Dito nga ay sumang-ayon si Hornoyo kay Idran na si Kaylo ang itinakda. "Tama siya, si Kaylo ang itinakda." "What? Nasaan siya ngayon?" "Nagsasanay kasama si Milu," sabi ni Idran." "Hindi ko kilala iyang Milu na iyan, si Pepe at Ismila lang ang kilala ko dito," sabi ni Noven. "Hindi po ako mabibigla ngayon sa inyo tungkol diyan dahil doon kami pumunta ni Kaylo sa bahay ni Pepe na tree house at ikinwento niya rin ang tungkol rin po sa inyo Uncle." "Ano? Ibig sabihin nakwento niya kayo sa akin? Hays, ang tagal ko na kasing hindi pumunta dito, si Pepe ay maliit pa noon." "Hay naku, matanda na rin si Pepe at maraming kayamanan." "Ganon. Pero siguradong ipinasyal niya kayo." "Opo naman, Uncle." "Saan naman?" "Hays Uncle, mahabang istorya, pag-uwi nalang natin, ikwekwento ko lahat." "

