KABANATA IV

668 Words
"Si Jey-ar at si Noven" Naglakad sila ng 50.32 metro sa kanilang bahay hanggang sa bahay ng kanilang Uncle. Si Idran ay kumakanta habang naglalakad at si Kaylo naman ay tahimik na naglalakad. Ilang minuto ang nakalipas ay natanaw nila ang bahay ng kanilang Uncle. Nakita nila si Noven o tinatawag ng kambal bilang si Uncle Noven. Nakisilong sila doon habang hinihintay na nag-aayos para sa pagsasara ng kanyang bahay. Lumipas ang kinse minuto ay natapos niya ito at isinara ang kanyang bahay. Napa-isip si Noven kung ano ang nais ng dalawa. Nalaman niya ang pakiusap ng dalawa at tumakbo si Jey-ar sa kanila ng tahimik at nagtago sa ilalim ng sasakyan. Habang sina Idran at Kaylo ay excited na na pumasok sa kanyang sasakyan. Makalipas ang kaunting segundo ay pupunta na si Noven para sumakay sa kanyang sasakyan ng may baston at hawak ang kanyang mga gamit. "Ba't may baston na po kayo, mahina na ba ang likod niyo?" tanong ni Idran sa kanyang Uncle. Kaya naman nainis agad si Noven. "Anong baston!" Inihagis ni Noven ang kanyang baston sa harap ng kanyang bahay. "Anong baston? Practice, practice lang to no, pinaghahandaan ko lang kapag hihina na ang likod ko at magkukuba. Sa ngayon hindi pa, binata. Oh, tignan mo oh, malakas pa ako. Matuwid pa ang aking paglakad." "Haha, nakakatawa ka talaga, Uncle," iniisip ni Kaylo. "Ganon po ba. So, naloko ako na mahina na po kayo?" Naisip ni Kaylo na ibahin ang usapan ng kanilang dalawa. "Wow. Ang ganda ng sasakyan niyo Uncle," sabi nga ni Kaylo kay Noven. Papasok sila ng sasakyan habang nagsasalita si Noven. "Hahaha, talaga ba? Alam mo nakakatawa ka. Paano mo naman nasabi na maganda eh, wala namang mukha? " Nasa loob na sila ng sasakyan at napangiti dito si Idran. "Ganito kasi sabihin mo..." Pabulong na may sinabi si Idran kay Kaylo. "Uncle ang ganda niyo po," sabi nito kay Kaylo. Narinig niya ang bulong ni Idran. "Goodness Gracious!!!Halika ka nga dito loko ka! Rawwrr!!!" Natanggal ang kanyang pustiso sa sobrang galit. Di-nakapagsalita ng maayos si Noven dahil natanggal ang kanyang pustiso. "Nakitsitsakay tsa ne nge leloloktso mo psa aktso." "Halla! galit na, natawa ako sa pustiso. Haha, nakakatawa talaga itong kaibigan ni tatay. Hahaha. Kahit pilosopo okey na rin. Hahaha.. Hays, bahala kayo diyan," naiisip ni Kaylo. Pagkatapos nagbasa ng w*****d si Kaylo. "Dapyat parushahan kya sha ityong shinabi." "Sorry na, Uncle, sorry." Tumatawa si Idran habang tumatakbo. "HALITYAA DITYYO!!" Lumabas ng sasakyan si Idran at tumakbo. Lumabas din si Noven at paglabas niya ay nabangga niya si Jey-ar na galit. Si Jey-ar ay kasing tanda ng magkambal. "Rawwwwrrr!!! Galit na ako! Sino ang may-ari ng pustiso? Nabato nito ang mukha ko!!!" galit ngang sinabi Jey-ar. Nanginig silang lahat. "Ikaw ba?!" Sabi niya kay Noven. "Otyo batkyit?" "Ano? hindi mo ba alam na ako ang kinatatakutan dito. Hindi kundi isang lassingero kundi isang delekadong tao?" "Kyilala chita tyaga dyito akyo yehh. Akyo ryin chinatyatyakyutan ng butyong Barbie World!!!" bulol na sabi ng kanilang Uncle. "Di-naiintindihan. Parang bulol. Hahaha," tawang sabi naman ni Idran. Tinawanan din nga ito ni Jey-ar si Noven. "Hahah!!! Nakakatawa ka." Gusto niya nang suntukin pero iniligtas siya ni Idran. Pagkatapos niyang iligtas ang kanyang Uncle ay pumunta agad ito kay Jey-ar at tinadyakan. "Itong sa iyo hmmmphh!!!" "Araaayyy!!!" "Tara na po!!!" daling sinabi ni Idran sa kanyang Uncle. Kinuha ni Idran ang pustiso at ibinalik kay Uncle noven. Mabilis silang pumasok at pinaandar ng mabilis ang sasakyan papuntang Gitnana City. "Yuck my hand!!! Much saliva in my hand!!!" arteng sinabi ni Idran sa kanyang sarili. "Okey lang iyan. Heto, alcohol. Ahm, pinatatawad na kita dahil sa pagligtas mo sa akin," pasasalamat naman ni Noven. Umalingawngaw si Jey -ar sa labas ng sasakyan. "Waaahhh!!! Mahahanap ko din kayo, lintik lang ang walang ganti. Haha, sira na ang break ng sasakyan. Huhulaan ko, maaksidente kayo Hahahah!!! Hindi malabong mangyari iyan!!!" Pagkatapos non ay nakalayo na nga sila kay Jey-ar at patungo na sila sa Gitnana City.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD