"Ang Hula ni Jey-ar na Nagkatotoo at ang Pag-aalala ni Miranda"
Balik tayo kay lassingerong Jey-ar.
Siya ang suspek sa aksidente nila Idran, Kaylo at Uncle Noven.
Siya ngayon ay patuloy na nanghuhula kung ano na ang nangyari sa kanila.
Sa kabilang dako, sa Santisimo City, sa bahay ng magkambal ay may biglang nabitawan si Nanay Miranda na baso pero agad niyang nasalo.
Napaisip tuloy si Miranda na nanay ng magkambal kung ligtas ba silang nakapunta o may nangyari na ba sa kanilang masama.
Kaya naman naisip niyang sabihin kay Enteng na tawagan si Novento.
Nang tawagan nila'y busy ito.
Kay Jey-Ar naman sa sitwasyon ng kanyang panghuhula.
"Hmm... Sa hula ko, baka nawala na sila o naaksidente. Hahaha. Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Di bale, wala na akong pake doon. Kaya babalik na ulit ako sa pag-inom ng alak."
Nakainom, 5 hours later. Naalala niya ang kanyang mga nakaraan.
"Naalala ko yung postiso, nafall yong postiso sa akin kaya masakit, gaya niya nafall siya sa akin noon sa Balete at naging kami, pero ako ang nasaktan nang nagbreak kami, kaya ngayon sinisira ko ang nga break ng sasakyan para tuloy-tuloy at hindi hihinto at titigil ang aming pagmamahalan. Pero ngayon, wala na. Baliw na ako dahil hindi lang sa sinisira ko ang break ng sasakyan para hindi mahinto kundi pati sa pag-ibig nabaliw na ako. Pero mas nabaliw ako noong umalis ang aking magulang. Sila talaga ang pasimuno kung bakit ako nabaliw ng ganito. Ang mga magulang ko, iniwan ako. Hindi naman ako nagagalit dahil pumunta sila doon para sa future ko, masakit lang ang loob ko dahil hindi ako natuloy sa pag-aaral at hindi agad sila bumalik. Ang sakit, sakit, at saka miss ko na sila. Sana bumalik na sila o mahanap ko man lang sila!"
Umiyak si Jey-ar.
Sa Santisimo City, sa magulang ng kambal.
Naghuhugas si Miranda at nagbabasa ng diyaryo si Enteng.
Sa hindi inaasaahan, nabitawan ni Miranda ang baso.
"Hays, ang baso mahuhulog na!!!" sigaw ni Miranda.
Agad rin niyang nasalo ang baso.
"Gotcha! Hehe, hindi nafall, nafall na kasi ako sa asawa ko. Anyway, parang masama iyon ah. Ayon sa paniniwala ng mga matatanda, pag may nahulog kang babasagin bagay ay mangyayaring masama sa miyembro ng aking pamilya o sa mga mahal ko sa buhay at kakilala ko."
Napaisip nga si Miranda at nag-alala.
"Ibig sabihin kaya nito ay may nangyari kina Idran at Kaylo. Ang ibig sabihin nito ay naaksidente sila pero hindi sila pumanaw dahil hindi nabasag ang baso."
Tumaas ang Blood Pressure ni Miranda at nakita ito ni Enteng.
"Bakit ano na ang nangyari sa iyo mahal?"
Kumuha ng tubig si Enteng at ibinigay niya sa kanyang asawa.
"Eto, water is the best. Alam mo ba na ang water is universal solvent?"
"Oo naman, salamat."
Nag-relax at may sinabi si Miranda sa kanyang asawa.
"Malapit ko kasing nahulog yong baso kaya may naramdaman akong mali. Baka kong napano na ang kambal, pakiusap, gawin mo lahat ng paraan kong okey lang ang kambal!"
"Kalma, huwag mong isipin iyan, ang isipin mo ligtas sila. Pamahiin lang iyan, hindi mo alam kong totoo o hindi. Kaya magpahangin ka muna."
"Basta tawagan mo lahat ng kakilala mo, kung ligtas sila o hindi, pakiusap."
"Don't worry mahal kong Miranda, tatawagan ko nalang si Novento na taga-Gitnana City yong kapatid ko."
"Sige, sabihin mo na tignan niya sa Balete dahil napakaganid ng lugar doon."
"Heto na."
"KRIIIINGG!!! KRIIIINGG!!!
"Hello. Novento."
"Napatawag ka, bakit kapatid?"
"Pwede pahingi ng Favor?"
"Yup. Ano yun kapatid?"
"Pakimonitor mo naman kung walang naaksidente sa Balete. Salamat."
"Paumanhin kapatid pero may camp kami dito sa tuktok ng Skycraper."
"Sa tuktok ng building my goodness Novento, diyan pa sa tuktok, eh, ang init-init diyan,bakit diyan pa? Mas maganda sa Balete dahil maraming puno doon, at presko ang hangin."
"Tama ka pero takot ang mga kasamaan kong bumbero doon, may aswang kasi ehh."
"Naniniwala kayo doon? Sa bagay mas mabuti ng ligtas kaysa mapahamak.
"Tama ka kapatid."
"Anong araw matatapos ang camp niyo?"
"Sa June 14 pa matatapos to."
"Hayss, magiging daing na kayo diyan. Haha."
"Malamig naman sa gabi at tsaka para hindi sobra ang init may electricfan naman."
"SIgeh, basta sa June 14, pakimonitor sa Balete, nakikiusap din kasi misis ko sa akin eh."
"Ano ba ang nangyari?"
"May masama siyang pangitain dahil malapit niyang nahulog ang baso at naisip niyang may nangyari sa mga kambal namin dahil pupunta sila upang magtrabaho sa Dimafind City."
"Hayss, superstitious beliefs. Paniniwala ng mga matatanda, Sige, pagkatapos ng Camp namin, magmomonitor ako sa Balete."
"Salamat kapatid, maasahan ka talaga."
"Walang anuman. Sige bye na, may ginagawa kasi kami."
"Sige, bye. Mag-iingat kayo diyay."
Sabay nilang ibinaba ang kanilang Cellphone.
"Ano ang sinabi niya?"
"Sabi niya sa June 14 pa ang pag momonitor niya sa Balete dahil may Camp sila."
"Okey lang kahit matagal, basta walang nangyari sa dalawa."
"Tawagan ko na rin sila ang kambal."
"Mas mabuti iyan kung malaman agad natin kung ligtas sila basta gawin mo ang lahat, mahal kong Enteng. Marinig ko lang na ligtas sila, okey na ako."
Tinawagan ni Enteng ang kanilang kambal na anak pero hindi sila nag response.
Matapos iyon ay alalang-alala na si Miranda at agad namang pinasaya at pinakalma nito ni Enteng.