April Lacsamana Peterson "Hey are you mad at me?" tanong niya habang kumakain kaming dalawa. "Ubusin mo na ang pagkain mo ng makapag-usap na tayo," malamig ko namang tugon agad sa kanya. Gusto ko kasi talagang ipa alam sa kanya na hindi ko na gustuhan ang ginawa niyang pagpapaalis niya sa nurse, baka nakalimutan niyang nurse rin ang asawa niya at bilang isang nurse ay masakit mawalan ng trabaho lalo na kung mahal mo talaga ang propesyon mo. Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya kaya agad niya muna itong sinagot, at base sa pagkikipag-usap niya ay urgent ito at, hindi nga ako nagkamali dahil pagkatapos niyang makipag-usap sa kabilang linya ay agad na itong tumayo sa mula sa kanyang kinauupuan. "I'm sorry, asawa ko, but I really have to go nagkaproblema kasi s

