KABANATA X: IKALAWANG PARTE

2587 Words
Si Kaylo ay napansin nang napakadelekado na ang kanilang adventure kaya naman agad na may sinabi sa kanya si Idran. "Gusto ko nga eh. Eto na ang pinakamabagsik na Adventure sa buhay ko. Last noong 16 years old tayo, noong kinuha ako ni Shrek." "Nagustuhan mo pa eh malapit na tayong mamatay sa Adventure na ito. Napaka char naman nito. Eh hindi naman totoo si Shrek, nasa Disnep lang sila. Hay naku, natatandaan mo pa noong nagbakasyon tayo sa Royal State kasama si nanay pero nandon pala si Uncle Noven. "Hmm, oo nga. Pero totoo kaya siya, hindi mo kasi nakita si Shrek dahil pumunta ka sa Frozen." "Omg! Ang lamig nga doon tapos nakapalda ako." "Hindi ko na rin naalala kung sino iyong kaibigan natin doon sa Royal State." Matapos ang sinabi ni Kaylo ay biglang yumanig. "Eto na naman, mag-eerupt na ata ang bulkan!" sigaw ni Pepe. Pumutok ng mahina ngunit nagbuga ito ng ashes at naglabas ng nagbabagang bola ng bato. "Omg! Pumutok na oh! Mga bata, siguradong kailangan nanaman namin ang tulong niyo," sabi ni Idran na naka Dora the Explorer Mode. "Sinong mga bata?" "Wala yon Tito, guni-guni lang niya po yun. Ewan ko ba kung may imaginary friend siya." Biglang nawala ang kanyang pagka-Dora noong may nakita siya sa himpapawid. "Nakikita niyo ang mga iyon. Parang meteor shower. Wow ang ganda." "Wow nga, pero papunta sa atin. Naku, pupunta dito ang mga nagbabagang bola oh!" sigaw ni Kaylo. "Takbo at umiwas kayo mga iho, nafafall na sila sa atin." "Buti pa mga yan nafafall sa atin eh. My Gush." "Eto nanaman tayo." "Bilisan niyo mga iho, baka matamaan tayo ng mga iyan!" "Natamaan na nga ako eh." "Hay naku Idran. Bilisan natin ang pagtakbo at takpan natin ilong natin delekado ang mga abo," sabi ni Kaylo. "Pupunta na sa atin bilis! Paganahin muna imaginary friends mo, Idran!" sabi ni Kaylo. "Mga bata kailangan nanaman namin ang tulong niyo. Kapag sinabi natin "IWAS" ay iwasan natin ang mga nagbabagang bola ng bato. Okey na mga bata? Okey na ready. Papunta na sila." "Iwas!" Nakaiwas silang tatlo. "Iwas!! Nakaiwas ulit sila. "Iwas!!!" Matagumpay nilang naiwasan ang mga nagbabagang bola ng bato. "Salamat nga bata, sa susunod ulit." "Okey iyang imaginary friend mo iho, nakaliligtas tayo." "Salamat po at salamat din sa mga bata diyan." "Yes!, ligtas tayo. Alright." Habang nagsasaya si Kaylo ay nakita ng kambal na may babagsak sa likod ni Pepe. "Ginoong Pepe sa likod niyo!" sigaw ng kambal. "Naku, wah!!!" Si Idran at Kaylo ay mabilis na itinulak si Pepe at silay tumakbo papalayo. Pero, natalsikan si Pepe ng maliit na tipak ng bato nito at nasaktan ang kanyang balat sa tuhod. "Aww! Sakit. Anyway, ang bubuti niyong kaibigan salamat sa pagligtas ng buhay ko. May regalo ako sa inyo ito'y magic beans. Kapag kinain niyo ay babalik agad ang lakas niyo. Pakikuha na pala ng first aid kit. Huwag na pala. Magaling na dahil sa magic beans." "Welcome po, salamat sa green peas, pero amazing, how did it happened?" tanong ni Idran. "Same din, salamat din sa beans pero may itinatago ba kayo sa amin?" "Basta mahabang istorya. Pag nakapunta na tayo sa Bulubundukin, ikekekwento ko sa inyo. Pagkatapos, tayo ay pupunta sa tunnel. "Sige po. Tito," sabi ng dalawa. "Salamat nga iho." "So ano na? Tignan ko nga ang mapa. Ah! Pupunta na tayo sa kinatatakutan ko, ang Aswang Territory," sabi ni Idran. "Tama ka, pero hindi nakakatakot doon dahil hindi ka naman nila aanuhin. Kung hindi mo aanuhin ang ano nila." "Ano po Tito?" "Kapag wala kang ginagawa na nakakagambala sa kanila. My gush." "Tama." "Okey, naintindihan ko na. Dapat tahimik lang tayong lalakad para safe tayo sa Aswang territory." "Your right, Iho." Lumakad sila hanggang nakapunta na sila ng Aswang Territory. "Gabi na ba? Bakit ang dilim​?" tanong ni Kaylo. "Because of the black clouds covers the sun so it is dark. Omg, hindi mo alam yan?" "Syempre alam ko Idran, pero bakit di umuulan?" Ipinaliwang nga ni Pepe kung bakit. "Dahil na sa modern technology na tayo, nakagawa sila ng Cloud-inator. Iyang machine na iyan ay gumagawa ng Black clouds na hindi nagbibigay ng ulan. Gusto nila ang ganitong panahon dahil nagkakatawan silang parang tao o aswang at hindi hayop. Syempre dito lang sa Mansyon ang area nito pero sa labas nito hindi na ngunit swerte kapag maulap sa labas ng Balete." "Wow, pati aswang high-tech na. Naalala ko ang kwento ni Uncle Noven tungkol sa mga aswang. Totoo pala," sabi ni Kaylo. "Totoo pala ang mga kwento niya, hindi kasi ako naniniwala noon, pero ngayon mas lalo akong natakot. My gush! Nakakakilabot." "Sino iyang Uncle Noven?" "Kaibigan ng aming tatay. Siya ang una kong narinig tungkol ng mga aswang dito." "Ganon pala, pero huwag kang mag-alala Idran, may mabuti namang aswang at may masama. Gaya sa tao may masama at may mabuti." "Sana all mabuti. Omg!" "Sana nga iho. Anyway, tahimik lang tayong lalakad dito mga iho." "No problem, pero omg ang dilim!" "Shhhhh, tahimik Idran!" Naglakad sila hanggang nasa harapan na nila ang malaking Mansion. "Nandito na tayo sa harapan ng tirahan ng mga aswang." "Wow ang laki naman," namanghang sinabi ni Kaylo. "Padoorbell nga." "Remember iyong sinabi ko kanina?" "Ayy! sorry po." Nakita ni Supruneyo na naglalakad sila sa harapan ng kaniyang mansiyon gamit ang CCTV. Nang makita niya ang mga ito ay nagalit bigla si Supruneyo. "Grr! Sila ang nakapatay sa my precious kong puno ng Balete. Grr! May kasalanan sila sa akin. Grr! "Ano po iyon itay? tanong naman ni Hornoyo. "Pinatay nila ang parang itinuring kong anak na puno. Grrr!" Masaya si Hornoyo dahil sa sinabi ng kanyang tatay. "Yes, wala na pala ang puno na mas mahigit niyang mahal kaysa sa akin. Kaya sa tingin ko, ako ulit mahal niya Pero malabo hangga't nandiyan ang kwintas ng kasamaan ni Hades na pinuno at hari sa kailaliman ng lupa at ang ring of power na kinuha niya kay Smigol na tiyanak. Kaya napaibabaw na ang aking tatay sa kasamaan. Hay naku wala pa rin." "Bakit ka bulong ng bulong diyan? Nakikita mo ang CCTV?" "Wala po, at opo nakikita ko ang CCTV. Syempre may mata ako." "Pilosopo! But it's normal. Gumagaling ka na dahil binata kana kasi, 21 taong gulang ka na." "Opo, itay, sino ang mga taong nasa CCTV? Kilala ko iyang isa diyan ah, si mabait na Ninong Pepe." "Kung makikialam siya, isasama ko rin siya dito sa kasamahan nila." "Hmmm!" Natanggal ang takip sa bibig at sumigaw si Noven "Pakawalan mo ako dito aswang ka! Kung hindi mo ako pakakawalan ay liligtas din nila ako dito. Maghintay ka! Itinakip ulit ni Supruneyo ang kaniyang bibig. "Tumahimik ka, dahil pagkatapos namin silang huliin ay pupuksain namin kayo. Haha, Grr. Ehem! Ehem!Sorry, Grr!" "Eto po ang tubig itay." "Salamat. Grr!" "Kawawa naman siya oh. Pakawalan na natin siya." "Kumakampi ka na sa kanila anak? Bakit? Traydor ka na ba anak. Grr!" "Ayy, wala po iyon itay, Im just joking." "Huwag kang magbibiro ng ganyan anak. Kapag sinuway mo ako, pupuksain din kita, gusto mo iyon?" Biglang napaisip si Hornoyo sa kanyang nanay. "Mabait siguro ang nanay ko kung hindi siya namatay sa panganganak sa akin. Kahit di ko siya nakita mahal na mahal ko siya." "Ano na anak?" "Opo itay, naintindihan ko po kayo itay. Saklap." "Gusto mo bang ipaghiganti mo ako anak? Grr." "Hindi bakit? Char, hehe..." "Winawarningan na kita anak!" "Sorry po itay, ano po ba ang gagawin ko para ipaghiganti ko kayo?" "Iyan ang gusto ko anak. Bukas anak, makikita mo ang baklang iyan sa CCTV? Dapat sa oras ng 6:00 p.m. ay ipunta mo dito ng buhay para takutin din siya. Kung makikialam si Pepe, isama mo na rin siya. Kung himalang papalayasin niya ang mga ito sa kanyang bahay, huwag mo na siyang idamay, klaro anak? "Yes daddy." "Nakikita mo ang kasama ng bakla except si Pepe sa CCTV?" "Bakit po itay?" "May napanaginipan kasi ako na may kalaban akong tao, at kami ngA ay maglalaban. Anak, parang kamukha niya ang nasa panaginip ko kaya huwag muna natin siyang galawin para maging totoo ang nasa panaginip ko. Diba masaya iyon anak? Parang siya ang itinakda para talunin ako. Grr! HAHA!!! "Itay, pinapahaba niyo lang ang istorya eh. Bakit di niyo na lang puksahin ngayon eh nandiyan na sila?" "Edi wala nang ganda ang istorya kapag minadali diba? Huwag tayong magpadalos-dalos baka matalo ako ng walang preparasyon o baka may secret weapon sila diyan kaya naman pagplanohan ko kung saan kami maglalaban kaya paghahandaan ko ang aming laban at saka naisip kong isa-isa natin silang pahirapan dahil labis ang lungkot ko sa pagkamatay ng aking anak na puno. Grr! Hihintayin ko rin ang pagligtas nila dito sa taong nakakulong dito at ng paglalaban namin ng taong iyon. Grr!"" "Bakit? Ano ba ang ibinigay ng punong iyon sa iyo itay at mahal na mahal mo kaysa sa akin?" "Itinuring ko siyang anak dahil nagbibigay ito ng carbon sa aking katawan kaya pinalalakas niya ako. Kakaiba diba?" "May kapangyarihan kasi kayo na kwintas ng kasamaan, kaya siguro binago niyo ang lifestyle ng puno ng Balete. Imbes na oxygen ang ilabas, carbon naman." "Bakit mo alam anak? Ang galing mo talaga anak, manang-mana ka sa akin. Grr!" "Thanks Dad. Good luck sa laban niyo. Bukas, gagawin ko ang ipina-uutos niyo." "Good, Hornoyo. Tignan mo sa CCTV anak. Para silang kuting na naglalakad. Haha. Grr! Matatapos din ang maliligayang araw nila. Grr. Ngayon, magsasaya muna sila. Grr! "Opo itay." "Hindi naman nakakatawa," bulong ni Hornoyo. Balik tayo sa labas ng mansiyon. "May ikekwento pala ako dito sa mansyon tungkol sa Aswang." "Ano po iyon, Tito?" tanong ni Kaylo. "Tungkol sa pinuno at ang anak nito." "May gwapo po bang aswang dito?" tanong din ni Idran. "Diba natatakot ka sa kanila?" "Oo, pangit nga pala sila," sagot ni Idran kay Kaylo. Nanood si Hornoyo sa CCTV at narinig niya ang sinabi ni Idran. "Ouch, it hurts. Pumanda ka sa akin bukas. Grr." "Nahahawa kana sa akin anak. Grr! But it's good for you." "Hindi itay, malamig lang aircon kaya. Grr! Punta muna ako doon sa kwarto ko itay, babalik rin ako agad at papanoorin ko tong cctv mamaya." "Sige anak. Grr!" Sa labas ulit ng mansyon. "Huwag kayong maingay, baka marinig kayo. Anyway, ang anak ng pinuno ng Aswang ay si Hornoyo. Si Hornoyo ay mabait at utusan ngayon, gwapo rin at ninong niya ako. Ninang niya si Ismila. Ang tatay niya ay ang pinuno na si Supruneyo. Noon ay mabait pa si Supruneyo kaya nga naging ninong at ninang kami dahil sinabi na niya sa amin noong hindi pa nanganganak ang kanyang asawa. Kaya advance siyang mag-isip. Pero noong namatay ang kanyang asawa sa panganganak. Siya'y naging masama at saan-saan lupalop siya nagtungo at iniwan niya ang anak niya sa labas hanggang napulot siya ni Milu. Si Supruneyo ay sinimulang ninakaw ang kwintas ng kasamaan ni Hades. Kaya sa tingin ko, abnormal ang nadaanan nating mga Venus Flytrap kanina. At ang ring of invisibility na kinuha niya kay Ismigol na isang tiktik na kanilang pagmamay-ari. Namatay si Ismigol dahil nahulog siya sa Bulkan pero nakuha na nito ni Supruneyo bago siya mahulog. Kaya ang bulkan ay biglang pumutok pero hindi naman ganyan dati, kung hindi ako nagkakamali. Si Supruneyo ay nasilaw na sa kapangyarihan at matapos ang ilang taon ay kinuha niya si Hornoyo kay Milu dahil nakita ni Supruneyo pagkatapos niyang umalis noong iniwan niya. Ang masaklap ay bago niya kinuha si Hornoyo sa tahanan ni Milu ay pati ang asawa ni Milu ay isinama niya at pinuksa. Sumugod ng mag-isa si Milu ngunit hindi niya naligtas ang kanyang asawa. Pagkatapos non ay sinigaw niyang "IYAN BA ANG SUKLI NG PAG-AALAGA KO SA IYONG ANAK" at umiyak si Milum. Kawawa noon si Milu dahil mayroon siyang dalawang anak na nawalan ng ina. So, nagbigay rin ako ng tulong sa kanila dahil kaibigan ko siya hanggang sa ngayon pilit pa rin ni Milu na ipaglaban ang hustisya laban sa kanyang asawa." Natulala at naisip ni Kaylo ang kanyang panaginip." "Uyy Bess, Kaylo. Tahimik ka ata ah, Natouch ka ba sa istorya niya? Pati ako natouch eh, kawawa sila. Ang sama talaga ng pinuno nila. Dapat siya'y maparusahan at makulong." "Oo nga pero, naalala ko ang panaginip ko kagabi. Supruneyo din ang pangalan eh at naglaban kami. Pero sa istorya mo Pepe ay kawawa naman si Milu. Pero talaga bang mabait si Supruneyo dati?" "Oo, naging masama siya noong nawala ang kanyang asawa at may malakas na siyang kapangyarihan." "Pero nakakatakot kung isipin noong pinuksa niya ang asawa ni Milu no? Dapat talaga siyang parusahan. Kung magkakatotoo ang panaginip ko, tiyak na tatalunin ko siya hanggang siya'y maparusahan." "Matatalo mo lang siya kapag natanggal na ang ring of power at kwintas ng kasamaan. Kailangan mo lang makuha ang gigamagnet sa tulong ni Kaibigang Milu. Maliit at mabigat ito ma parang hugis na letrang "U" at sa ibabaw ay may hawakan. Ang minamagnet lang ay ang bakal na may kapangyarihan at may switch ito na parang flashlight. Ginamit na nito ni Milu ngunit siyay nabigo dahil nang ginamit niya ito ay, nakaoff kaya kinuha ito ni Supruneyo at itinapon sa Ilog na Styx. Hindi nakuha ni Milu dahil siya'y nabigo at malapit na siyang napatay ni Supruneyo. Buti na lang may kabutihan pang dumadaloy sa puso ni Supruneyo. Sinabi niyang "umalis kana" linabanan niya ang kasamaan ngunit nanaig pa rin ang kasamaan sa kanya. Ang ilog ng Styx ay kalmado at poisonous ang tubig at ang tanging paraan lang para makuha iyon ay ang bagong itinakda na sinabi sa akin ni Nanay Ismila ngunit hindi ko alam kung sino ang taong iyon, lilitaw lang sa itinakda ang gigamagnet kapag nandoon na siya malapit sa ilog ng Styx ngunit malakas dapat ang itinakdang iyon dahil ang gigamagnet ay may bigat na 60 kg. "Ganon pala." NAPAISIP SI KAYLO NA PARANG SIYA ANG ITINAKDA Sa Aswang territory. "Hays, buti nalang wala si Hornoyo dito, nalaman na sana lahat ng itinatago kong lihim sa kanya. Grr!Hindi naman cguro narinig non, pero naka-volume kasi CCTV. Grr!" Hindi alam ni Supruneyo na narinig lahat ni Hornoyo ang lahat ng sinabi ni Pepe sa CCTV at kunwariy hindi niya narinig. "Ano iyon itay?" "Wala anak, kanina ka pa diyan anak?" "Kararating ko lang, inayos ko lang ang kwarto ko." "Mabuti, manood ka ulit. Hooo!" "Nagpawis nga si Suprunyo sa sitwasyon niyang iyon." Nagalit siya sa ginawa ng kanyang tatay noong siya'y naging masama. Pero naisip niyang tulungan ang mga taong iyon para matanggal ang nagbibigay kapangyarihan sa kanyang tatay at maging mabuti ulit ito. Naisip niyang dapat munang maparusahan ang kaniyang tatay para tuloy-tuloy na itong magbago. Naisip niyang saktong-sakto sa ipinag-uutos ng kanyang tatay na dakipin ang baklang kasama niya para sabihin sa kaniya na planohin ang pagkatalo ng kanyang tatay. "Anak, ang lalim ng iniisip mo haa? Grr." "Wala po tatay, may tatanungin lang ako." "Ano iyon anak?" "Mabait ba kayo dati?" "Of course not. Anong tanong iyan anak?" Biglang sumakit ang ulo ni Supruneyo. "Itay! magpahinga muna kayo." Pumunta sila sa kwarto ng kaniyang tatay at ipinahinga. Tinangka pa niyang kunin ang kapangyarihan ng kanyang tatay habang natutulog ngunit naisip niyang baka mahuli niya ito kaya hihintayin na lang niya ang itinakda para talunin ang kaniyang tatay. Naiisip niyang siya na lang ang tutulong sa itinakda para mas lalo silang magtagumpay. Nanood ulit sa CCTV si Hornoyo. "Pakinood nga ulit sila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD