Sa pagpapatuloy ng kwento ay nagulat si Liam ng hinawakan niya ang isa sa mahiwagang pana.
"Wow, lumiliwanag pala ang pana niyo, kanina hindi!"
"Mahiwaga kasi iyan Liam."
"Tama si Ate, mahiwaga iyan at kakaiba sa ordinaryong pana."
"Sige, subukan ko sa tatlong manok na magkakasunod."
"Ano?!" nagulat si Iryan.
"Eto na. Yaaahhh!"
Napana ni Liam ang ulo ng mga wild chicken na magkakasunod. It means, sa isang pana ay tatlong ulo ng wild chicken na magkakadikit ang kanyang napana dahil sa sobrang lakas na pagbanat ni Liam.
"Wowwwwww!!!"
Napahanga nga si Anghelita ng sobra.
Nagmukhang hugis puso ang mga mata ni Anghelita dahil sa nangyari.
"Ate, ate, ate!!!"
"ANG GALING NIYA!!!"
"Sorry, diko nasabi na champion ako sa archery ng palarong pambansa. Nakalimutan ko na kasi, akala ko first time ko. Bigla kong naalala na nagpapana pala ako noon. Dahil siguro sa trabaho kaya nalimutan ko na naglalaro ako noon nito."
"Ow! Hindi ko alam iyan pero wow!" gulat na sabi ni Iryan.
"Hmm, mamayang tanghali ay magtutunggali kayo ni Kaylo kung gusto mo! Para sa dagdag pagsasanay na rin ni Kaylo," sabi ni Anghelita.
"Okey lang sa akin."
"Sige, uuwi na tayo para magluto ng prinitong manok," sabi ni Anghelita.
Umuwi sila ng 10:15 A.M. ng umaga.
Para paghandaan ang tanghalian.
Noong nakauwi na sila sa oras na iyon ay nakapunta na sina Milu at Kaylo sa lawa ng Balete para magsanay si Kaylo ng oras na iyon.
"Nandito na tayo, binata."
"Wooh! Nakakapagod maglakad. Malayo pala. Sabi ni Ginoong Pepe malapit lang!"
"Malapit naman talaga. Iyong daan lang ang nagpahirap. Imbes na tuwid, balukto-baluktot dahil madaming puno ng Balete at ibang uri rin ng puno. Hindi lang puro Balete. Ang maganda rito ay masyadong mainit kaya malamig ang hangin.
"Oo nga po eh. Sige po. Umpisahan na natin!"
"Teka lang, huwag kang magmadali. Sasabihin ko muna kong ano ang pangalawa mong pagsasanay. Ang pangalawa mong pagsasanay ay ang pagiging expert sa pagpana. Ito ay ang FOCUS AND CONCENTRATE."
"Opo narinig ko po."
"Parang iba yata ang ang iniisip mo binata? Iniisip mo ba ang nangyari kanina?"
"Hindi po. Ireready ko na ang pana para sa pagsasanay. Nasaan po pala iyong papanahin ko, iyong isda ba?"
"Hindi, pumunta tayo dito sa Lawa dahil kalmado ang hangin at malamig dito. Nakikita mo ang puno ng balete doon?"
"Opo may nakalagay na board sa trunk nito na sa katamtaman lang ang taas."
"Good, lapitan natin. Dito ako nagpapalipas oras noong binata ako. Kapag 2 vs 2 ang laban, heto may instruction. Ito ay maraming circle. Kaya kapag blue, 5-6pts, red 7-8pts, at yellow 9-10 pts. May score naman sa circle kaya walang problema. Kapag black and white, automatic walang puntos. Iba ang instruction ko, hindi gaya sa real archery. Maghanda kana ako ang iyong kalaban.
"Sige po, kahit maliit lang ang experience ko dito, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para manalo ako sa laban po ninyo."
"Dapat matutunan mo ang concentrate. Kung wala iyan hindi mo mapapana ang puso ng mahal mo este ang board sa bulls eye. Ito ay tatlong pana lang at ang pinakamadaming score ay siyang panalo. Kapag mananalo ka dito, uuwi na tayo at pasado ka na sa ikalawang pagsasanay. Kung hindi naman, uulitin natin hanggang sa makuha mo ang pagcoconcentrate."
"Una po ako, Tito Milu."
"Sige."
Unang pumana si Kaylo ngunit galit itong pumana.
"Nice binata pero 5pts. lang. Sige, isa pa!"
"Hmm! Wah!
Parang walang concentrate ang ginawa ni Kaylong pagpana.
"Binata, 6 pts, ano ba yan? Iba iniisip mo binata, hindi ka makakalusot sa pagsasanay na ito kapag ganyan lang ang score mo. Ibanat mo na ang huling pagpana!"
"Hmmph! Waah!"
"No point! Ano ba iyan! Ang score mo ay 11 pts. Hmm, ako naman!"
Sumunod nga si Milu at nakapuntos siya ng 7,7, at 8 kaya 22pts.
"Ano binata? Talo ka, uulitin natin ngunit mag-usap muna tayo."
Nag-usap sila tungkol sa nararamdaman ni Kaylo.
"Galit ka ba sa nangyari kanina?"
"Hindi ko alam kong galit ako o malungkot, pero si Anghelita kasi kanina ang seryo-seryoso na parang galit sa akin. Parang gusto niya ang bisita kaya ginawa niya ang bagay na iyon."
"Huwag mong sabihin iyan binata. Ang joke kasi, minsan talaga totoo o hindi. Mayroon ding hindi nakakatawang joke o nakakatawa tapos sineseryoso na ng iba. Totoo naman iyon kanina pero may oras kasi iyon. Sinabi mong may ano diyan tapos hindi naman totoo. Kaya ngayon, nasaktan ka dahil sineryoso niya, tapos mag-aaway kayo. Eh di kayo nang dalawa ang hindi magkaayos. Gaya kanina nagjoke ka, hindi naman siya natawa. Ang sasabihin ko sa iyo Kaylo ay kilalanin mo siya ng mabuti. Tsaka dapat gumawa ng paraan para humingi ng paumanhin at mapasaya ulit siya. Always think positive. Nangyayari talaga iyan, kung mahal mo talaga siya, huwag mo siyang susukuan, maliban kung sumusuko ka na dahil nagagalit siya sa iyo?"
"No po never. Wala sa bokabularyo ko po iyan."
"Eh yun naman pala eh. Lagi mong iisipin na mahal mo pa rin siya kahit may kasama siyang iba. Walang maiitutulong ang pagseselos mo sa kanya kundi galit lang at lungkot. Huwag kang susuko binata kahit magalit siya sa iyo, handa mo pa rin siyang pasayahin ano pa ang mangyari."
"Opo tatandaan ko po iyan pero, nahihiya tuloy ako sa inyo."
"Bakit naman?"
"Kayo na po ang nag-aadvice sa akin, mismong tatay ng anak ng gusto ko."
"Wala iyon, buti pa nga may nag-aadvice sa iyo. Tatay pa ng gusto mo, may pag-asa ka na nga, sasayangin mo pa."
"Hangga't naaalala ko ang inyong mga sinabi, hindi po ako susuko. Pinalakas niyo po ang aking loob na kahit ano pang hindi magandang pangyayari ay mananatiling masaya pa rin ang pagdating sa huli. Bumalik na ang dating masayang Kaylo, kaya umpisahan na natin ang totoong laban!!!"
"Iyan ang kilala kong Kaylo!"
"Una na po ulit ako sa pagpana!"
Sinimulan ulit ni Kaylo ang pagpana.
"Ah! Focus, Wah!"
"Wow, 10 pts.!"
"Yah! Concentrate!"
"Amazing! 10 pts.! Again, last na lang."
"Eto na ang huli ang mawala ka SELOS!!!"
"Wahhh! 10 pts. Wow! perfect. You got 30 points!!!"
"Yes! Hindi ko iyon magagawa kong wala iyong advice niyo, Salamat po. Kayo naman po."
"Huwag na sana pero susubukan ko."
Si Milu ay umiscore ng 9,10, at 9 points equal to 28pts.
"Masaya pa rin ako dahil nabreak ko ang 23 pts na score ko. Hays, matanda na ako pero nalampasan ko ang score ko noong binata ako. Hehe, but still congratulations! Kaylo. Nalapampasan mo ang ikalawang pagsasanay!"
"Yes! Ang galing ko na palang pumana kapag matututunan ko na ang Focus at Concentrate."
"Ito rin ang tatandaan mo, dapat una kang magfocus sunod ay ang pagconcentrate gaya kanina. Kaya naman maganda ang ipinakita mo kanina binata.
"Opo, ganon pala ang ibig sabihin ng aking ikalawang pagsasanay."
"Tama, kaya ipagbunyi natin ngayon ang iyong tagumpay."
"Oo nga hehe, ang saya dahil nagtagumpay ako."
"Sige, kapag 10:45 A.M. na ay uuwi na tayo. Malalate tayo sa tanghalian kapag malalate din tayong uuwi."
"Sige po."
"Nalampasan ulit ni Kaylo ang ikalawang pagsasanay kaya umuwi itong masayang masaya kasama si Milu."
Nakauwi nga sila ng 12:45 P.M.ng tanghali.
"Nandito na kami anak at nagdala kami ng limang pinya ni Kaylo."
"Kumusta ang iyong pagpana ng wildchicken, Anghelita?" sabi ni Kaylo na parang walang nangyari.
"Masaya naman."
Nakasimangot na sinabi ni Anghelita.
"Alam niyo! Si Liam ay magaling palang pumana. Isang pana lang ay tatlong ulo ng wild chicken ang kanyang napana!" sabi ni Anghelita.
"Wooow! Ang galing naman niya," sabi ni Milu.
Biglang pumasok naman si Kaylo sa eksena.
"Pero, Anghelita..."
Lumapit si Kaylo kay Anghelita at may sinabi.
"Pasensya na kanina ah. Mali ang ginawa ko, sana mapatawad mo ako."
"Pinapatawad na kita, pero huwag mo nang uulitin iyon. Huwag kang mananakot ng ibang tao o mangloloko ng ganyan."
"Oo, hindi na mauulit at alamat Anghelita."
"Ah! Alam ko na! maglalaban kayo mamaya, kahit nalampasan ni Kaylo ang ikalawang pagsasanay, maglalaban kayo ni Liam. Pwede?" tanong ni Milu.
"Iyan din sana ang sasabihin ko itay pero inunahan niyo na ako," sabi ni Anghelita.
"Sige, okey sa akin para maasa pa ang aking pagpapana!"
"Sige game! Mamaya 4:30 P.M. nalang po. Okey lang sa akin!" sabi rin ni Liam.
Naexcite sina Liam at Kaylo dahil sa laban nila mamaya ng pagpana.
Pero biglang umagaw ng eksena si Iryan.
"Iyong promise mo pala kuya Kaylo. Tuturuan niyo po pala akong magluto diba?"
"Ay oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan! Sige, tuturuan kita kung paano magluto ng ginataang manok."
"Sige po kuya."
Tinuruan ni Kaylo si Iryan na magluto ng ginataang wild chicken.
"Ito ang gagawin mo Iryan, kunin mo ang wild chicken at hiwain natin into pieces. Tapos ihahanda ko ang mga ingredients nito tapos sasabihin ko sa iyo kung paano lutuin."
"Okey kuya, imememorize ko lahat para may matutunan ako. Imememorize ko rin ang mga ingredients nito."
"Nagluto sila ng 30 minutes hanggang sila'y nakaluto.
"Wow, ang bilis mong turuan ah."
"Salamat kuya. Hmm, naamoy kong ang bango na."
"Ilalagay ko na sa mesa para mailagay ito sa tamang pwesto."
Ipinwesto na ni Kaylo ang linuto ni Iryan sa kanilang mesa.