April Lacsamana Peterson Binabagtas ko ngayon ang daan pauwi sa condo ko dito sa korea, kakatapos ko lang kasi sa aking trabaho sa hospital. Nurse pa rin naman ako rito dahil nga tinulungan ako ni Erik na makapasok sa hospital kung saan siya nagtatrabaho. Malaki na ang pinagbago ko mula kung busy ako bilang nurse sa Pinas ay mas domuble pa ang pagiging busy ko rito. Ngunit ayos lang dahil worth it naman dahil malaki ang sahod ko rito malaki na ang naipon at malaki rin ang napapadala kong pera kay Mama sa Pinas. Pina renovate na rin ni Mama ang bahay namin, ako na rin ang nag papaaral sa kambal kong pinsan na sina Jio at Jia dahil nanatili na ang mga ito sa aming bahay. At ikinatuwa ko naman dahil may kasama si Mama sa bahay at least hindi ako nag-aalala sa kanya. "April nandito ka na pa

