" Ako ang magbabayad. " " Ako na nga. Ang kulit. " Hindi pa nga kami nakakapag order nag-aaway na kaming dalawa kong sino ang magbabayad. " Jade. " " Steven. " " Fine. " Napangiti ako. Agad akong nag tawag ng waitress. Habang kumakain ay panay ang tingin ko sa kanya. Hindi kasi nakakaumay ang kagwapohan ng boyfriend ko. " Stop staring. " Reklamo nito habang sinusubo ang chocolate cake. " Ang gwapo mo kasi. " Namula agad ang mukha niya pati ang tenga nito kaya napatawa ako. " Funny. " Seryoso ito habang nakataas pa ang isang kilay. Natahimik na lang ako habang kumakain pero nakangiti parin. Ang cute-cute talaga ng boyfriend ko! Madilim na sa labas ng matapos kaming kumain. Inaya pa niya akong mag dinner sa hotel nila pero busog na ako kaya bukas na lang daw. Pinasuot niya sa akin

