CHAPTER 5

1221 Words
Jacob Luis Peterson Marami pa kaming pinag-usapan ni Levi tungkol sa mga bagay-bagay, at nalaman ko ring half filipina din pala ang fiancee niya at ang gusto ng Ina ng fiancee niya ay dito muna sila unang ikasal sa Pinas bago sa States. At wala namang problema iyon kay Levi dahil lubos niyang nirerespeto ang Ina ng kanyang fiancee at ganun din sa kanyang fiancee. Kahit paulit-ulit pa raw niyang pakasalan ito ay ayos lang dahil mahal na mahal nya ito. Nakakainggit 'di ba? Pagkatapos naming mag inuman ay nagpasya na rin agad kaming magpahinga sa aming mga kwarto may pasok na naman kasi ako ulit bukas at kahit sabado bukas ay may mga meetings pa rin ako. Samantalang si Levi naman ay may aasikasohin sila bukas ng fiancee niya para sa kasal nila. KINABUKASAN, pagising ko ay agad na akong nag shower sa banyo pagkatapos kong gumawi sa banyo ay lumabas na agad ako upang makapagbihis at inayos ko lang sandali ang aking pagmumukha. Because I must be presentable in front of my employees and colleagues. And to earn more respect from them, pagkatapos kong gumawi sa ay agad na rin akong lumabas ng kwarto at bumaba upang tungohin ang dining area. "Good morning po, Sir JL napagtimpla ko na po kayo ng kape, ano po ang gusto ninyong kainin?" bungad agad sa akin ni Maya nang makarating na ako sa dining. "I'm fine with coffee," tipid kong tugon, at agad na ako nito sa dining area. Pagkatapos kong inumin ang kape ko ay agad ko nang nilisan ang mansyon, maaga pa naman pero ayaw kong ma late lalo na't meeting pa iyon and besides hindi ko naman ugaling ma late sa kahit anumang bagay. Minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa PMH, pinark ko lang sandali ang kotse ko sa sarilli kong parking area at saka tuluyang pumasok sa loob kaliwa't kanang bati agad ang naririnig ko mula sa aking mga empleyado at katrabaho at tango lang ang tanging naitutugon ko sa kanilang lahat. Dumeritso na agad ako sa conference room upang simulan na ang meeting. Dalawang meetings ang dinaluhan ko ngayong umaga pagkatapos ay marami pa akong mga pinermahang importanteng papelis galing sa iba't-ibang department ng hospital. Nag-ikot din ako sa buong hospital upang e check ang bawat facility at department ng hospital at dahil na busy ako buong araw ay saglit na nawala sa isipan ko si April, isa pa ay wala naman siya rito sa hospital dahil day off niya ngayong araw. Pagkatapos kong mag-ikot ay bumalik na ulit ako sa aking opisina at dama ko agad ang pagod sa buong araw agad akong umupo sa swivel chair at hinilot-hilot ang aking noo. Maya-maya lang ay may kumatok sa pintuan ng aking office at agad ko naman itong pinahintulutang pumasok ang kung sinumang kumakatok, agad naman itong bumukas at si Lia ang iniluwa roon. "Sir pasensiya na po sa disturbo, gusto ko lang po sanang ibigay ito sa inyo," hinging tawad agad niya sabay abot ng isang folder sa akin. "What is this?" takang tanong ko naman agad sabay kuha ng folder sa kanya. "Nag email po sa akin si Mr. Luisito, Sir at ang sabi niya po ay kailangang niyo raw po iyang ibigay sa Ninong Vicente ninyo," paliwanag niya sa akin. "Okay fine, you may leave now," tugon at agad ko na itong pinalabas sa aking office. Vicente Lim is my godfather he's the owner of the famous Medical school here in the Philippines and he's also my Dad's best friend. Pumakawala muna ako ng buntong hininga saka tuluyang lumabas sa aking office. "Lia, may meeting pa ba ako this afternoon?" tanong ko agad kay Lia pagkalabas ko. "Yes, Sir may isang meeting pa po kayo," tugon naman agad niya. "Cancel it," pinal kong wika at saka na ako umalis. Gusto ko na kasing magpahinga pagkatapos kong ibigay ang folder kay Ninong Kinuha ko ang kotse ko sa parking space ko at saka tinungo ang Medical University minuto ang lumipas ay narating ko na ito kaya tinungo ko na agad ang office ni Ninong Vicente upang maibigay na sa kanya ang folder. Agad na akong kumatok sa pintuan ng office niya nang marating ko na ito at sa ikatlong katok ko ay pinagbuksan na rin ako. "Hi, Mr. Peterson, ano po bang kailangan nila?" malanding bungad agad sa akin ng sekretary ni Ninong. Agad ko itong sinamaan ng tingin dahil sa kalandian nitong taglay. As if naman magugustuhan ko siya. "Is my Ninong here?" malamig kong tanong sa kanya. "Wala pa siya rito may nilakad pa kasi siya, kung gusto mo hintayin na lang natin siya rito," malanding turan ulit nito sa akin. "Huwag na pakibigay na lang ito sa kanya," tugon ko sabay bigay ng folder sa kanya at saka ko na 'tong tinalikuran. Bumubukal na kasi ang dugo ko sa kanya at baka hindi ko matantya ang kalandian niya kaya bago ko pa makalimutang babae siya ay iniwan ko na agad ito. Paglabas ko ng Universtiy ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan nito. Napakalaki nito at napakalinis halatang inaalagaan talaga may park din dito at open ito sa lahat ng mga tao. Maraming paninda at malawak ang lugar at maraming tao ngayon dito dahil nga sabado. Nang mapalingon ako sa kanang bahagi ay may nakita akong dalawang tao na nakaupo sa may bench isang babae at isang lalaki at mukhang pamilyar sa akin ang babae. If I'm not mistaken she's April. Umilang hakbang agad ako upang makalapit ng konti sa kanila at paglingon ng babae sa kanyang katabi ay na kompirma ko ngang si April ang babae. Agad namang sumiklab ang galit sa aking puso nang makita kong sobrang sweet ni April sa kanyang kasamang lalaki, agad kong naiyukom ang kanang kamay ko dahil sa galit na aking nararamdam. Akala ko hindi siya pwedeng mag boyfriend? But now here she is flirting with another man, malalaking hakbang agad ang ginawa ko papunta sa pwesto nila. "I thought you don't have a boyfriend?" tanong ko agad. Agad nama nila akong nilingon at ganun na lang pagkagulat ni April nang makita niya ako. Agad siyang namutla at parang nabuhusan nang malamig na tubig halatang guilty siya. "You lied to me!" galit kong wika sa kanya. "H—" naputol ang dapat niyang sasabihin dahil sumabat ang kasama niyang lalaki. "Bakit sino ka ba?" maangas na tanong sa akin ng lalaki. "Bakit ikaw sino ka ba? Boyfriend ka ba niya?" magkakasunod kong tanong at tinuro ko pa si April "Oo, bakit?" Mas lalo lang tumindi ang galit sa aking puso. Gustong- gusto kong bugbugin ngayon ang boyfriend ni April pero ayoko namang mag eskandalo rito at ayokong matakot o, magalit sa akin si April. "Liar!" madiin kong wika kay April, at saka ko na sila tinalikuran. Malalaking hakbang muli ang ginawa patungo sa kotse ko. Naghintay akong habulin niya ako pero hindi 'yon nangyari at isa lang ang ibig sabihin nun, totoong boyfriend niya ang gagong kasama niya. "April is mine, and I wont let anyone take her away from me!" galit kong anas sa aking isipan, nang makapasok na ako sa loob ng aking kotse. Hindi pwedeng mapunta si April sa iba. And I will do everything just to make her mine. Dahil ang kay Jacob Luis ay kay Jacob Luis lang dapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD