CHAPTER 3: Special

2726 Words
Jacob Luis Peterson When I went back at the hospital last night I gave an order to my secretary and to all my security guards. That April is not allowed to work tommorow. Kailangan nilang harangan si April sa labas pa lamang ng gate para, hindi na ito makapasok sa loob ng hospital. Kung sino man ang lalabag sa batas ko ay ipatatanggal ko sa serbisyo. Tinawagan ko rin ang mga tauhan ko na kunin nila bukas si April sa labas ng hospital at isakay sa puting van. Parang kidnapping ang dating pero hindi naman 'yon ang talagang gagawin ko. I also called my friend in Antipolo to set a special spot and a special set up for my April. Gusto ko siyang I surprise gusto kong mas ma impress pa siya sa'kin. Para mabigyan niya na ako ng chance na ligawan siya. When everything was settled, saka lang din ako nagpahinga. I really can't wait for my April's reaction for tomorrow. I hope magustohan niya na ang gagawin ko bukas. Kinabukasan alas sais pa lang nang umaga ay nagising na ako. Agad kong tinawagan ang kaibigan ko sa Antipolo na si Vera. [Hello Vera, good morning. Okay na ba ang pinagawa ko sa'yo?] [Yes Peterson, for sure you and your lady will love this spot] Napangiti naman ako sa sinabi ni Vera. Vera is a good friend of mine at isa siyang manager sa isang hotel sa Antipolo. Kaya siya na rin ang pinahanap ko ng magandang spot do'n. And Vera was the only person who called me by my last name. [Alright thanks, Vera, the best ka talaga] [No worries, Peterson] After Vera's response I dropped the call at agad na akong naligo pagkatapos ay nagbihis. Dadaan ulit ako sa happy flower shop. Gusto kong bigyan ulit ng bulaklak ang binibini ko. Nagbreakfast muna ako, para mamaya ay may energy ako para pasayahin ang binibini ko. At habang kumakain ako ay tinawagan ko rin ang isa sa mga tauhan ko na susundo mamaya kay April sa hospital. [Hello? Be ready before an hour] [Copy boss] [Good, don't do anything harm to her later or else I will burn you alive!] [Don't worry boss, hindi po namin 'yon gagawin kay Ms April] [Dapat lang] Pagkatapos kong sabihin 'yon sa tauhan ko ay pinatay ko na ang phone ko. Huwag na huwag silang magkamaling saktan mamaya ang binibini ko. Sisiguradohin kong susunogin ko silang lahat ng buhay. I became brutal and I turned into evil when it comes to someone that I loved and to someone who matters to me the most. Kaya kahit masama pa ang pumatay ay gagawin ko pa rin. Huwag lang masaktan ulit ang mahal ko. Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umalis. When I checked the time to my phone. It's already 6:30 in the morning at sarado pa ang Happy flower shop ng ganitong oras. Kaya magiikot-ikot na muna ako para malibang muna ako. I'm so excited I will make this day a special day for my April. When the time already sets at seven o'clock. Ay agad na akong pumunta sa Happy flower shop. I ordered another boquet of red tulips and dozen of red roses. I want her to feel that she's special in every way. Ilang minuto lang ay tapos na rin ako sa pagbili ng bulaklak. Kaya agad na akong umalis at makalipas lang 30 minutes ay nasa Antipolo na ako. Vera sent me earlier the spot where she sets everything. Tama siya ang ganda nga rito sa spot na napili niya. You can see a beautiful view from where I am standing right now, this is a breath taking view. You can see blue clear sky from above and the green nature all over the place. Agad akong pumunta sa gitna at sinimulan ko na ang pagkalat ng petals ng roses. Pabilog ang pagkalat na ginawa ko. I really can't imagine my April's reaction when she get here later. There's also a table for two at the left side, at sa spot na 'yon ay mas matatanaw mo pa ang magagandang tanawin. Vera also set up two speakers in the middle. Pero hindi ko alam anong musika ang tutugtog