Gusto kong lumabas ng kotse ng makita ang gate ng bahay. Tumikhim ang kapatid ko ng makitang hindi ako komportable sa mga nakikita ko sa labas. Nanghina ako ng tumigil ang sasakyan sa harap ng pintuang matagal ko ng hindi nakita. Hindi ko alam kong tama ba itong pinili ko. Gusto kong umuwi. Ayoko dito. Ayoko. " Welcome home. " I smiled bitterly. Pinagbuksan ako ng isang katulong na nakaabang sa pagdating namin. Malalim na ang gabi kaya alam kong tulog na ang karamihan sa mga tao dito. Bitbit ang maliit kong bag ay pumasok kami ng kapatid ko. Bumagsak kaagad ang luha ko ng makita ang family picture namin. Nawalan ako ng lakas ng makita ang maamong mukha ni Mommy. Hinawakan ako ni Jason si braso na agad kong inalis. " Saan ako matutulog? " Mataray kong tanong sa kanya habang pinupunasan

