April Lacsamana Peterson "Anong oras ka ba uuwi mamaya, Mister?" tanong ko habang kumakain kami ng almusal. "Hindi ko pa alam, asawa ko, marami kasi akong meetings today tsaka mag o-overtime ulit ako sa site," tugon naman agad niya. "Sige, basta huwag mong kalimutang kumain mamaya ha?" paalala ko naman sa kanya. "Opo, asawa ko, ikaw din huwag mo ring kalimutang kumain, para may energy ka 'lagi," makahulugang niyang wika sabay kindat. "Jacob Luis!" nandidilat ko suway agad sa kanaya. Walang preno talaga ang bunganga ng lalaking ito, daig pa niya ang babae. "I'm just kidding, sweetheart," bawi naman agad niya. "Gusto ko lang naman kasing makabuo na tayo ng Jacob junior," muling turan niya. Agad naman akong napangiwi sa sinabi niyang 'Jacob Junior' "Junior talaga? Hindi ba pwedeng ib