do'n mamaya. My heart is beating so fast right now. Ganito pala ang feeling ng inlove? It's weird but it's the best feeling ever. Pagkatapos kong ikalat ang mga petals ay kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. Then I dialed Vera's number. [Hello Vera? You're the best as ever, thanks to this] [Welcome Peterson, ingat ha? Baka sa sobrang pagkamangha mo d'yan mamaya sa view e d'yan ka pa makakagawa ng bata] Natatawang saad ni Vera sa kabilang linya at maging ako ay natawa rin sa sinabi niya. She knows me so well. [Crazy! I won't to do that I respect April as much as I respect my mom, and as much as I respect you too] [Aba! Si Peterson ba nasaan? Mukhang wrong number yata ang tumawag sa'kin a] Natawa na lang ulit ako sa sinagot ni Vera. Alam kasi niyang hindi pa ako nagkaroon ng seryosong relasyon at ngayon ko lang nasabi ang mga katagang 'yon sa kanya. And it surprise me too. Iba pala talaga ang nagagawa ng love. [This is still Peterson in his best version] [Love really sucks you pervert] [Hey! Don't call me that again, I swear from now on, hindi na ako magiging pervert] [Okay fine Peterson, sige na I gotta go] [Alright thanks again for this Vera] After I called Vera ay tinignan ko muna ang wrist watch ko to check the time. It's already 7:05, and I'm not sure if my April already arrived at the hospital. Kaya tinext ko na lamang ang isa sa mga tauhan ko. [Just wait for April outside the hospital, at pag nakita niyo na siya kunin niyo siya agad. Just don't do anything harm to her!] *** April Lacsamana It's already 7:00 in the morning at nakasakay na ako ngayon sa jeep. At ilang minuto lang ay nakarating na rin ako ng hospital. "Nurse April bawal po kayong pumasok ngayon." Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi ni manong guard sa'kin. Hindi ko pa naman day off, at kahit day off ko pa ay malaya pa rin naman akong makapasok dito sa PMH. "Po? Pero kuya guard hindi ko pa po day off ngayon," tugon ko. "Kahit na po, nurse April," saad pa ulit ng guard. Pero hindi ko na nagawang sagotin pa si manong guard dahil may biglang tumakip ng bibig ko at kinarga ako sa kung saang silid. Nagpumiglas ako pero hindi man lang ako tinulungan ni Kuya Guard. Nang makapasok ako sa isang silid ay saka ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng kotse. At maraming lalaki ang nakapalligid sa'kin. "Anong gagawin niyo sa'kin? Sinu-sino kayo?" sunod-sunod kong tanong pero ni isa sa kanila ay walang nag abalang sagotin ako. Mukhang tanga tuloy ako rito. "Hoy! Sagotin ninyo ako, sino kayo? Sino nag utos sa inyo na gawin 'to sa'kin?" tanong ko pa ulit pero hindi pa rin talaga sila sumasagot. Maya-maya pa ay mas bumibilis na ang takbo ng kotse. At mas trumiple ang kabang naramdaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ako nanginginig na ako pero hindi naman ako umiiyak. Gusto kong tawagan si Mama at ang mga best friends ko. Ngunit hindi ko kayang igalaw ang mga kamay ko. Natatakot ako sa maaring mangyari sa'kin 'pag gumalaw ako. Lord help! Naipikit ko na lamang ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga 'to pero sana naman huwag nila akong saktan at pagsamantalahan. Dahil hindi ko ko 'yon kakayanin pag nagkataon. Maya-maya lang ay naramdaman kong huminto ang kotse. Hala! Dito na ba nila gagawin ang totoong pakay nila sa'kin? Jusko, jusko! Binuksan nila ang pintuan ng kotse at inalalayan nila ako pababa. Hawak-hawak ng dalawang barako ang magkabilang braso ko, habang naglalakad kami. Pero hindi naman mahigpit at lalong hindi masakit ang pagkakahawak nila sa braso ko. Nagtaka tuloy ako kung ano ba talaga ang gagawin nila sa'kin. "Ano ba bitawan niyo ako!" Nagpupumiglas ako. Chance ko na itong tumakas, mabilis naman akong tumakbo. Ngunit napahinto ako nang makita ko ang napakagandang tanawin. Nakakagaan sa pakiramdam at ang ganda sa mata. Ang gandang manatili sa lugar na 'to. "You like it?" tanong sa'kin ni Sir JL. Natutop ang bibig ko nang makita ko siya at may dala-dala na naman siyang boquet of red tulips. So ibig sabihin pakulo niya 'to? "Sir JL, ano pong ginagawa ninyo rito?" tanong ko. "Nurse April sorry kung sa ganitong paraan kita kinuha, hindi ko kasi alam kung pa'no ka ligawan e," saad niya. Pambihira! Palibhasa hindi nito alam kung ga'no kalaki ang problem ko. Kahit kelan nakakainis talaga 'tong si Sir JL. "Sir JL babalik na po ako ng hospital, may trabaho po kasi ro'n," saad ko pero agad naman akong nilapitan ni Sir JL at isa lang talaga ang masasabi ko sa lalaking 'to. Ang gwapo! "Hindi pwede nurse April," seryosong tugon niya. Lintek! "Sir marami pa po akong mga bayarin, kaya kung pwede lang po babalik na ako sa hospital." Agad na akong humakbang pero, agad naman niyang hinawakan ang kaliwang braso ko. Nagtitimpi na lang talaga ako sa lalaking 'to. "Babayaran kita ng triple. Just please spend the rest of your day today," Nababaliw na ba siya? Parang ginawa naman niya 'ata akong prostitute nito. Bwesit! "Sir pasensiya na po kayo ha? Pero parang ginawa niyo naman po akong prostitute n'yan, kaya ko pong magtrabaho," inis kong tugon sa kanya. Nakakainis sinira niya na naman ang araw ko. Agad na akong humakbang pero sadyang mabilis talaga ang gwapong mukong. Dahil agad niya ako hinarangan at muli niya akong hinawakan sa kaliwang braso ko. "Hindi sa ganun nurse April. I just want to you to spend your day with me, please?" Nagpacute pa talaga siya. "Tsaka sige ka, pag umalis ka ngayon mapapagod ka lang din kasi, walang maghahatid sa'yo sa hospital. Wala pa namang dumadaang mga sasakyan dito," dagdag pa niya at ako pa talaga tinakot niya. E sanay na sanay kaya akong maglakad. "Sir baka nakalimutan niyo long may mga paa ako? Kaya kayang-kaya ko pong maglakad," inis kong tugon sa kanya. "Then use your feet for a dance." At bago pa ako makasagot ay mabilis niya ng hinila ang kamay ko. At iglap lang ay nasa gitna na kami at may mga petals of roses na nakapalibot sa kinatatayuan namin. He tightly hold my waist and he pulled me closer to him, at nilagay niyang ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya. Napalunok naman ako sa ginawa niya at sobrang bilis na ng t***k ng puso ko, maya-maya pa ay may tumutogtug ng instrumental love song mula sa speaker. Then we started to dance. Napatingin ako sa mukha ni Sir JL, at talagang napakagwapo niya sa malapitan. He eyes are almond he also had a long and curved eye lashes. Ang ganda rin ng mga kilay niya pati ang matangos niyang ilong at mapupula niyang labi. Ngayon ko lang din napansin na may adams apple pala siya. He's staring at me and the way he stared at me it feels like I'm the most beautiful lady on earth. Ang titig niyang hindi nakakatakot o nakakainis, ang sarap niyang tumititig. Tila ba pinag-aaralan niya ang bawat parte ng katawan ko. Ayoko ng ganito pero huli na ang lahat. Dahil kaharap ko na si Sir JL at kasayaw ko pa. I want to live like this forever and to live with this handsome billionaire. "April may sasabihin ako sayo," malambing niyang saad. Mas lalo lang tuloy siyang pumogi sa paningin ko. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya, yumuko na lamang ako. "Ano?" tanong ko habang nakayuko. "Ang ganda-ganda mo," nakangiting saad niya. "Alam ko," pabulong kong sagot. "What?" tanong pa niya at agad kong iniangat ang tingin ko sa kanya. "Wala, sabi ko, nagugutom na ako," kunwaring tugon ko. Agad naman niyang binitawan ang bewang ko. "Okay, let's eat then," nakangiting wika naman niya at tinungo na namin ang mesa at pinaghila niya ako ng upuan. And the view over here really amazed me. This is the safest and happiest place for me. Nakatayo pa rin si Sir JL sa harapan ko at lumunok pa siya sa harapan ko, pagkatapos ay napatingin siya sa damuhan. At nagulat na lang ako ng iniluhod niya kaliwang paa niya sa damuhan. Napahawak agad ako sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig nito. Ano bang gagawin ni Sir JL? Sinundan ko ang tingin niya at pucha nag-ayos lang pala siya ng shoelace niya. The heck! Nag assume ako masyado sa part na 'yon. Jusko nakakahiya. Nang makaupo na si Sir JL sa kabilang upuan ay nilagay niya muna sa side ng table ang flowers na binigay niya sa'kin. At agad namang dumating ang pagkain nakapag order na pala siya. Pagdating ng pagkain ay agad na kaming kumain. At tahimik lang kami parehas, habang kumakain pero nararamdaman ko ang madalas niyang pagititig sa'kin. Nahiya tuloy akong kumain, kaya dinahan-dahan ko naman ang bawat pagsubo ko ng pagkain. Kahit na ang totoo ay gutom na gutom na talaga ako. Minuto ang lumipas ay tapos na rin kami. "April?" malambing niyang tawag. "Bakit, Sir?" tugon ko. "I like you," seryosong saad niya. Na ikinapula ko naman agad. At bago pa mapunta sa kung saan ang usapan namin ay iniba ko na agad ang topic. "Sir JL, bakit ako po ang na gustohan ninyo? E hindi naman po ko mayaman at hindi po kilala ang pamilya ko." Agad na akong tumayo mula sa upuan. Tama na ang ilang minutong magkasama kami, hindi na pwedeng mas tumagal pa do'n. Dahil baka tuluyan na akong bumigay. Pero mabilis din siyang tumayo mula sa upuan niya at lumapit sa'kin. "April, wala akong pakialam sa estado ng buhay mo, dahil hindi naman 'yon ang nagustohan ko. Kundi ikaw mismo ang nagustohan ko." Nagdiwang ang puso ko sa sinagot niya, bihira na lang ang tulad na Sir JL. Kaya ang swerte ng babaeng mamahalin niya pag nagkataon. "Hindi po kita gusto, Sir JL." That's only way I know para tigilan niya na lang ako. Kahit na ang totoo gustong-gusto ko ang pinaparamdam niya sa'kin. Ang hirap magpigil pagdating sa pag-ibig. Nakakalungkot man pero kailangan ko itong gawin. I need to save our house than to entertain Sir JL. Hangga't kaya ko isasakripisyo ko ang puso ko. "You're lying," tugon sa'kin ni Sir JL at lumapit pa siya sa'kin. "Totoo po ang sinasabi ko," saad ko ulit sabay yuko pero hinawakan niya ang baba ko at iniangat niya ang mukha ko at nagtama na naman ang mga paningin namin. "Really? Pero bakit parang iba naman yata ang sinasabi ng mga mata mo? Your eyes can tell that you liked me too April. So please don't deny it," s**t! Eyes never lied nga talaga. Pero hindi niya kasi ako naiintindihan. "April, just let me in to your life, promise I will love for the rest of my life." I'm not worthy of his love. Masasayang lang ang lahat ng effort at oras niya sa'kin. Pag pinagpatuloy niya pa ang panililigaw sa'kin. I sighed. "Sir JL, hindi po ako interesado sa inyo, at higit po sa lahat hindi ako interesado ang usaping love life." Agad ko na siyang nilagpasan bago pa tuluyang tumulo ang luha ko. At ayokong makita niya 'yon. "Okay if that's what you really want April. I respect that," seryoso niyang tugon at narinig ko na lang na may tinawagan siya sa kanyang cellphone. At maya-maya pa ay may dumating ng kotse harapan ko at pinasakay na agad ako ro'n ng driver. "Ma'am tayo na po?" tanong sa'kin ng driver at isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko. "Take care always nurse April," wika muli sa'kin ni Sir JL pero hindi na ako nag abala pang sumagot o lingonin man lang siya. Dahil alam kong uurong lang ang puso ko at ayokong masira ang plano ko. Kaya agad na lang akong pumasok sa kotse at habang binabagtas namin ang daan pabalik ay tahimik lang ako. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagdampi ng luha sa aking pisngi. And for the second time, nasaktan na naman ulit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD