KABANATA XV: UNANG PARTE

1509 Words
"Ang Ikalawang Araw ng Pagsasanay at ang Pagseselos" Ito na ang ikalawang pagsasanay ni Kaylo ngayong araw ng June 11, 2019 at ang oras ngayon ay 6:00 a.m. Ito ay mas mahirap na pagsasanay kumpara sa una nitong pagsasanay. Sa araw na ito ay mayroon silang bisita na gustong matuklasan ang ganda sa Balete ngayon lang araw na ito, at iyon ay si Liam na magiging tauhan bilang selosan ni Kaylo kay Anghelita. Magsisimula nga ang kwento rito. "Gising na mga anak at binata Umaga na, halina't kumain ng almusal." Gumising sila tsaka dumeretso sa mesa. Nagpray nga sila at saka kumain ng almusal. Si Liam naman ay pumunta at nakikain ng almusal sa kanila. "Halika Liam, kumain tayo ng almusal," sabi ni Milu. "Wow ang bango po!" sabi naman ni Kaylo. "Ita daquimas at magandang umaga!" sabi ni Liam. "Wow ibang lenggawahe," sabi ni Anghelita. "Magandang umaga, ang sarap ng almusal itay. Uhm..." "Oo, maganda kong na Iryan. Maaga akong gumising para pumitas ng tanim nating talong. Tapos, kumuha akong ng itlog. Iprinito ko para gawing tortang talong. Diba mabango? Oh, tikman niyo." Tinikman nila at nasarapan nga sila sa luto ni Milu na tortang talong. Pagkatapos nilang kumain ay nabusog nanaman silang lahat. Pagkatapos ay nagpahinga sila. Noong tapos na silang makakain at namahinga ay naghanda si Kaylo sa susunod na pagsasanay. Si Anghelita at Iryan ay isinama si Liam sa Bulubundukin ng Balete para pumana ng wild chicken o mountain chicken. "Anak punta na kayo sa Bulubundukin ng Balete para pumana ng wildchicken para sa pananghalian mamaya. Kunin niyo na lang ang mga pana diyan anak, kong gusto niyong isama ang bisita ay okey lang. Basta mag-ingat kayo doon dahil maraming ahas doon ngunit wala pa ngayon. Mag-ingat nalang kayo sa daan. "Opo itay, I obey you," sabi ni Anghelita. "Opo tatay. Love ka namin eh," sabi naman ni Iryan. "Sweet niyo namang dalawa sa iyong tatay. Pero, gusto ko talagang sumama sa inyo. Mahilig ako sa mga ganito. Ang tagal ko nang hindi nakaexperience nito. Sorry first time pala. Haha. Pero gusto ko ng adventure. Puro sky diving kasi na-eexperience ko eh." "Ano iyong sky diving? sabi ni Anghelita. "Masaya iyon. Magdadive ka sa ere." "Paano ka naman makakadive sa ere eh walang tubig?" "Gamit ang helicopter. Ere, hindi tubig. Haha." "Ah! Iyong bakal na lumilipad, nakikita ko lang doon sa taas. Diba mamatay ka kapag tumalon ka doon?" "Hindi basta may parachute. Pagkatapos kong tumalon sa helicopter ay napakahangin kapag bumababa na, tapos kapag malapit na sa ground eh di magpaparachute ako para dahandahan akong bababa." "Wow ang astig. Pwede masubukan iyon?" "Pwede, Anghelita, kaso nandoon sa rooftop ng building iyong helicopter ko." "Di bale nalang, sa ibang oras nalang." "Sige, isasama ko kayo ng tatay mo. Tsaka ang kapatid mo at si Kaylo." "Okey sa tingin ko, masaya iyon," sabi ni Iryan. Nakikita ni Kaylo na nag-uusap sina Anghelita at Liam. Mukhang malungkot si Kaylo habang nakikita niyang sila ay nag-uusap. "Binata, handa ka na ba sa susunod mong pagsasanay? Owww! Nakatulala si Kaylo sa kanila. "Binata. Huy! Bakit yata nakatulala ka doon? Ah! Nagseselos ka no?" "Wala po. Handa na po ako sa susunod na pagsasanay!" "Oh binata. Paetse-etse ka pa eh. Halata naman. May gusto ka ba sa anak ko?" "Ah!" Nagulat si Kaylo sa tanong ni Milu at sa saka agad napatingin si Kaylo kay Anghelita. Sinagot ni Kaylo ang kanyang tanong at hindi ito ni Anghelita at Liam dahil malayo ang kanilang distansya. "Ahm? Ang totoo po ay hindi ko po gusto ang inyong anak dahil mahal ko na siya." "Ah! Iyon naman pala eh. Ano ka ba eh? Ala eh! Kung mahal mo siya eh di sabihin mo na ang iyong nararamdaman mo para sa kanya. Huwag kang torps. Tignan mo, mayroon pa yatang makakakuha ng puso niya, imbes na sa iyo. Payag na sana akong maging jowa ka ng anak ko pero iba na yata gusto." "Talaga po?" "Oo naman, matapos mong iligtas ang buhay niya sa pagkahulog sa puno, doon ko nakita na hero ka para sa kanya." "Huwag po kayong mag-alala, ipapakita ko na mahal ko si Anghelita at ako ang pipiliin niya, hindi ang iba. Pero huwag po muna ito ang gagawin ko sa ngayon, iyong pagsasanay muna." "Ay! Oo mga pala binata, kunin mo na ang pana sa loob. Ito ay kulay bughaw na napakahiwaga." Kinuha ni Kaylo ang pana at nakita niyang ordinaryong pana lang naman ito. "Ordinaryong pana lang naman ang nakikita ko." "Huwag mong tignan, hawakan mo." Hinawaka nga ni Kaylo. Napawow nalang si Kaylo napakaliwanag at sadyang mahiwaga matapos niya itong hawakan. "Wow! Ganito pala kapag hinawakan." Tinignan ang mga pana nila Anghelita at Iryan ay napansin niyang umiiilaw din ng berde at pula. "Binata, ang nakikita ko ay ordinaryong pana lamang. Kapag ikaw na mismo ang nakahawak ay mag-iiba ang anyo niyan diba at ang nakakahawak lang ng pana ang makakakita niyan at sa ibang nakahawak ng mahiwagang pana gaya nina Anghelita at Iryan ngunit si Liam at ako ay hindi namin ito nakikita dahil hindi namin hawak ang mga pana. Gets?" "Opo, kaya pala. Umiilaw rin kina Anghelita at Iryan ngunit walang react si Liam." "Tama, tara na. Pupunta na tayo sa Lawa ng Balete." "Okey po, let's go." "Itay, una na rin kami," sabi ni Anghelita. "Sige anak, mag-iingat kayo. Pupunta na rin kami sa Lawa ng Balete. " "Ingat kayo. guys," sabi ni Liam. "Ingats, punta na kami," sabi rin ni Iryan. "Mag-iingat rin kayo. Liam maraming ahas doon. Hehe," birong sabi ni Kaylo. "Ahas! Takot ako sa ahas!" sigaw ni Liam. "Huwag kang mag-alala, wala pa sa ganitong oras. Kaylo, huwag mong tinatakot ang bisita! Ayaw mo bang maging masaya siya sa pamamasyal niya dito? Tandaan mo bisita ka rin namin." Nakasimangot si Anghelita pagkatapos na ma-offend kay Kaylo. "Sorry, binibiro ko lang siya." "Masaya ba iyon? Diba lalabas lang sila ng takdang oras at hindi pa sa ngayon?" "Oo, pero..." "Ano?! Alis na po kami itay para pumana ng wildchicken!" "Halla! Naoffend na!" sabi ni Milu. "Punta na rin po tayo. Nagbibiro lang naman ako pero sineseryoso na niya. May ahas naman talaga!" "Alam mo na ugali ni Anghelita. Seryoso din siya. Gaya sa pagmamahal, sineseryoso hindi biruan." "Wala pong connect Tito Milu." "Okey binata, punta na tayo." Si Anghelita, Iryan at Liam ay pumunta sa Bulubundukin ng Balete. Sina Kaylo at Milu naman ay pumunta sa Lawa ng Balete. Makalipas ang maramimg minuto ay nakapunta na si Anghelita, Iryan at Liam sa Bulubundukin ng Balete. "Uhm, wow! Napakasariwa ng hangin dito. Ang sarap sigurong mamuhay dito. Madaming mga hayop at puno," sabi ni Liam. Naisip ni Liam na parang mali ang sinasabi ng ibang tao sa lugar na ito. "Masayang mabuhay dito, madami ring pagkain dito. Iyan ang wildberry at duhat. Liam may problema ba?" tanong ni Anghelita. "Wala no, masarap iyan, tikman ko nga. Tinikman ni Liam ang mga prutas. "Yum! Uy! may wild sampaguita, gumamela at ilang-ilang oh." Kinuha ito ni Liam at ginawang Bouquet. "Wow ang ganda naman iyang ginagawa mo" napamanghang sabi ni Anghelita. "Wow, igawan mo rin ako please," sabi rin Iryan. "Wait lang ah, medyo matagal pa. 2 hours niyang ginawa hanggang matapos niya. "Eto na, tapos na. Diyaran! Eto rin para kay Iryan." "Wow ang ganda. Sobra. Tatlong uri ng bulaklak sa iisang hawakan." "Eto rin para sa iyo Anghelita." "Wow! Para akong ikakasal, ang ganda sobra!" Nang matapos igawa sila ni Liam ng Bouquet ay biglang may napansin silang may parang sumusunod sa kanila. "Naririnig niyo iyon?" tanong ni Anghelita. "Oo, parang may sumusunod." "Ate parang si swiper the fox. Ewan ko lang." Hindi nila alam na may kakaibang nilalang na naglalakad-lakad ng ganong oras. "Ano? May swiper dito? Napanood ko na to sa Dora the Explorer ah?" "Mukhang kukunin niya ang Bouquet flowers mo Iryan!" sabi ni Anghelita kay Iryan. Biglang nagteleport ang kakaibang nilalang, pagkatapos lumukso ang squirrel sa mismong kinaroroonan niya na kung saan bigla siyang nawala. "Sabihin nating "Swiper, no Swiper"ng tatlong beses. Teka lang mali! Ang cute ng squirrel," sabi ni Iryan matapos niyang tignan ang gumagalaw na malalaking d**o. "Ang cute!" sigaw ni Liam. "Squirrel lang pala. Uhm, mainit na pala. Tayo na, papana pa tayo ng wild chicken!" sabi ni Anghelita. "Wild chicken, gusto ko iyan." "Iyon ate, tirahin ko na!" "Sige sis, tirahin mo na!" "Pakihawak po muna ang bouquet kuya." "Ako rin Liam para mas maayos akong makapana ng puso mo, este ng wildchicken." "Akin na muna, manonood ako." Pagkatapos non ay itinutok ni Iryan ang pana sa wildchicken at saka itinira niya sa target. Matapos iyon ay napana ni Iryan ang wildchicken. "Yes, I got it ate. Nakaisa na tayo!" "Nice shot kapatid. Ako naman! Yah!" "Nabulls eye ni Anghelita ang ulo ng wildchicken. "Dalawa na!" "Wow ang galing niyong dalawa. Ako naman, ay huwag na pala. Joke lang huwag na." "Subukan mo rin, huwag kang mahiya," sabi ni Anghelita. "Sige na nga." "Hinawakan ni Liam at nagulat siya dahil lumiwanag ang kanyang pana."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD