"Ang Huling Pagsasanay at ang Awrang Itim"
Si Liam ay umuwi na sa kanilang lugar.
Habang sina Anghelita, Kaylo, Iryan at Milu ay umuwi nasa bahay ni Milu.
Si Milu ay ngayon ay nagpapanday ng espada dahil ito talaga ang kanyang gawain.
Sinabi niya kay Kaylo na maghanda siya sa huling pagsubok.
Ang espada na gawa sa pinaghalong lapis lazuli, bakal at kaunting silver ay ang gagamiting espada ni Kaylo.
Hindi niya gagamitin ang espada sa pakikipaglaban ngunit gagamitin niya ito para sa pag-improve ng kanyang lakas.
Si Supruneyo naman ay nabagot kaya idinamay niya ang kaniyang kapatid na si Iryan para kontrolin sa pamamagitan ng kwintas ng kasamaan.
Pero natigil ito ni Kaylo at ang awrang itim na galing sa kwintas ng kasamaan na pumasok kay Iryan ay lumabas at bumulong ng parang boses ni Supruneyo.
Pero dito magsisimula ang kwento.
Lumipas ng dalawang oras bago umuwi ni Liam.
Time check: 9:30 A.M.
"Excited na po pala ako sa huling pagsasanay, ano po ba iyon?" tanong ni Kaylo."
"Maghintay ka binata, may gagawin pa ako."
"Ano iyon?"
"Tignan mo, bubuksan ko ang bodega na puno ng sandata. Hindi ko pa pala sinabi na nagpapanday ako ng mga espada at iba pa gamit ang mga mahahalagang bato. Nag-umpisa ako noong namatay ang aking asawa. Akala ko wala ng silbi ang mga iyan ng maisip ko ang Gigamagnet pero nagkamali ako, itong mga bagay na ito ang nagpapalakas sa akin para gumawa pa ng mas marami para maging koleksiyon."
"Wow ang dami naman po."
Hahawakan na sana ni Kaylo pero binawalan siya ni Milu.
"Huwag! baka mag-rust. Mawawala ang mga kislap nila. Parang museum ko ito, huwag dapat hawakan, may sign naman diyan "Huwag hawakan kong ang kamay mo'y marumi."
"Hindi naman po marumi ang aking mga kamay. Nagsabon kaya ako kanina. Hawakan ko na nga..."
Dahil makulit si Kaylo ay gusto pa rin niya itong hawakan.
"Huwag!!!"
"Bakit na naman po?"
"Ang kulit mo naman Kaylo!"
"Malinis po ang kamay ko."
"Hindi, may isa pang sign sa baba "Kahit napakalinis ang kamay ay huwag dapat hawakan. May germ pa iyan kahit nagsabon ka. May 0.1 pang natirang germ, 99.9 percent ang namatay. Sadyang napakahalaga ang kanilang kislap, must only see, not to be touch."
"Ah, paumanhin po, napakasensitive ng mga gamit niyo po dito. Napakaliit lang na germs, may effect na agad. "
"Oo binata kaya follow the rule
Hahaha! Pero huwag kang malungkot may ipapagamit akong espada na 65 kilo mamaya. Iyon ang gagamitin mo sa pagsasanay. Pero bago ang lahat, gagawin ko muna ito. Watch and learn."
Ipinakita niya ang proseso ng paggawa ng espada na may lapis lazuli, bakal at kaunting silver.
Pagkatapos, natapos niya ito at kumikinang ito ng parang bituin.
"Tignan mo binata, nakakaakit na parang bituin ang espada na aking hawak."
"Wow! Ang ganda, ano po ang mga ginamit niyong kasangkapan diyan?"
"Secret!"
"Ano ba naman niyan. Sige na po, sabihin niyo na para malaman ko kung ano ang impormasyon na makukuha ko dito sa espadang ito. Ibibigay niyo rin naman sa akin iyan eh."
"Oo na nga, ang tawag sa kulay asul ay lapis lazuli. Ito maliit lang, ang isa naman na hindi gaanong makinang at kadalasan nagagamit ay ang bakal at ang isa naman ay ginto. Ang huli ay ang kumikinang na silver. Pinaghalo ko lahat ng kasangkapan na ito para makagawa ng espada."
"Mas lalong pang pinakinang ng silver!"
"Tama binata. Pero may kondisyong ako para mapasaiyo ang espada. Eto!"
Inihagis ni Milu ang espada sa labas at nailagay ang talim nito sa lupa.
Ang hawakan nalang ng espada ang nakikita dito.
"Ano po ang ginawa niyo?"
"Inihagis ang espada. Ang lakas ko hindi ba?"
"Hmm. Kaya ko rin iyan at parang alam ko na yata ang gagawin."
"Kaylo, ang huli mong pagsubok ay hugutin ang mabigat na espada pagkatapos gamitin mo ito para magsanay at kung paano mo ito gagamitin sa tamang paraan."
"Sige, basic po!. Heto na ako."
Sinubukang hinugot ni Kaylo ang espada pero hindi niya ito nagawa.
Ginawa niya ito hanggang siya'y napagod.
Hanggang nakalipas na ang dalawang oras ay hindi pa rin niya nahugot.
"Kaya mo pa ba Kaylo?"
"Oo naman po Tito Milu. Pero gutom na ako."
"Hindi ka kakain hangga't hindi mo nahuhugot ang espada. Wahaha!"
"Hayss, ang hirap naman po. Ang bigat, "parang siya, pinili ang iba imbes na ako"
"Non-sense ka din Kaylo."
"Sorry po."
"Hmmm, pinariringgan mo ba ako Kaylo?"
Sinabi ni Anghelita habang naglalaba.
"Ano? Hindi ah!"
"Iryan, hugasan mo na ang pinggang pinagkainan natin kaysa naglalaro ka diyan kasama ang iyong pusa, ang init-init," utos ni Milu.
"Mamaya po, itay. Paliliguan ko muna si kuting."
"Ang tamad naman ni Iryan na maghugas," sabi ni Kaylo habang hinuhugot ang espada.
Narinig nga iyon ni Iryan.
"Kuya! Hindi ako tamad!" malungkot na sabi ni Iryan.
"Kaylo. Hindi siya tamad, paliliguan niya lang ang kanyang pusa at pagkatapos maghuhugas na siya. Ano ka ba?" sabi ni Anghelita.
"Ay sorry hindi pala, mali nasabi ko. Hindi ko kasi narinig iyong pagpapaligo niya ng pusa."
Nagsosorry sana si Kaylo kay Iryan pero.
"Ano sinabi mo kanina kuya tamad ako? It hurts. Huhu."
Hindi niya naituloy ang gagawin niya sana.
Tumakbo si Iryan palayo kaya hindi nasabi ni Kaylo ang kanyang pagsorry.
"Iryan! Hindi mo naiintindihan, halika rito."
"Iryan, halika rito! Sorry!"
Nakalayo na si Iryan at di na narinig dahil sa sobrang bilis na takbo at dahil na rin sa lungkot.
Si Iryan ay nagtago sa malaking puno ng Balete at umiiyak.
"Paumanhin po sa inyo pero kailangan kong humingi ng paumanhin sa anak niyong si Iryan," sabi ni Kaylo.
"Huwag na binata, kami nalang ni Anghelita. Kakausapin namin siya at ipaliwanag ang lahat para malaman niya na magpapatawad ka sana sa kanya kaso tumakbo siya ng mabilis. At isa pa kailangan mong tapusin ang iyong pagsasanay. Kung hindi mo mahuhugot iyan hindi ka magtatagumpay sa iyong huling pagsasanay at ibig sabihin hindi ka magtatagumpay bilang isang itinakda sa pagsasanay."
"Ah! sige po, huhugutin ko po ito hanggang mahugot ko ang espada. Pagkatapos niyo sana pong maliwanagan si Iryan, sabihin niyo rin sa kaniya na gusto ko siyang hingan ng sorry."
"Oo, sana mahugot mo na iyan para pag mahugot mo na iyan may ipapagawa na naman ako sa iyo. Iyon ay ang paggamit niyan para mapalakas ka.
"Opo, Tito. Kaya ko ito."
"Sige alis mo na kami binata. Hali ka na anak hanapin natin ang kapatid mo."
"Sige po itay."
Hinanap nga nila si Iryan.
Sa kabilang banda. Sa aswang territory, natutulog sina Idran at Noven. si Supruneyo ay nababagot na sa kahihintay sa kanilang laban ng itinakda. Imbes na maghintay siya ay gumawa siya ng masama kay Iryan gamit ang kwintas ng kasamaan para maglibang.
"Ang boring naman, hindi na ako masaya sa kahihintay. Grr. Naghihintay nalang ako ng buong magdamag."
"Ganyan naman talaga itay, eh. Ang "pag-ibig ay inaantay hindi minamadali."
"Anak ano connect? Grr."
"Ah, wala itay. Hehe."
"Gagawa kaya ako ng masama. Haha! Grr."
"Ano naman iyon itay?"
"Imbes na maghintay ako dito, gagamitin ko ang kwintas ng kasamaan. Haha!"
"Hindi itay!"
"Ano anak?"
"Hindi ka nagkamali."
"Hmm, gagamitin ko ito sa isang anak ni Milu. Hahaha! ang anak ng nakalaban ko dati."
"Huwag!"
"Ano? Grr."
"Huwag mo nang patagalin."
"Haha! Maglilibang lang ako anak, ang boring."
Ginamit ni Supruneyo ang kwintas ng kasamaan para kontrolin si Iryan.
"Gamit ang kapangyarihan ng kwintas ng kasamaan, gagawin niya akong itim na awra at ako mismo ang kokontrol sa isang anak ni Milu. Hahah! Ang tawag doon ay Dark Fusion. Haha! Grr."
"Huwag mong gagawin itay!"
"Napapansin ko lang anak ah? Kumukontra kana ata?"
"Ang ibig ko pong sabihin itay, huwag niyong gawin ang hindi paglilibang, boring talaga itay."
"Ah! Kung ganon, gagawin ko na ang pagiging awrang itim."
Ginamit ni Supruneyo ang kwintas at naging awrang itim.
"Anak, bantayan mo nang mabuti ang mga bihag. Kung papalpak ka, ikaw ang kokontrolin ko maliwanag ba?"
"Kung ano-ano sinasabi ni itay."
"Puppet daw ako kinokontrol."
"Ano anak?"
"Opo itay," ngiting sabi ni Hornoyo.
Lumabas si Supruneyo bilang awramg itim at pumunta kay Iryan.
Habang si Hornoyo naman ay pinatay ang cctv para kausapin si Idran)
"Idran gising, manananghalian na at may sasabihin ako sa inyo," sabi ni Hornoyo kay Idran.
"Gusyang, ang sarap ng tulog ko. Hays."
"Lumayo ka anak ng halimaw!"
"Heto, nagbago ang plano."
"Anong plano?! sabi ni Noven.
"Huwag kang mag-alala Uncle, mabait siyang aswang."
"Paano ka nakakasiguro, walang mabait na aswang?! Siya ay aswang, katulad siya ng kanyang ama, siya'y ubod ng sama at pangit. Like father like Son kuha mo!"
Kung makapagsalita po kayo, nasasaktan din naman ako eh. May damdamin ako kahit aswang ako. May ginawa na po ba akong masama sa inyo. Binibigyan po kita ng pagkain, ang tatay ko po medyo madamot. Nasaan po ang ebidensiya na masama ako, di niyo pa po ako kilala hinuhusgaan niyo na po akong masama. Magkaiba kami ni itay. Siya'y masama ako ay mabuti. Ganon po iyon."
"Hornoyo, masyado munang ginagalingan baka maging best actor ka niyan. Hays, bes."
"Kung ganon, medyo naguguluhan ako ah! Paumanhin sa mga nasabi ko. Pero matagal na ba kayong magkakilala ni Idran? Bakit may plano-plano eroplano kang sinasabi?"
"Hindi pa po matagal. Tsaka, hindi lang namin sinabi ang una naming plano sa inyo baka maging maingay tayo at magising pa si itay kaya si Idran ko muna sinabi ang plano para tahimik. Dahil ang gusto ko ay matigil na ang kasamaan ni itay at maging payapa na ang lahat."
"Ay oo nga, dahil nga natrauma ako noong dinakip niya ako. Narealise ko na baka mag-iingay lang ako. Pero sa tingin ko ay maganda ang plano."
"Hmm, parang wala ang iyong tatay ha?" sabi ni Idran.
"Kaya nga ginising ko kayo dahil ito na ang pagkakataon para mabago ang plano at mas maganda pa ang bunga nito. Para na rin sa itinakda."
"Sinong itinakda?" tanong ni Noven.
"Ang itinakdang tatalunin ang aking tatay."
"Sino nga?"
"Ang nais ko sana pero inagaw niya," sabi naman ni Idran.
"Ano ba kayong dalawa, sino ang taong tatalo sa pinuno ng Aswang? Hindi ko sinabing ilarawan niyo."
"Hindi po kayo mabibigla ah, si Kaylo po."
Pagkatapos sabihin ni Idran kung sino ang itinakdang tatalo kay Supruneyo ay nagulat si Noven dito.