CMB 40

1409 Words

" What are you doing? " Masayang tanong ni Dad ng makita ako sa sala. Hindi ako sumagot at patuloy na nagbabasa ng magazine. Nakakabagot kasi sa may kwarto kaya naisipan kong bumaba. Pumunta ako kanina ng hospital para dalawin ang kapatid ko. Kinausap ko narin sila Mama at Nanay, nag-alala kasi sila ng malamang hindi ako umuuwi ng bahay. Hindi naman sila nagalit dahil alam naman nila ang dahilan kong bakit nandito ako. " Kumain kana ba? " Napa irap ako ng umupo siya sa harap ko. Inaamin kong mataas talaga ang pride ko kaya hirap akong kausapin siya. " Magpapahanda ako. Dinalhan kita ng paborito mong chocolate cake. " Biglang nanikip ang dibdib ko at uminit narin ang mata ko. Sa'yo na yang chocolate cake mo! " Busog ako. " Binalik ko ang magazine sa coffee table at umalis sa harap niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD