Jacob Luis Peterson 6 months later "JL, mag bakasyon ka na muna rito sa amin," wika ni Mommy sa screen ng laptop ko. Nag v-video call kasi kami ngayon. "I still have a lot of workloads, Mom," tugon ko naman agad sa kanya, at dinig na dinig ko agad ang pagbuntong hininga ni Mommy sa kabilang screen. "Anak, na aalagaan mo pa ba ang sarilli mo riyan?" nag-aalalang tanong niya sa akin, at isang matipid na ngiti lamang ang tinugon ko sa kanya. "You look tired and thin, son," dagdag pa niya at naging malungkot na ang boses niya. "I'm fine, Mom," tugon ko na lamang upang hindi na mag-alala sa akin si Mommy. "Si April pa rin ba?" tanong na naman niya sa nag-aalala pa ring boses, at tanging ngiti lamang ulit ang tinugon ko sa kanya. "Anak mag move on ka na, it's been 6 months already," s

