"Ang Pasasalamat at ang Pagkukuwento habang Nagmamaneho"
Natakasan nga nila si Jey-ar at agad nilang pinatakbo ang sasakyan.
Nang pinatakbo ni Noven ang kanilang sasakyan ay nakalimutan pa ni Kaylo na isara ang pagbukasan nito
Kaya naisip niya itong isara habang nakalalayo na sila kay Jey-ar.
Matuwid ang daan sa Gitnana City patungo sa bayan o munisipalidad ng Balete o tawaging lugar ng Balete.
Sa kagubatan nito ay baluktot at wala pang semento ang daan.
Sa kabilang banda naman ay naalala pa rin ni Noven ang nangyari sa kanya kanina.
"Wooooh!! Muntik na ako doon ah! Salamat talaga Idran ah. Kung hindi dahil sa pagligtas mo sa akin, baka napano na ang gwapo kung mukha. Salamat talaga. Your my hero. Sorry, ganito lang talaga ako, masayang nagjojoke, pero kung ako ang ma-joke, Hays. Pikon agad ako. Kaya mga binata,alam niyo na ang aking pagkatao."
"Opo, pero wala iyon. Promise, hindi ko na uulitin para di kayo ma-highblood," birong sinabi ni Idran.
Tinapik ni Kaylo si Idran sa balikat.
"Ouuuccchhh!!!"
"Buti di ka niya narinig.
Eh di magagalit nanaman siya."
Pabulong ni Kaylo kay Idran.
"Sorry ah. Kaylo."
Nakasimangot niyang sinabi kay Kaylo.
"Promise I don't do it again."
Ngumiti naman si Kaylo.
Maya-maya pay may sinabi si Kaylo sa kanyang Uncle.
"Ayy, oo nga pala uncle..."
"Bakit iho?"
"Sorry po dahil hindi ko agad naisara itong sasakyan mo kanina."
"It's okay iho. Basta ligtas tayo at malayo na tayo kay Jey-ar."
Nakalipas ang 10 minuto ay nagleft na sila sa kanilang lugar na Santisimo City at sila'y nasa Gitnana City na.
May napansin naman si Idran habang tinitignan sa labas ng sasakyan.
"Sampung minuto na tayo pero halos wala akong nakikitang mga sasakyan. Napakatuwid rin ng daan, walang hinto. Kaloka to ah bess."
"Oo nga eh, Idran. halos lahat ng tao siguro dito nasa loob ng building at ang mga sasakyan nila ay halos na sa loob ng garage. Iba talaga dito sa Gitnana City," sabi naman ni Kaylo.
"Hindi niyo ba alam na sentro ito ng business dito sa Annon Province? Kaya sa oras na ito ng umaga, halos sila ay busy sa kanilang work kaya tama ang sinasabi mo Kaylo," sinabi naman ng kanilang Uncle.
"Kitams bakla ka, tumpak ako. Hahah!!!" masayang sinabi ni Kaylo kay Idran.
"Eh di ikaw na ang tama, sali ka kaya sa MISS Q AND A para manalo ka."
"Sa tingin mo bakla ako, gusto mo Toblerone?"
"Hindi, joke lang, Kaylo. Di naman mabiro. Naisip ko lang ha.. Kaya ba Gitnana City dahil gitna ito ng Santisimo City at Dimafind City o gitnang siyudad ng Annon Province?" tanong naman ni Idran.
"Tumpak ganern, oo gitna ng Annon Province o gitnang siyudad kaya naman tinawag na Gitnana City. Mamaya may madadaanan lang tayong parte na lugar ng Balete pagkatapos nating malampasan itong matuwid na daan na ito. Ito'y maliit na bayan o munisipalidad ng Annon Province na kakaunti ang taong naninirahan. Ito ay halos pinakagitna ng Annon Province na lugar at hindi siyudad. Mayroong tatlong cities dito sa Annon Province kaya 95% dito ay siyudad. Marami ring kakaiba doong nilalang sa Balete."
"Uncle ang dami niyong alam sa History," sabi ni Kaylo.
"Salamat. I think marami akong naibahagi sa inyong kaalaman."
"Oo naman, Uncle," sabi ni Idran.
"Balik ako sa iyo, Idran. Okey, tumpak ka doon. So, ano ang sinasabi mo sa akin kanina? Ang galing mo pala eh. Edi ikaw na sumali," sabi ni Kaylo kay Idran.
"Thank you, may balak ako
diyan heheh."
Pagkatapos ng kanilang pinag-uusapan tungkol sa Gitnana City, may hindi magandang paghinto sa sasakyan ni Noven dahil kapag ipadyak niya ang break ay maganda pa sa una pero pag tumatagal na ay parang humihina na ang paghinto.
Hindi nga napansin ni Noven iyon habang siya'y nagmamaneho.
Bago iyan, may naidagdag pa si Noven sa 95% na usapan.
Pagkatapos non, nakatutok na sila sa topic na kakaibang nilalang sa Balete.
Pero dito muna tayo sa mas nauna niyang kwento.
"Pero may isang purong lungsod, pero malayo dito, ito ay lugar ng Puresity. Ito ang National Capital Region ng bansa dito sa kinalalagyan natin, ang bansang Known State. Bakit pala kayo nagtatanong? Nasaan ang inaral niyo sa History?
"Sorry Uncle mahina kami sa History, kaya salamat sa nashare mong impormasyon," paumanhing sinabi ni Idran.
"Sayo lang. Kabisado ko ang pangalan ng lugar ng buong Known State. Pero nakalimutan ko lang ang ilang mga impormasyon nito. Kaya huwag mo akong idamay na mahina ako. Anyway, salamat sa impormasyon Uncle," seryosong sinabi ni Kaylo.
"Your welcome."
"Eh di ikaw na magaling, kambal, ako lang ang gumaling pupunta na tayo sa outer space."
"Sige, Idran, dapat sa Mars para maging reyna ka ng mga aliens," birong sabi ng kanilang Uncle.
Natawa nga si Kaylo...
"Nakakatawa iyon nakakatawa?"
"Haha, sige tama na iyan, 2.53 km. pa bago marating ang Balete. Katumbas nito'y 15 minuto kapag nakarating na tayo doon ng tuloy tuloy na bilis sa 110 kph. Tuwid pa rin ang daan kaya alam ko ang kalkulasyon because I'm genius," mayabang na sinabi ni Noven sa kanila.
Pagkatapos, nagkuwento nanaman si Noven dahil sa pagbigay ng topic ni Kaylo tungkol sa lugar ng Balete.
Sila ay 15 minutos na nagkwentuhan tungkol sa Balete.
"Nabanggit niyo po yung kaisa-isang bayan o munisipalidad ng Annon Province. Ang lugar ng Balete, ano po bang kabababalaghan dito? Please. Share. Gusto kong malaman ang History nito," pakiusap na sinabi ni Kaylo.
"Sige, makinig kayo. Long, long ago, in the wonderful palace."
"Linoloko mo kami eh. Ano ba talaga? Gush!" sabi nga ni Idran.
"Ang seryoso niyo kasi eh, Hahaha."
"Seryoso po ako dahil gusto kong malaman ang impormasyon dito," seryosong sinabi ni Kaylo.
"Sige, makinig kayong mabuti. Wansapanataym, in the magical place of doom..."
"Uncle!!"
"Kaloka! Ikwento mo na Uncle."
"Hahah. okey."
Ikinwento nga niya ang lalawigan ng Balete habang papalapit sila sa lugar na ito.
"Ang lugar na ito ay may alamat o myth at may kayamanan na hindi pa natatagpuan. Pero itong lugar na ito ay nakakatakot at maliit lang ang populasyon ng tao. I think may apat lang ang naninirahan ditong tao kung hindi ako nagkakamali. Marami ang ligaw na prutas at gulay dito kaya ang apat na iyon ay walang problema sa pagkain. Ang daan dito ay baluktot at maraming puno ng Balete. Marami ring baging. Medyo malalaki ang mga bundok at maburol. Hindi gaanong maliwanag dahil sa natatakpan ito ng mga dahon, malalaking puno at puno ng Balete. Bla bla bla... Kaya Balete ang pangalan ng lugar dito ay maraming puno ng Balete.
May sampung minuto na ang nakalipas at ikinuwento ni Uncle Noven ang tungkol sa mga aswang doon.
"Ang higit na nakakatakot dito ay may naninirahan ditong mga aswang."
"Alam kong maraming puno ng Balete dito kaya Balete ang pangalan ng lugar na ito. Pero ang aswang, ngayon ko lang nalaman. Wala naman kaming nakitang aswang noong nalampasan namin dito at nag-apply doon sa Dimafind. Pati sa pagbalik namin ng Santisimo City. Pareho namang umaga noon."
"Omg, balik na ako sa City natin, nakakatakot. Gush, ohh my..." natatakot na sinabi ni Idran.
"Iyan ang sagot sa tanong mo Kaylo, pagsikat ng araw nag-aanyo silang hayop na pusa at iba pa para hindi sila masunog na sikat ng araw.
Hindi ko alam kung masusunog ba sila sa sikat ng araw kapag nag-aanyo silang aswang pero ayon sa mga libro na nanggaling dito sa Annon Province ay masusunog daw sila kapag maliwanagan sila ng araw, ang iba naman ay mag-aanyo silang tao. Kapag makulimlim naman o pag-lubog ng araw at gabi sila'y nagiging anyong parang tao o aswang na nakakatakot ang mukha at matatalim ang kuko. Sa madaling salita kapag may araw pwede silang magtransform bilang hayop, pwede namang hindi pero natatakot sila sa sikat ng araw na paniniwalang nilang masusunog sila. Kapag sila'y magtransform bilang hayop, hindi sila automatic na maging hayop. Dapat nilang ikontrol ang kanilang sarili sa pagiging hayop. Kapag naging hayop na sila ay kahit maliwanagan na sila ng araw sa anyong iyon ay walang talab sa kanila at sa dilim naman ay anyong parang tao o aswang at nakakatakot ang kanilang anyo dahil sa matatalas na ngipin, kuko at nakakatakot na mukha. Tandaan niyo ito liwanag lang ng araw lang sila nagiging hayop, hindi consider iyong liwanag ng bombilya o fluorescent lamp, kaya kapag maliwanagan sila ng mga bagay na ito ay still hindi sila masusunog sa anyong parang tao o true form nila.
"Aaahhhh!!! Ayoko na, ayoko na, Mommyy!!! ayy!!! Gusto ko nang bumalik," sigaw nga ni Idran.
"Hoy!!! Mag-ayos ka nga, may nakita ka bang aswang noong nalampasan natin dito?"
"Wala."
"Chillax lang kambal."
Tinakot ni Noven si Idran.
"Booohhh!!!"
"Waahhhh!!! I was shocked, omg!, omg!!, omg!!!"
Natawa si Kaylo.
"Eto naman si uncle oh," sabay nguso ni Idran.
"Wag kang matakot wala din naman akong nakita, kwento lang iyon."
WALANG NALAMAN SI NOVEN NA ASWANG KAY ISMILA DAHIL AYAW NIYA ITONG MAPAHAMAK NA ISA PA SA SANHI NG KANILANG HIWALAYAN.
Ipagpatuloy natin ang kwento.
Nagsalita si Kaylo tungkol dito.
"Kitams. Wala."
"Inhale, exhale. Wah," sabi ni Idran habang kumakalma.
"Ooh, baho!" reaksiyon ni Kaylo sa kanyang paghinga.
"Wag ka, nagtoothbrush ako no."
"Mga binata malapit na tayo sa Balete, 100 meters pa, kaya papabilisin ko ang takbo nito hanggang 150 kph."
"Grabe na to haa! Walang hinto, hindi kaya mag over heat to?" tanong ni Idran.
"Malayo yan. Please fasten your seatbelt, malapit na tayo sa Balete," sabi ng kanilang Uncle.
"Alright," sabi ni Kaylo.
Nakapunta na sila roon ng 15 minuto na may bilis na 150 kph.
"Nandito na tayo. Yeah, makikita na natin ang kagubatan ng Balete," sabi ng kanilang Uncle."
Nagpatuloy ang pagtakbo ng kanilang sasakyan doon.