi na po mauulit, at saka mag-iingat na po ako," paumanhin ni Kaylo.
"Iyan kasi eh, di ka nag-iingat,"
"Naligtas lang ako, ang yabang mo na."
"Sige, tama na. Ang susunod nating pupuntahan ay ang Balete Volcano. Dapat sa daan lang, huwag kayong pupunta sa gilid. Okey?"
"Yes po, Tito."
"Copy that Tito."
"Good mga iho."
Nagpatuloy nga nanaman ang paggaya ni Idran kay Dora the Explorer.
"Mga bata, ang susunod nating pupuntahan ay Balete Volcano. Kaya pag kailangan namin ng tulong, tulungan niyo kami. Gaya ng kanina."
"Tara na, sino kausap mo?"
"Wala, my gush, magpatuloy na tayo sa paglalakad."
Sila'y naglakad patungo doon sa Balete Volcano ng 10 minutes. Pero, noong sila'y nakapunta doon ay yumanig at pumutok ng mahina ang bulkan.
Sila nga ay nasa peligro hangga't hindi sila nakakaalis doon.
Sa oras na ito ay pagod na rin si Idran.
"Oh my, pagod na ako mga bess, pahinga naman tayo."
"Ito oh, magmeryenda ka muna ng Happy Peanut."
"I dont like that, it gaves me pimples you know."
"Heto tikman mo, ang arte-arte. Alam mo ba na ang peanut ay pampatalino?
Sumang-ayon naman si Pepe sa sinabi ni Kaylo.
"Yup, for me it is true. So, eat well live well."
"Ajinomoto? Monosodium glutamate, sa bagay may betsin naman yan, akin na nga," sabi ni Idran.
"Nagkukunwari ka pa, gusto mo naman. "
"Edi wow, yum, yum, deliciouso."
"Malapit na tayo. Nakikita na natin ang buong imahe ng bulkan."
Nagpatuloy silang naglakad hanggang nakita nila ang buong imahe ng bulkan.
"Wow ang ganda. Pero maliit ngunit ang cute," sabi ni Idran.
"Ang laki nito ay 103.5 meters, malaki na rin ito at ito'y active pero hindi nagpaparamdam," sabi ni Pepe.
Sa sinabi ni Pepe ay napahugot si Idran.
"Gaya niya, active siya sa messenger pero ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Awtss. Wala na kasi kami eh.
"Diba naka move on ka na?"
"Oo, change topic. Wow ang ganda oh!"
"Hay, naku.
"Nandito na tayo, 10 meters away from the volcano."
"Wow my gush tito, na measure Haha. Pero, halla! May nararamdaman ba kayo?!"
Yumanig ng magnitude 3.5 at ang sentro ay sa kinalalagyan nila.
"Mga binata, kumapit kayo sa ilalim ng table. Ay! wala pala, punta tayo sa open area. Huwag kayong pumunta sa ilalim ng puno. Dito nalang pala sa open area, dito nalang tayo sa gitna ng daan. Dont panic!"
"Oh my! Hindi na ligtas dito! It's shaking, I'm confused. Ah! Im going to that tree.
Pumunta sa puno si Idran.
"Huwag kang pupunta diyan!" sigaw ni Kaylo.
Nahulog ang malaking sanga sa ilalim ng puno dahil ito'y bumigay dahil sa yanig at nandoon si Idran.
"Ah!!!"
"Hindi! Ililigtas kita!
Mabilis na tumakbo si Kaylo at iniligtas niya si Idran sa pagkahulog ng sanga ng puno papunta sa kanya.
Mabilis na itinulak ni Kaylo si Idran at saktong hindi sila nadaganan ng sanga nito.
"Salamat! OMG! Malapit na yon ah.
"Your Welcome, patas na tayo."
"Yup. You save my life."
Mabilis na pumunta si Pepe sa kanilang kinaroroonan.
"Okey lang ba kayo? Napapamangha ako hindi lang sa nakalampas kayo sa pagsubok sa aking bahay kundi kayo'y nagsasave ng life sa isat-isa kahit mapahamak kayo. Basta mailigtas mo ang sarili niya at mailigtas niya ang sarili mo kahit na kayo'y nag-babadtripan. Still, nadoon pa rin ang kabutihan sa inyong puso para isave ang isa't- isa. Anyways, dahil doon napatunayang kong hindi kayo nakikinig sa aking payo para sa inyong ikabubuti.
"Aw! Pasensiya na po Tito. Hindi na po mauulit."
"Oo nga po Tito. Susundin na namin ni Idran ang inyong payo.
"Pero may napansin lang ako ah. Parang napakadangerous naman ng Adventure natin, halos papatayin na kami ng Adventure na ito.
Dahil sa sinabing iyon ni Idran ay may reaksiyon dito si Kaylo.