KABANATA I

1101 Words
"Lintik na Panaginip at Maruming Imahe ni Idran" Simula... Sa Lugar na Annon Province, may isang mapayapa at masayang mag-asawa na napakabuti at sila'y nakakaayang tignan. Labing-limang taon ang nakalilipas, nagkaroon sila ng kambal na anak na lalaki na sina Idran at Kaylo. Kinuha nila ang pangalan na Adrian Kyle sa pangalan ng napakabuting namayapang ama ni Miranda na taga Royal State ngunit pinalitan nila ito ng kaunti. Ang mag-asawa ay napakasaya subalit nagkaroon sila ng anak na napakatapang at napakabait. Dalawampu't-isang taon ulit ang nakalipas, sila ay lumaki hanggang nakapagtapos sila ng pag-aaral. Plano ng magkapatid na pumunta sa Lungsod ng Dimafind, Annon Province upang makakita ng pwedeng matirahang apartment building at para na ring mag-trabaho doon dahil sila'y naka-apply na doon sa isang kompanya at mapalad na nakuha. Pero bago ang lahat, nangyari ito ng gumising si Idran ngunit nagising siya sa kanyang panaginip. Unahin natin ang sitwasyong nanaginip si Idran at iyon ay ang gumising siya sa kanyang sariling panaginip... "Hayss... Magandang araw nanaman ang dumating," masayang sinabi ni Idran. Nagstretch at biglang kumanta ng hindi naiintindihan. Napansin nanaman nito ni Kaylo habang nagtatago sa ilalim ng bintana sa kwarto ni Idran. Ayon kay Kaylo ay palaging itong ginagawa ni Idran basta umaga at labis talaga siyang tumatawa. "Heto nanaman siya. Hahaha," tawang sinabi ni Kaylo. Ipinagpatuloy ni Idran ang pagkanta sa ibabaw ng kanyang kama. Inilalarawan siya sa isang baliw na hindi alam ang ginagawa habang siya ay kumakanta. "Wake up in the morning that I'm born in this city, because of entire classes, entire classes and I'm born this city, and if your teeth brush your teeth and the jogger and jogger." Tapos sumayaw. Mas lalo pang tumawa si Kaylo nang nahulog ito sa kanyang kama at sakto niyang nakuhanan ng video. Blaagg!!! "Awwwtss sakit!!! OMG!!!" sabi ni Idran pagkatapos nitong nahulog sa kanyang kama. Hindi alam ni Idran na ivinideo ni Kaylo ang sayaw niya. Matapos na makuhanan nito ni Kaylo ay humalakhak si Kaylo sa labas ng bintana ni Idran at binalak na ishare online. "HAHAHA!!! Ipost ko nga to sa f*******:. HAHAHA!!!" sinabi ngang humalakhak ni Kaylo. Ipinost nga niya. Matapos na magpost si Kaylo sa sss ay bigla itong nagulat at mas humalakhak. "Ohh. My goodness!!! HAHAHA!!! 11 million views agad. HAHA!!! Famous gay, HAHA!!!" halakhak at gulat na sinabi ni Kaylo. Pagkatapos nahulog si Idran ay gusto nang lumabas sa kanyang kwarto. "Labas na nga ako dito dahil ang sama ng bagsak ko. Nafall ako kaya masakit eh, gaya sa kanya nafall ako pero masakit dahil mayroon na pala siyang iba. Edi Wow, Hayss!" Lumabas nga si Idran... Nang siya'y nakalabas ay bigla siyang nagulat dahil sa sumunod na nangyari. "Mga kapitbahay lumabas na kayong lahat, nandito na ang viral. Haha!!!" sabi ng tatay ni Idran na si Enteng na masayang-masaya. Hindi tuloy alam ni Idran kung ano ang sinasabi ng kanyang tatay. Matapos tawagin ng kanyang ama ang mga tao ay mukhang bakas sa kanilang mukha na pinipigilan nila ang pagtawa hanggang hindi na nila ito kinaya. Nagtawanan nga silang lahat at pati si Kaylo ay tumawa at humalakhak. "Anak nakakatawa ka, loko kang bata ka. Haha! Sikat ka ngayon sa f*******:. Hahaha!!! Trending. Haha!!!" sabi ng kanyang nanay na labis ang tuwa. "Ano? Inay! Hindi ka naman gumagamit ng f*******: ah?" "Hindi pero sabi nila eh, alam mo bang sikat ka na anak? "Anong sikat inay? Parang mali itong nangyayari ah? Biglang lumapit ito ang kanyang kuya na si Kaylo at may sinabi. "Famous nang baklang to. Hahaha Hahahaha. Buksan mo kasi ang sss mo. Haha!!!" Nagpatuloy na nagtawanan ang lahat. Pinanood ni Idran ang video na isinend ni Kaylo sa f*******:. Nakita niyang ang kanyang nakakatawang pagkanta at pagsayaw matapos nitong gawin sa ibabaw ng kanyang kama. Sumigaw nga si Idran dahil niya ito inaasahan. "Hindiiiii!!!!!" Biglang siyang nagising na sobrang pawis. "Wooohh!!! Nabangungot ako ah. Buti nalang panaginip lang. Hayss..." sabi ni Idran sa kanyang sarili. Dali-daling pinuntahan ng kanyang nanay at tatay pati si Kaylo si Idran dahil sa ingay na narinig nila sa kanyang kwarto. "Anyare?" tanong nga ni Kaylo nang makapasok siya sa kwarto ni Idran. "Nevermind, alis nga kayo sa kwarto ko. Shoohh!!! ako lang ang tunay na mondragon!" "Lalabas na nga ako dito. Ewan ko. Kung ano sinasabi mo Idran." Lumabas nga si Kaylo. Bigla namang pumasok ang kanyang nanay. "Nabangungot ka ata anak. Hayss, kawawa ka naman. Oh, itong pamunas anak, pawis na pawis ka anak. Hayss..." sabi ng kanyang nanay habang ibinibigay ang pamunas. "Thanks, Mother." Ipinunas agad ni Idran sa kanyang mukha. Matapos niyang ipunas ay may naamoy siya ritong hindi kaaya-aya. "Iwww!!! Yuck!!!" "Bakit anak?" "Amoy grasa, mother, Iww..." Bigla namang dumating ang kanyang tatay at nakita ang pamunas niya ng kanyang sasakyan. "Hayss, pamunas ng sasakyan ko iyan ehh!!! Anyway, anong nangyari?" "Ano? Naku anak sorry. Pero anak, bagay mo naman make up mo. Pero itim." "Anong make up? Hindi naman ako nag make up ah? Nagbibiro ata kayo mother ehh?" Tumingin nga sa salamin si Idran at nagulat siya sa kanyang itsura. "What the?, mas malala pa ang real world kaysa bangungo. Hayss!!! Naku naman!!! Ang face ko ngayon parang impakta!!!" "Sorry, anak, akala ko iyan iyong nalabhan kong pamunas na gamit mo. Hayss... Malabo na yata ang mata ng nanay mo kaya kapag may sweldo ka na anak, bilhan mo ako ng E.O eyeglass ah? Hiling ko lang." "Sige. Naayy. Bibilhan kita." "Ako rin anak. Sana bilhan mo ako ng sparkplug. Hindi na kasi aandar ang sasakyan kapag sira na iyang sparkplug eh." "Mangarap ka, itay." Pabulong niya itong sinabi sa kanyang tatay. "Ano anak? Ayaw mo ba?" "Wala itay. Hindi sa ayaw ko itay pero kay Kaylo nalang ang sparkplug para pareho kaming may ibibigay sa inyo kapag nakaipon na kaming dalawa ng pera." "Ahhh... Sige anak, mamaya sasabihin ko sa kanya. Sa ngayon anak, iyang mukha mo linisin mo na para maging Miss Impakta este Mr. Gorgeous. "Ayy, oo nga pala. Dapat miss itay." "Ano?! Asan na iyong malaking kahoy, mahal?!" "Ah?! Mr. pala itay. Nadulas lang hehe." Lumabas at hinugasan ang mukha... Nang naghugas ng mukha si Idran ay nag-usap sina Enteng at Miranda. "Naalala mo pa noong kasal ng aking kapatid? Mahal kong Enteng?" "Oo, last year, 2018. Ang saya noon ng iyong bunso dahil nandoon tayong lahat." "True. Ang saya nga natin noon. Pero sana ayos lang sila." "Siguro, ayos naman sila dahil maingat silang dalawa sa kanilang pagtatrabaho." Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap hanggang natapos sila at bumalik naman agad sila sa pangaraw-araw nilang ginagawa sa labas ng kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD