CMB 33

1411 Words

" Teka nga. " Sabado ngayon at nandito si Steven sa bahay. Ayaw ko sanang pumunta siya rito dahil ang dami ko pang gagawin kaso nagpumilit at wala na akong nagawa ng makita siya sa labas ng bahay. " What? Tama naman to ah. " Sabi niya sabay halo sa niluluto kong ulam para ibenta mamaya. " Wag mo nga kasing lagyan ng 100% force kasi tumatalsik yung sabaw. " Kong makahalo naman kasi siya parang semento yung hinahalo niya. " Ok po. " Sabi niya at tinikman ang tinolang manok. " Masarap? " Tanong ko habang nagpiprito ng hotdog, ulam namin mamaya. " Nalagyan mo na ba to ng asin? " Kumunot ang noo ko at mabilis na inagaw ang sandok sa kanya. Titikman ko na sana ng bigla niya ako halikan. Sht! " Ano? Kulang pa? " Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko habang siya naman ay pinipigilan ang tawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD