CMB 16

1305 Words
" Hanapin niyo ang batang yun! Papatayin ko siya! " Sigaw ng lalaki ng dumaan sila sa pinagtataguan namin. Sobrang dami nila at lahat silay may dalang malalaking kahoy at bote. Kinabahan pa ako ng tumingin ang isang lalaki sa pinagtaguan namin kaya naman mas inipit ako ni Steven at dahil sobrang dilim hindi nila kami na aninag. Lord, salamat! Laking pasalamat ko ng wala silang flashlight at mabuti na lang hindi neon ang naisuot kong blouse. Mga tatlong minuto siguro na ganun lang ang aming posisyon at paglumampas pa talaga to sa tatlong minuto mamatay na talaga ako. Pinagpapawisan ako ng dahil sa pinaghalong kaba at kilig. Alam kong hindi ako pwedeng kiligin dahil nasa bingit kami ng kamatayan pero mapapamura ka talaga pag kayo nasa posisyon ko. Nakatingin lang ako sa mata niyang nakatingin rin sa akin. Konti na lang matutunaw na ako at ang init ng palad niyang nasa bewang ko ay dumagdag para tumibok pa lalo ang puso ko. Gusto ko sanang lumayo sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso niya. Nakakailang kasi at tsaka baka amoy pawis ako. Ayaw kong ma turn-off siya sa akin! Pero hindi ko magawang lumayo sa kanya dahil inipit na niya ako sa pader. Nang wala na kaming may narinig mula sa mga naglalakihang tao na may kahoy at bote ay medyo lumayo si Steven sa akin. Tumalikod siya at sinilip kong nandun pa sila sa labas. Sumunod ako sa kanya at akmang lalabas na sana siya ng may sumigaw. " Balik! Natakasan tayo! Lintek! " Sigaw ng isang lalaki. Ang bilis ng pangyayari. Bigla na lang siyang yumuko at humarap sa akin. Sa di inaasahang pagkakataon naglanding ang lips niya sa lips ko mabilis na naisandal niya ako sa pader kaya napadaing ako sa sakit. OH MY GOSH! Ang lambot! Nagkatinginan kaming dalawa at parehong nanlaki ang mata namin ng mapagtatanto ang nangyari. Mabilis niyang nilayo ang kanyang mukha sa mukha ko at tumalikod pero ng makita ang mga lalaking nag uusap sa labas lang ng pinagtataguan namin ay mabilis itong umatras. At dahil umatras siya ay napasandal ulit ako sa pader at narinig ko talaga ang pagtama ng likod ko sa pader. " Aray. " Bulong ko. Ang sakit na talaga! Nasa gitna ako ng pader at ni Steven. Sobrang dikit niya sa akin dahil pag di siya dumikit ay lalabas talaga ng konti ang kanyang katawan at mamatay kami pagnagkataon. Uminit ang pisngi ko ng maramdaman ang malapad niyang likod sa dibdib ko at ang pwet niya sa ibabaw ng puson ko. Nakakahiya! Konti na lang at masu-suffocate na talaga ako. Kong ano ka bango ni Steven ganun rin ka baho ang pinagtataguan namin. Amoy wiwi! Ew! " Bwesit! Natakasan tayo. " Sigaw ng isa at tinapon ang bote. Napatalon ako dahil doon. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Steven na hinawakan ang isang kamay ko. Napatingin ako sa kamay kong hawak niya at nabawasan ang kaba ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng ma realize na nag kiss pala kami kanina. First kiss ko yun kaya naman pinigilan ko ang aking sarili na magtatalon at mangisay sa kilig. " Hanapin niyo! Hindi pa yun nakakalayo! " Sigaw ng isa at nagsitakbuhan silang lahat. Maya maya ay lumabas na si Steven sa pinagtataguan namin. Tinignan niya kong wala na ang mga taong naghahabol sa kanya at ng wala na siyang makita dun lang niya ako hinigit palabas sa pinagtataguan namin. " Bakit ka nandito?! " Singhal niya at hinila ako palapit sa kanya habang naglalakad kami ng patago. " Ikaw. Bakit ka nadito? " Takang tanong ko. " Wag mo nga akong sagutin ng tanong. Just answer my fckng question? " Palinga-linga siya habang naglalakad kami sa dilim. Ang kanang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa kaliwang kamay ko. " Na-nag bayad ako na-ng utang ni Mama. " Nauutal kong sagot dahil ramdam ko ang galit mula sa kanya. " Tsk. " Hindi ko na alam kong saan na kami pero malayo na ang nilakad namin at masakit na ang likod ko. Pasimple kong minamasahe ang aking likod. Ilang beses ba naman mahampas sa pader at ang lakas ni Steven. " Sakay. " Agad akong napatingin sa kanya. " Ha? " " Kong gusto mong maiwan dito edi wag kang sumakay. " Sabi niya at agad na pinaandar ang kanyang motor. " T-teka lang. " Gosh! Hinawakan ko siya sa kanyang balikat at sumakay sa kanyang itim na motor. Nagdadalawang isip pa ako kong saan ako kakapit ng kinuha niya ang dalawang kamay ko at nilagay niya sa matigas niyang tiyan. Oh my! Ayaw ko na! Ayaw ko ng umuwi ng bahay! Dito na lang ako kahit na may humahabol sa amin! Pinigilan kong wag ngumiti dahil nakikita niya ako sa salamin ng kanyang motor. Masasabi ko bang maswerte ako ngayon kahit na may humabol sa amin? Nung una feel na feel ko pa ang pagsandal sa malapad at mabango niyang likod pero kalaunan naramdaman kong sobrang bilis na ng motor kaya naman kulang na lang pati paa ko ikawit ko sa kanya. Nakakatakot siyang mag drive! " Pwedeng hinaan? " Sigaw ko pero mas binilisan niya kaya naman napasigaw na ako. " Ahhh! Mama! " Naramdaman kong tumawa siya. Aba! nakuha niya pa akong pagtawanan eh namamasa na ang kamay ko dahil sa kaba. Nang humina ang motor at tumigil ito ay mabilis akong bumaba at dahil nanlambot ang tuhod ko at napaupo agad ako. " Wah! Buhay ako! " Narinig ko ang tawa niya kaya binalingan ko siya. Nakatayo na siya ngayon sa gilid ng kanyang motor. Nakapikit ito habang malakas na tumatawa. Imbes na magalit ay parang may kong anong humawak sa puso ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya kaya naman napangiti ako. Pagkatapos niyang tumawa ay tinulungan niya akong tumayo at pumasok kami sa 7/11. Konti lang ang tao pagpasok namin kaya naupo kami sa pinakagilid. " You want coffee? " Hala! Bumait si Steven. Napatitig lang ako sa gwapo niyang mukha at nagdalawang isip. Minsan lang bumait ang badboy na to kaya kahit hindi ako umiinom ng kape ay napatango na lang ako. Alam ko namang paborito niya ang kape. Kahit na sasakit ang tiyan ko dahil sa kape sige lang dahil libre ni Steven. Umalis ito at pumunta ng counter habang ako naman ay inaabot ang masakit kong likod. Baka nabalian na naman ako nito? Makalipas ang ilang minuto ay may dala na itong dalawang mainit na kape, dalawang sandwich, dalawang donuts at ice na nasa plastic. Pinagmasdan ko lang siya habang nilalapag niya lahat ng nabili niya sa lames. May kinuha itong puting panyo mula sa bulsa na kanyang itim na jacket at nilagyan ng ice bago tinali. Tumayo ito nabigla ako ng tumabi siya sa akin. " Taas mo yung damit mo. " Sabi nito na ikinagulat ko. " Ha? " Tama ba ang narinig ko? " Tsss. " Hinubad niya ang kanyang jacket at pinatong sa balikat ko. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang kamay niya sa loob ng blouse ko. Aalisin ko na sana ang kamay niya sa likod ko ng maramdaman ko ang panyo niyang may ice. " S-salamat. " Nagkibit balikat lang siya at walang imik na pinagpatuloy ang ginagawa niya. Matapos niyang dampian ng ice ang likod ko ay tahimik itong kumain ng sandwich at uminom ng kape. Medyo nawala ang sakit sa likod ko. Mabuti na lang talaga at magaling na itong paa ko kaya nakatakbo ako kanina. Palaisipan parin sa akin kong bakit naging mabait siya sa akin ngayon. Sa ngayon i-enjoy ko na lang ang moment na to dahil minsan lang bumait ang isang Steven Ryle Saavedra at isa pa HINALIKAN AKO NI STEVEN kahit na aksidente lang ang halik basta nahalikan. Hahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD