KABANATA II

440 Words
"Ang Malalim na Pag-iisip ni Kaylo" Habang naglilinis ng mukha si Idran ay iniisip ni Kaylo ang kanilang trabaho sa Dimafind. Iniisip niya kung paano sila pupunta doon. Sira naman ang sasakyan ng kanilang tatay kaya wala silang sasakyan para makapunta doon. Nag-isip ng nag-isip si Kaylo hanggang mayroon talaga siyang naisip. Naisip niyang sumakay sila sa kaibigan ng kanyang tatay na si Noven dahil pupunta rin naman siya sa Dimafind City para mag shopping. Ang taong ito ay palabiro at nakakatawa. Pero sa kabilang banda na ay nag-isip na ng napakalalim si Kaylo hanggang hindi maabot kung gaano na ba ito kalalim. "Isip, isip, isip!!!" Agad siyang biniro ni Idran. Habang hinuhugasan ng mabuti ang kanyang maduming mukha. "Uy, huwag ka masyadong mag-isip ng malalim. Mababaliw ka diyan." Hindi niya pinansin ni Idran at umabot na ito sa puntong nagbrabrainsorming na si Kaylo tsaka nakisabay na rin ang panahon... "Ahha!!! May naisip na ako!" Matapos maghugas ng mukha si Idran ay tinanong niya kung ano ang kanyang naisip. "Ano naman naisip mo? Para ka nang estatwa diyan sa kaiisip. Alam mo, may nakita ako noong ganyan, mukhang nagaya mo." "Eh." "Ano eh?" "Hayss, nagbiro ka pa talaga. Balik tayo sa tanong mo. Ano ka ba? Eh di iyong trabaho natin. Kung paano tayo pupunta doon sa Dimafind." "Sabi mo na ngang di ma-find, Eh di, di mo talaga mahahanap iyon, talaga to." Nainis tuloy si Kaylo. "Pangalan iyon ng lugar na ating pagtatrabahoan. Ewan ko sa iyo, bakit mo naman nasabi na di mahanap? Eh, nag apply na tayo doon? Nakapunta na tayo doon? talaga itong baklang to. Dimafind lang pangalan ng lugar. Hayss... Bla bla bla.. Bla... Di niya kasi inaalam ang lugar. Bla. bla. bla..." "Tama na!!! Mas madaldal ka pa kaysa sa akin eh... So, ano naisip mo​ para makapunta tayo doon?" "Makikisakay tayo kay Uncle Noven sa kanyang sasakyan." Napasang-ayon agad si Idran sa ideya ni Kaylo. "Oo nga! Bright idea. Pero, may tanong ako sa iyo Kaylo. Paano nga ba natin naging Uncle si Noven? Hindi naman magkapatid si itay at Uncle Noven?" "Ano ka ba? Dahil sa pagkakaibigan nila ni itay, ang turing nila sa isat-isa para na ring magkapatid. Kwento nga ng ating tatay noon diba?Nakalimutan mo na?" "Hindi ahh..." "Mas matanda ng maraming taon si Uncle Noven kaysa kay itay. Senior Citizen na ata?" "Oo... Sige, maghahanda na rin ako para sa pagpunta natin kay Uncle Noven." "Bilisan natin, Idran. Baka pumunta na si Uncle Noven doon sa Dimafind City." Kumilos nga sila ng mabilis para ihanda ang kanilang mga gamit papunta sa kanilang Uncle para makisakay papuntang Dimafind City.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD