CHAPTER 6

1673 Words
April Lacsamana Day off ko ngayong araw at niyaya ulit ako ni Erik na lumabas, hindi kasi natuloy ang lakad namin noong nakaraan dahil sa kagagawan ni Sir JL, at nandito na ako ngayon sa labas ng gate namin upang abangan ang pagdating niya dala-dala kasi nito ang kanyang motor. Best friend ko si Erik mula pagkabata elementary hanggang college ay kasama ko na ito palagi. Ngayon na lang kami nagkahiwalay dahil may mga kanya-kanya na kaming mga trabaho. Ako sa PMH, siya sa Thailand nurse rin siya roon at sa susunod na linggo na ang balik nito. Kaya siguro nag-aya rin siya ngayon dahil gusto ako nitong makasama sa mga huling araw niyang natitira rito sa Pinas. Ilang minuto ko pa siyang hinintay dito sa labas bago ito dumating. “Lacsamana!” tawag agad niya sa akin, sabay abot ng isang helmet. “Taray! May pa motor si Mayor,” buska ko sa kanya, at tinawanan ko pa ito. “Halika ka na, at baka ma traffic pa tayo,” wika na nito at binalewala nito ang pambubuska ko sa kanya. Sinuot ko naman agad ang helmet at saka umangkas sa likuran niya. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa park ng Medical University favorite naming lugar ito ni Erik noon pa man. Noong mga college pa lang kami ay araw-araw talaga kami rito dahil may nililigawan siyang babae rito noon pero sa kasamaang palad ay hindi siya sinagot nito siguro dahil sa estado ng pamumuhay niya. Hindi naman kasi mayaman noon sina Erik ngayon na lang sila nakaahon sa buhay dahil may mga trabaho na silang magkakapatid. “Uy, may naalala ka ba?” tudyo ko sa kanya, pagkababa namin sa motor niya. “Ano naman maalala ko rito?” kunot noo niyang tugon sa akin, at halata sa pagmumukha niya ang inis. “ ‘Yung si—” nabitin ang dapat kong sasabihin dahil maagap nitong tinakpan ang bibig ko. “Ang ingay mo,” inis nitong sabi sa akin at marahas kong tinabig ang kamay niyang pinangtakip sa bibig ko. Agad ko itong sinimangutan at iniwan ko na ito sa aming pwesto upang tungohin ang bakanteng bench upang doon umupo, maya-maya lang sumulpot na rin siya at may dala-dala na itong mga street foods maraming kasing mga booth dito ng mga street at iba’t-ibang pagkain. “Kain na po, kamahalan,” wika nito sabay abot sa akin ng kwek-kwek na nasa plastic cup, agad ko naman itong kinuha at kinain. Tumabi na rin agad ito sa’kin habang kumakain na rin, at tahimik naming pinagmasdan ang kabuuan ng park at ngayon ko lang napansin na mas lumaki pa ito at mas marami pa ang mga paninda rito. “April, kamusta na pala ang pag-iipon mo?” tanong ni Erik na bumasag sa katahimikan naming dalawang. “Nag-iipon pa rin,” malungkot kong tugon, habang tinutusok-tusok ang nag-iisang kwek-kwek na natira sa plastic cup. “Pasensiya ka na April, kung wala akong mapahiram sa’yong pera si Lola kasi pinapagamot din namin, e,” malungkot na tugon naman agad niya sa akin. May cancer din kasi ang Lola nito at siya ang gumastos dito dahil siya na lang ang tanging walang pamilya sa kanilang magkakapatid. “Ayos lang,” mapang-unawang tugon ko naman agad kanya. “Mag jowa ka na lang kasi ng Amerikano, para matapos na ‘yang problem mo,” natatawang sabi nito sa akin. Naalala ko na naman tuloy ang mga ginawa ni Sir JL sa akin no'ng nakaraan. Mapait akong nagpangiti habang nakatingin sa kawalan. Siguro ay hindi pa talaga ito ang tamang panahon para umibig ako. “Uy! Ayos ka lang? Ang lalim naman yata nang iniisip, mo,” untag sa akin ni Erik. “Wala, naalala ko lang si Sir JL,” tugon ko. “Sir JL? Sino siya?” sunod-sunod na tanong naman agad nito sa akin, at bakas sa kanyang pagmumukha ang pagtataka. “Manililigaw ko,” tugon ko, at humagalpak naman agad ito ng tawa. “Ano? Ikaw may manliligaw? Paano nangyari?” sunod-sunod na naman niyang tanong habang tawang-tawa pa rin. “Hoy! Excuse me, Erik maganda kaya ako,” mataray kong sagot, ngunit tanging pagtawa lang ang naging tugon nito. Kaya naman hinampas ko ang kanang braso nito ng ilang beses dahilan para mahulog ang kinakain nitong kwek-kwek. At ako naman ngayon ang tumatawa sa kanya dahil bigla itong sumimangot dahil nahulog ang kwek-kwek niya, benelatan ko pa ito na parang bata. “I thought you don’t have a boyfriend?” Agad naman kaming napalingon ni Erik sa aming likuran upang tignan kung sino ang nagtanong. At ganun na lang ang pagkagulat ko nang si Sir JL ang nakita ko, galit na galit pagmumukha nito at parang papatay ito ng tao. Ang tatalim din ng mga tingin niya sa amin kaya agad kinabahan ako nang sobra-sobra dahil sa reaksyon niya. Bakit ba kasi siya nandito? Is he following me? “You lied to me!” galit nitong wika at hindi na maipinta ang pagmumukha nito. “H—” naputol ang dapat kong sasat dahil biglang sumabat si Erik. “Bakit sino ka ba?” maangas na tanong agad sa kanya ni Erik. “Bakit ikaw sino ka ba? Boyfriend ka ba niya?” sunod-sunod namang tanong ni Sir JL at tinuro pa niya ako, sasagot na ulit sana kaso naunahan na naman ako ni Erik. “Oo, bakit?” Napaawang naman agad labi ko sa tinugon niya. Ang sarap niya lang balibagin ngayon. "Liar!" madiin at pinal na wika naman agad sa akin ni Sir JL at saka na kami nito tinalikuran. Napapikit agad ako ng mariin sa kanyang pag-alis gustong-gusto ko siya habulin at sabihin sa kanya ang totoo. Pero natatakot dahil hindi ko alam kung ano ba ang maari niyang gawin sa’ akin. “Erik bakit ba ganun ang sinagot mo?!” galit kong tanong kay Erik. “Bakit sino ba siya?” takang tanong niya sa akin. “Siya si Sir JL, ang manliligaw ko, at siya rin ang may-ari ng hospital na pinagtatrabahuan ko,” inis kong tugon sa kanya, at ganun na lang ang pagkabigla niya nang marinig niya ang mga sinabi ko. “Erik naman, e. Paano na lang kung tanggalin niya ako sa trabaho ko? Paano ko pa maisasalba ang bahay namin?” naiiyak ko ng mga tanong sa kanya. Kung sakali ngang iyon ang gagawin ni Sir JL sa akin ay wala na akong magagawa dahil siya ang may-ari ng hospital. At kapag mangyari iyon ay hindi ko na alam kung saan kami pupulutin ni Mama. “Nakakainis ka naman, Erik, e.” At hindi ko na napagilang humikbi. “April, sorry hindi ko alam sorry,” hinging patawad naman agad niya sabay yakap sa akin. Namomroblema na nga ako tungkol sa bahay namin ay dinagdagan niya pa talaga, kung nanahimik na lang sana siya e ‘di sana walang naging problema. “April, sorry talaga hindi ko lang din kasi nagustuhan ang pagtingin niya sa’yo kanina kaya ginawa ko iyon,” paliwanag niya, nang kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. “Sana kasi nanahimik ka na lang at ako na lang ang pinasagot mo sa kanya,” sumisinghot-singhot kong tugon. “Tahan na, kung gusto mo kausapin ko na lang siya magpapaliwanag ako sa kanya,” pang-aalo pa nito sa akin, pero hindi ko sinang-ayunan ang huling sinabi niya. “H’wag. Ako na lang ang kakausap sa kaniya,” tugon ko sabay pahid ng mga luha ko. “Sigurado ka? Baka ano pang gawin niya sa’yo ako na lang tutal ako naman ang nagsimula nito e,” pag-aalalang wika niya. “Let me handle this, Erik siguro naman mapapakiusapan ko naman siya,” pinal kong t, at saka ko na ito niyayang umuwi na. Pagdating namin sa bahay ay hindi ko pinahalata kay Mama na nanghihina ako dahil sa nangyari sa park ayoko kasing mag-aalala ito sa akin. Alam ko kasing namomroblema rin ito sa bahay namin kahit hindi man niya sabihin ay nararamdaman ko iyon. “Oh, anak kamusta ang lakas ninyo ni Erik?” nakangiting tugon sa akin ni Mama, nang lumabas ito mula sa kusina. “Ayos lang po, Mama,” nakangiting tugon ko kahit na ang totoo ay umiiyak na ang puso ko. “Akyat muna ako, Ma magpapahinga lang po ako sandali,” paalam ko na lang kay Mama, at isang tango naman agad tinugon nito sa akin. Agad na akong umakyat ng hagdan upang tungohin ang aking kwarto. Pagpasok ko ay pabagsak akong humilata sa kama ko sabay pakawala ng hangin mula sa aking bibig. “Sana lang ay hindi ako tanggalin ni Sir JL sa trabaho,” anas ko sa aking isipan. Minabuti ko na lang bumangon at magpalit. Nang makabihis na ako ay naisipan ko na lang na manuod ng movie ni John Loyd Cruz sa tuwing naiinis at galit kasi ako ay siya ang nagiging stress reliever ko. Kinuha ko na ang flash drive sa drawer ko at kinabit iyon sa likod ng TV, na nandito sa loob ng kwarto ko. Agad ko nang binuksan ang TV, at pumili na agad ako nang movie na mapapanuod, nang makapili na ako ay agad ko nang pinindto ang play button sa remote control, at saka bumalik sa aking kama. *** Malapit ko nang matapos ang movie pero hindi ko alam kung ano ang kabuuan ng kwento dahil hindi maalis-alis sa utak ko si Sir JL at ang pagmumukha niya kanina. Hindi ko lubos akalain na magagalit siya nang ganun nakakatakot pala siyang magalit feeling ko kanina ay papatayin niya na ang best friend ko dahil sa sobrang galit niya. Bakit ba kasi siya nagagalit na lang basta-basta? At dahil hindi naman ako makapagfocus sa aking painapanuod ay minabuti ko na lang itong patayin sayang lang nag kuryente. Humiga na lamang ako sa kama sabay pakawala na ulit ng hangin mula sa aking bibig. “Sana lang ay bigyan ako ng pagkakataon ni Sir JL magpaliwanag bukas,” hiling kong anas sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD