"Ang Aksidente sa Balete"
Nakapunta na sina Uncle Noven, Idran at Kaylo sa Balete.
Sa hindi inaasahang pangyayari, sila'y naaksidente at iyon ay kagagawan ni Jey-ar.
Si Jey-ar ay sawi sa pag-ibig kaya siya'y naglasing at nabaliw.
Si Jey-ar ang pakana ng lahat ng ito dahil pinagtripan niya ang sasakyan nila at sirain ang prenohan nito.
Ang sasakyan na iyon ay pagmamay-ari niya dati ngunit dahil sa pagkasawi, naibenta niya ito at pinambili ng maraming alak kaya siya naging lasinggero.
Dahil sa kanyang pagsira sa prenohan ng dating niyang sasakyan na ngayon ay pagmamay-ari na ni Noven, inisip na ni Jey-ar kung ano na ang nangyari sa kanila.
Dahil sa panghuhula kung ano ang mangyayari sa kanila ay bigla nga itong humalakhak.
Lipat tayo sa sitwasyon nina Noven, Kaylo at Idran sa kagubatan ng Balete.
Dito nga ay may napansin si Noven na isang malaking problema.
"Hindi maganda ah? bakit ayaw huminto?!"
Pinadyak ng pinadyak ni Noven ang prenohan ng sasakyan at biglang nagpawis at pagkatapos di na alam ang gagawin at kinakabahan dahil hindi na talaga gumagana ang pagpreno sa sasakyan.
"May problema po ba Uncle? Bakit di humihinto itong sasakyan natin eh malapit na sa baluktot na daan," sabi ni Kaylo.
"Uncle! Mamamatay na tayo pag di pa huminto, pinabibilis mo ang t***k ng aking puso," kinakabahang sinabi ni Idran.
Hindi nagdalawang isip na sabihin sa kanila ang malaking problemang iyon.
"May sasabihin akong di inaasahan sa inyong dalawa!"
"Ano po yun Uncle?"
"Huwag mo nang sabihin malapit na tayong madeads, Uncle!"
Mabilis na may sinabi si Noven.
"Sira ang break ng sasakyan, kaya ayaw huminto!!!"
Nagpanic silang lahat!
"Omg!!! Let's kill this love!" sigaw ni Idran.
"Huwag ka nang sumayaw, madeads na nga tayo nakuha mo pang sumayaw, baklang to," sigaw rin ni Kaylo kay Idran.
Tumigil si Idran at pagkatapos ay mas lalo pang nagpanic ang lahat dahil tuloy-tuloy mabilis na pagtakbo ng kanilang sasakyan.
"Ommmggg, waaah!!!" malakas na hiyaw ni Idran.
Kumapit nga siya kay Kaylo.
"Huwag ka ngang kumapit sa akin!"
"Sorry."
Kumalas nga si Idran at nang kumalas siya ay nakita niya sa labas na malapit na silang bumangga.
"Naku!!! naku!!! babangga na tayo!!! ihinto muna!!! ihinto munaaaa!!!"
"Psst! Huwag kang maingay! Chill lang!"
"Nakuha mo pang sabihin iyan Kaylo!"
Sa oras na iyon ay naisip ni Kaylo na kagagawan ito ni Jey-ar.
"Hay naku! kagagawan siguro nito ni Jey-ar!"
"Bakit mo nasabi! Iho?!"
"Ayoko!!! ayoko naaa!!!"
"Tumahimik ka nga, Idran!
"Sorry, again."
"Hmm... Naalala ko kasi noong pumunta kami sa bahay niyo. Wala pa si Jey-ar pero noong nag-aaway kayo ni Idran parang may gumagalaw sa ilalim, pero busy ako nagbabasa ng w*****d noon kaya di ko tinignan. Diba habang nag-aaway kayo ay biglang lumitaw si Jey-ar?
"Oo nga, nabato nga ng pustiso, What? Siya nga! Baka noong nabato ng pustiso ay natapos niya nang nasira ang break at napagtripan niya ito. Hmmphh.. Kung sinabi niyang lintik tayo mas lintik siya pag makaligtas tayo dito!"
"Oo nga Uncle, pagbabayaran niya ito," inis na sinabi ni Kaylo.
"Daldal kayo ng daldal diyan! Malapit na tayong bumangga sa puno ng Balete oh! My Gush!"
"Hays, don't panic! Bubuksan ko ang bukasan ng sasakyan tapos tatalon tayo in a count of 3."
Napansin nilang wala na si Noven.
"Nasaan na si Uncle Noven? tanong nito kay Kaylo.
"Nandoon siya, Idran!"
Nakita nilang una na siyang tatalon sa sasakyan.
"Babay yo. Mamimiss kitang sasakyan ka. Mamimiss ko kayo guys."
"Wait!!! Uncle!!!"
Naalala ni Noven ang kanyang alalala sa kanyang sasakyan.
Lumuha siya habang nakikita ang huling araw ng kanyang sasakyan.
"Hindi kita makakalimutam, aking sasakyan!"
Tumalon nga si Noven.
"Wait... Uncle!!!. Haist, wala na."
"Oo nga eh, Kaylo."
"Teka kunin ko lang ilan sa mga importanteng gamit natin gaya ng bag, pera at ating damit."
"Uncle, bakit mo kami iniwan? Sabi mo magstay ka sa akin, ngayon iniwan mo lang ako. Walang forever."
"Hay naku, padrama-drama ka pa, Idran. Malapit nang bumangga ang sasakyan. Tulungan mo na nga ako dito."
Pagkatapos nilang kinuha ang mga importanteng gamit ay binuksan ni Kaylo ang bukasan ng sasakyan.
"I think katapusan na natin."
"Kung ano ano pinagsasabi mo Idran. Halika na, tayo naman ang tumalon!"
"No!!! I'm scared!!! Ohh my!!!"
"Sige na! Ano gusto mo!? Mamatay or mabuhay!?"
"Mabuhay para sa pagmamahal at mamatay ang pag-aawayan naming dalawa."
"Kung ano ano sinasabi nito. Sige in a count of 3."
"In a count of 3, nandito na tayo ngayon sa Dora the Explorer. Kung sinabi nila talon, talon!!!"
"Kung ano-ano sinasabi mo Idran, sinabi ko na, talon!!!"
"Ba't tumalon na tayo, hindi ka pa nagcount ng 3?!"
Tumalon sila silang dalawa sa sasakyan.
"Ohh!!! My!!! Gush!!! I'm falling again!!! Charot, panaginip pala iyon. Waaahhhh!!!"
"Waaaaaaahhhhhh!!!!!"
Dahil sa sobrang bilis, bumangga ang kanilang sasakyan sa mahiwagang Balete at sumabog.
Tinupok ng apoy ang Puno ng Balete hanggang maging abo kasama na ang sasakyan.
Si Idran at Kaylo pati si Uncle Noven ay walang malay noong sila'y bumagsak sa lupa pagkatapos nilang tumalon sa sasakyan.