CHAPTER 4

1632 Words
Jacob Luis Peterson Damn! Ano pa ba gustong niyang gawin ko? Hindi pa ba sapat 'tong pina set up ko sa kanya? What does she really wants? Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga katanungang nabuo sa isipan ko. Damn that love! At dahil wala na rin naman akong gagawin dito ay minabuti ko na lang na umalis mabuti pa sigurong magpahinga na lang ako kesa sa manatili ako sa lugar na iyon. Sayang lang ang effort ko, kung kailan nagseseryoso na yung tao, e. Mabilis kong pinaharurot ang aking kotse pauwi sa mansyon kaya makalipas lang ang sampung minuto ay narating ko na ang mansyon, pinark ko lang sandali ang kotse ko sa garahe saka tuluyang pumasok sa loob ng mansyon. "Good afternoon po, Sir Jacob may bisita po kayo," bungad agad sa akin ni Maya, isa sa mga kasambahay ko rito sa mansyon. "Who?" takang tanong ko, habang nakakunot ang aking noo. Wala naman kasi akong inaasahang bisita ngayon isa pa ay wala akong ganang tumanggap ngayon ng bisita dahil na b-bwesit ako. "Si Sir Levi po, Sir Jacob," magalang na tugon naman agad sa akin ni Maya. Levi is my cousin he was born at raise in States too but, like me he's half filipino too, at marunong din siyang mag tagalog. Kilala na rin siya ng mga kawaksi ko rito sa bahay dahil sa tuwing uuwi siya galing States ay dito siya tumutuloy sa mansyon ko palibhasa kuripot. "Where is he?" tanong ko kay Maya. "Nasa pool area po siya, Sir nag s-swimming," tugon naman agad ni Maya. Agad kong tinungo ang pool area ng bahay ko at ang sarap lang niya hiwain ngayon kung makapag swimming kasi sa bahay ko ay bahay niya rin. I clear my throat and crossed my arms while looking at him. "Hoy tama na 'yan!" sigaw ko sa kanya, at agad naman itong napalingon sa gawi ko. "Oh, hello my dear cousin," nakangiting bati nito sabay ahon mula sa pool. "Dear cousin, your butt!" asik ko sa kanya, at agad ko na itong tinalikuran. "Hey, Jacob Luis, what's wrong with you? Tigang ka ba?" sunod-sunod pa nitong tanong sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin bagkus ay dumeritso na ako sa taas upang tungohin ang aking kwarto. Pagpasok ko sa aking silid ay humilata agad ako sa kama at pinikit ang aking mga mata mukhang sasakit pa yata ang ulo ko ngayon, siguro dahil sa puyat idagdag mo pang nabigo na naman ako ngayon. Ngunit ganun na lang gulat ko nang biglang bumukas ang pintuan at si Levi ang iniluwa roon. "G*go, hindi ka ba marunong kumatok?!" galit kong tanong sa kanya. "C'mon, JL parang hindi ka pa nasanay sa akin," preskong tugon pa nito, kaya ko itong binato ng unan. "Get the hell out of here, I'm not in a mood!" galit kong wika sa kanya, pero tinawanan lang niya ako. "What's wrong with you, man? Bakit ang init-init ng ulo mo? May nangyari ba sa PMH?" sunod-sunod nitong tanong. "Wala!" madiin at pasigaw kong tugon sa kanya. I'm not really in a mood right now. "I know you, brother hindi ka magkakaganyan kung wala kang problema." Damn! Bakit ba ng kulit nang isang tao. "I'm just not in a mood right now, let me rest first," malamig kong tugon sa kanya. "Fine mamaya na tayo na mag-usap, banlaw lang ako sa kabilang kwarto." Tinanguan ko naman agad ito saka tuluyang lumabas sa aking silid buti na lang at hindi niya na ako kinulit pa. *** Nagising ako dahil sa ingay na aking naririnig mula sa aking work room, I think someone is playing my xbox nasa loob din kasi ng work room ko ang xbox ko. Bumangon na lamang ako kahit na gustong-gusto ko pang matulog nagpalit lang ako sandali at saka pumasok sa aking work room extension lang naman kasi ito ng kwarto ko. Pagpasok ko ay nadatnan kong si Levi ang naglalaro kaya agad ko itong pinatay ang Tv, ko para putolin ang kailgayahan niya ang ingay-ingay kasi ng bunganga tapos ang lakas pa ng volume ng TV. "The heck!" "The heck you too, aren't you aware that I'm sleeping?" aburido kong tanong sa kanya. "Alam mo, man kanina ko pa napapansin na aburido ka, e. Ang saya-saya kong nagpunta rito pero madadatnan kitang ganyan?!" kompronta nito sa akin. I sigh. " It's, April," sabi ko na kinanuot naman agad ng noo niya. "Who is she your new toy?" takang tanong nito sa akin. "G*go hindi. Iba siya," tugon ko at hininaan ko ang boses ko sa huling sinabi ko. "Iba? What do you mean by that? Saan ka ba niya dinala?" Sa sobrang inis ko sa kanya ay nabato ko ito ng remote control nasa tabi niya lang kasi ito. "Aray!" daing agad niya habang hinimas-himas ang kanyang ulo 'yon kasi ang talagang tinamaan ko. "Kahit kelan brutal ka talaga! Sino ba kasi iyang si April na iyan?!" iritado nitong tanong sa akin at panay pa rin ang himas nito sa kanyang ulo. "Badtrip ka naman, Jacob, e. May good news pa naman sana ako sa'yo," galit nitong turan sa akin sabay labas sa aking work room at malakas pa nitong sinara ang pintuan ko. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa kanya. I have never been irritated like this. Ngayon lang talaga iba yata epekto sa akin ni nurse April. Damn! KINAGABIHAN, nagising na lang ulit ako dahil sa ulan hindi ko man lang na namalayang nakatulog pala ako rito sa sofa ng work place ko. Agad na akong bumangon mula sa sofa at lumabas sa isang pintuan ako lumabas para deritso sa labas dalawa kasi ang pintuan ng work room ko ang ay deritso rito sa labas at ang isa ay dertiso naman sa aking kwarto. Paglabas ko ay bumaba na agad ako at dumeritso sa kusina nadatnan ko namang nag t-table setting na si Maya. "Magandang gabi po, Sir Jacob gusto niyo na po bang kumain? Ipaghahanda ko na po kayo," magalang na tanong nito sa akin. "I'm full," tipid kong tugon agad. "By the way where is Levi?" tanong ko na lang sa kanya. Hindi ko kasi nakita ang anino nito. "What do you want?" supladong tanong naman nito sa akin mula sa aking likuran. Kahit hindi ko na kasi itong lingunin ay kilalang-kilala ko na ang boses nito. "Nothing, hinanap lang kita baka kasi may nangyari na sa'yo at ako pa ang masisi," malamig kong tugon agad sa kanya. "The f*ck!" mura naman agad niya, na ikinatawa ko naman agad. "And now you're laughing at me? Ano ka bipolar?" pang-aasar nitong tanong sa akin, at agad ko naman itong sinamaan ng tingin. "Inom tayo sa labas," aya nito sa akin. "Ayoko baka magalit siya," malungkot kong tugon. "Sino si, Tita Wendy?" natatawang tanong nito sa akin. "Ang gago mo talagang kausap. P*ta ka!" mura ko sa kanya, at tinalikuran ko na agad ito. "Hey, JL! Relax lang fine hindi na tayo lalabas, but can we drink just here?" pigil naman agad nito sa akin, at pumayag na lang din ako sa kagustuhan niya. Agad naman itong lumabas ng bahay at pagbalik nito ay may dala-dala na itong supot at sigurado akong mga beer ang laman nun. "Banatan na natin 'to!" Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Hindi na, naawa sa atay niya. Dito kami sa pool area pumwesto para mahangin at para walang maiiwang kalat sa loob ng bahay ko, tutal ay tumila na rin naman ang ulan at hindi naman basa rito sa pwesto namin. Pagkalapag ni Levi ng supot sa center table ay kumuha agad siya ng dalawa at binuksan niya ito gamit ang ngipin niya at saka binigay sa akin ang isang bote. "Let's celebrate, man because I'm getting married soon!" Agad ko namang nabuga ang beer mula sa bunganga ko at natamaan pa siya. "The f*ck, Jacob Luis," nandidiring singhal agad nito sa akin. "Sorry, sorry," hingi ko naman agad ng tawad sa kanya habang natatawa ako. Hindi ko lang kasi inexpect na ikakasal na si Levi parehas lang kami ng ugali, alaskador, manloloko, paasa at higit sa lahat ay langit lang sa kama ang tanging habol sa mga babae. But now he's getting married. "Really, man? Ano ka nakulam?" natatawang tanong ko sa kanya. "No, man I'm serious I'm getting married with Amy," seryosong tugon nito sabay upo sa couch, kaya umupo na lang din ako sa kabilang couch. "Really, man? Well, I'm happy for you then," nakangiting wika ko naman agad sa kanya, at tinapik io pa ang kaliwang braso niya. "Buti ka pa ikakasal na, samantalang ako ito hindi man lang mapansin-pansin ng babaeng mahal ko," malungkot kong wika. "Let me guess? Ito yung April na sinasabi mo kanina, no?" pangungumpirmang tanong nito sa akin, at isang tango naman agad ang tinugon ko sa kanya. "I've been there, man nahirapan din ako noon kay Amy pero hindi ako sumuko. All you need is time, man, believe me bibigay din si April," payo pa nito sa akin. I sighed. "I hope so," malungkot kong tugon sa kanya. "Basta, man kapag napa oo mo na siya huwag mo nang pakawalan pa, pakasalan mo na rin agad tulad nang ginawa ko kay Amy," proud pa nitong sabi. "Loko! E, paano kung ayaw niya pa 'di ba? Alangan namang pilitin ko siya," natatawang tugon ko sa kanya. "As you always say, JL walang makakahindi sa isang tulad mo," paalala pa nito sa akin. Levi is right pero iba rin kasi si April. Kung ngayon pa nga lang nirereject niya na ako. Ano pa kaya kung ayain ko na talaga siyang magpakasal? Bakit ba kasi ayaw niya sa akin? Why can't she just say yes to me easily? Damn! Ganito ba talaga ang tinatawag nilang true love?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD