" Girlfriend ka ni Steven? " Napa ubo ang mga kaibigan ko sa tanong ni Stephen.
Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng tanghalian ng makita niya ako at umupo siya sa harap ko para lang maki-tsismis.
" Hindi. " Nahihiya kong sagot. Bakit ba lahat ng Saavedra ang gu-gwapo? Wala bang panget sa pamilya nila? Ang kuya kasi niyang doctor sobrang gwapo rin.
" Hmmm. Talaga? " Tumaas ang kilay nito at nilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napa atras ako.
" To-totoo. " Nauutal kong sagot dahil nakakahiya ang ginagawa niya at tiyak na maraming tao ang nakatingin sa amin lalo na ang mga fans niya.
" So anong gina-- Aray! " Sigaw niya ng may humampas sa kanyang ulo.
Napa ayos ako ng upo pati narin ang mga kaibigan ko ng makita si Steven, Brent at Newt. Hawak pa ni Steven ang pinabaon ni Nanay sa kanya at ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ako binigyan ni Nanay.
Pinigilan kong wag masyadaong pahalata na kinikilig ako sa kanya. My gosh ang gwapo niya idagdag mo pa na napakalinis niyang tignan sa puting uniform niya at ang mahal niyang tignan dahil sa kanyang mamahaling relo.
" Ba't ka nananakit? Sumbong kita kay Lola! " Sabi ni Stephen at inayos ang nagulong buhok.
" Sht! Ba't nandito ang dalawang Saavedra? Na-iihi ako sa sobrang kilig. " Bulong ni Kissel kaya pasikreto ko siyang kinurot.
" Dun ka sa mga ka-teammates mo. " Walang emosyon ang mukha ni Steven habang pinapa alis si Stephen sa harap ko.
" What's that? " Tanong ni Stephen ng makita ang dala ni Steven.
" None of your business. Go! " Wala ng nagawa ang kakambal niya kaya naman umalis ito at pumunta sa mga kasama nito.
" Pila kana dun, Newt. " Umupo si Brent sa pwesto kanina ni Stephen at tinulak niya si Steven sa tabi ko at dun siya naupo.
Amoy na amoy ko ang pabango niya at kulang na lang mag cartwheel ako dahil ang bango bango niya. Promise, ang bango bango niya talaga! Pasimple kong inamoy ang sarili ko at nagpasalamat dahil amoy ko pa rin ang perfume na ini-spray ni Leah sa akin pero walang laban ito sa bango ni Steven. Sobrang bango niya!
Napahawak agad ako sa dibdib ko ng maramdaman ang lakas ng t***k ng puso ko. Nanlaki rin ang mga mata ng kaibigan ko lalo na si Leah na katabi ngayon ni Brent. Hindi ako makapaniwala na nadito siya at ang mukha ng mga kaibigan ko ay hindi na maipinta.
" Wala na kasing bakanteng upuan at gutom na ako kaya paupo ha. " Nakangiting sabi ni Brent. Parang na hypnotize kaming apat dahil sabay kaming tumango sa kanya.
Hindi ako makagalaw dahil sa presensya ng katabi ko. Noon nag de-day dream lang ako na makatabi siyang kumain dito sa canteen pero ngayon totoo na siya! My gosh! Iba rin talaga pag totoo na, ni hindi ako makagalaw.
" Galaw galaw para iwas stroke. " Napakurap ako sa sinabi ni Brent.
" Ah. Hehehe. " Kukunin ko na sana ang kutsara ng makita kong binubuksan na ni Steven ang tupperware.
" Wow, Adobo! Sino nagluto bro? " Tanong ni Brent kay Steven.
" Ang ingay mo. " Puna ni Steven sa kaibigan pero ngumiti lang ito at kinindatan pa si Kissel na parang mahihimatay na sa tabi ko.
Sina Leah at Joana naman ay tahimik lang na kumakain pero namumula ang mga mukha nila. Alam kong hindi nila crush si Steven pero mamumula ka talaga pagnakasama mo siya idagdag mo pa ang mga kaibigan niyang gwapo rin.
Nag-ingay ulit si Brent ng dumating si Newt. Binigyan ni Newt ng paper plate at kutsara't tinidor si Steven.
" Wow may baon! Hahaha. Ano ka elementary? " Tinutukso nilang dalawa si Steven dahil for the first time may dala itong baon.
" Sino nagluto? Lola mo? Hahaha. " Nag high five pa ang dalawa.
Pinanliitan sila ni Steven ng mata kaya natahimik at napa ayos silang dalawa ng upo.
Tahimik kaming lahat habang kumakain. Para bang may prayer meeting kaming pito dito sa canteen. Lahat ng tao dito sa canteen ay nag iingay kami lang siguro ang napaka seryoso habang kumakain.
Hindi ko rin maiwasan ang palihim na pagsulyap kay Steven. Mukhang nasarapan naman siya sa adobo. Masarap naman si Mama magluto kaso mas masarap ang mga niluluto ko. Hehehe.
" Masarap? " Biglang lumabas sa bibig ko at lahat sila napatingin sa akin maliban kay Steven na natigilan sa tanong ko.
May sumipa sa binti ko at nakita ang panlalaki ng mata ni Leah at Joana. Si Brent at Newt naman ay pabalikbalik ang tingin sa amin ni Steven.
" Ok lang. " Sagot niya at tinuloy ang pagkain.
" Sayo yan galing? " Manghang tanong ni Newt na tinuro pa ang ulam at kanin na nasa paper plate ni Steven.
" O.... " Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng tinignan siya ni Steven.
" Yes! Now shut the fck up and eat. " Inis niyang sabi at kumain.
Nagtinginan sina Newt at Brent at nanindig ang balahibo ko sa ngisi nilang dalawa.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam ang dalawa maliban kay Steven na umalis agad pagka-ubos ng pagkain.
" Ahhhh! " Sigaw nilang tatlo ng makalabas ng canteen ang tatlo.
Lahat ng tao na nasa canteen napatingin sa amin pati na ang mga nagseserve ng pagkain at ang dalawang guard na palakad lakad sa loob ng canteen.
" Shhh. Nakakahiya kayo. " Saway ko sa kanila.
" Ehhh! Pinabaunan mo siya tapos ikaw wala? Ayeh! " Pinagsusundot nila ako kaya panay ang saway ko sa kanila.
Palabas na kami ng canteen ng makasalubong ko si Melissa at ang mga kaibigan niyang nakaputing uniform. Tumaas ang kilay niya ng makita ako at taas noo niya kaming nilampasan.
" Problema nun? " Takang tanong ni Joana at sinundan ng tingin si Melissa.
" Ang arte arte talaga ng babaeng yun. Ba't ba nanalo yun bilang president eh hindi nga kayang ngumiti sa mga estudyante dito. " Inis na sabi ni Leah. Hinigit ko na lang sila palayo ng canteen at baka maisipan nilang kalbuhin si Melissa sayang yung fake curls niya.
Pagdating ng sabado iniwasan ko munang i-text at isipin si Steven dahil Exam na namin sa Monday. Subsob ako sa libro at notes ng umuwi si Mama ng bandang hapon.
" Jade! " Sigaw niya kaya agad akong lumabas ng kwarto.
" Ma? " Nakita ko siya sa may kusina kaya sinundan ko siya dun.
" Bigay mo to kay Ninang Sasha mo dahil kailangan niya ngayon ito. " Kinuha ko ang puting envelope at sinuri ito.
" Ano to, Ma? " Medyo makapal eh.
" Pera. Bayad yan sa inutang ko sa kanya. Yung pinangbili ko sa maintenance ng kapatid mo. Pumunta kana dun at baka naghihintay na siya dun sa'yo. Nai-text ko na yun na ikaw ang magdadala ng pera. " Pumunta muna ako ng kwarto at nagpalit ng maong shorts at maayos na blouse.
Pagdating ko sa bar kong saan nagtatrabaho si Ninang Sasha ay medyo marami na ang tao kaya naman sa likod ako dumaan.
" Si ninang? " Tanong ko kay Niño, anak ni Ninang ng makasalubong ko siya.
" Andun sa kusina. " Agad akong pumasok ng kusina at nakita siyang tinutulungan ang mga tauhan niya. Ang busy nila sa pagluluto at ang iba sa paghuhugas.
" Magandang gabe po Ninang. " Nabigla siya ng makita ako kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
" Oh! Jed-jed, ang sabi ko sa Mama mo na pwede namang ipagbukas to dahil gabe na. " Sabi niya at nagpunas siya ng kamay sa kanyang pink apron.
" Kailangan niyo raw ho at tsaka ok lang medyo matagal na rin ng makapunta ako dito. " Rinig na rinig ko na ang tugtog sa labas at medyo maingay na.
" Oh siya! Dito kana maghapunan. " Dinala niya ako sa maliit na mesa at siya na mismo ang naghain sa akin.
" Salamat po. "
" Diyan kana muna, Jed-jed at pagsasabihan ko muna ang bagong bartender sa labas. " Tumango ako at masayang kumain dahil ang sarap ng ulam.
Medyo natagalang bumalik si Ninang kaya naman kahit tapos na akong kumain hinintay ko pa rin siya para makapag paalam. Ayaw ko namang lumabas dito ng kusina dahil takot ako sa mga taong naglalasing at nag sasayaw. Panay ang tingin ko sa relo dahil mag rereview pa ako at tsaka ayokong magabihan masyado sa pag-uwi.
Mukhang nakalimutan na ako ni Ninang ah. Sobrang busy niya dahil sabado ngayon at marami ang pumupunta dito pag weekend at karamihan mga college students ang pumupunta dito.
Agad akong napatayo ng makita si Ninang na pumasok ng kusina.
" Sorry, Jed ang dami na kasi ng tao. "
" Wala yun Ninang. Mauna na po ako. Salamat sa hapunan. " Lalabas na sana ako ng hawakan niya ako sa siko.
" Mag taxi ka, Jed. " Sapilitan niyang nilagay ang limang daan sa palad ko.
" At mag text ka kong naka uwi kana ha. "
" Salamat po Ninang. Sige po. " Paglabas ko ay madilim na at mabuti na lang ay may street lights dito.
Habang naglalakad ako papuntang kanto para maghanap ng taxi ay may nakita akong lalaki na mabilis na tumatakbo papunta sa sakin.
Medyo kinabahan na ako kaya naghanap ako ng matataguan. Baka may barilan dito dahil baka hinahabol ito ng police. Uso pa naman ngayon ang tokhang. Nang malapit na siya ay nanlaki ang mata ko ng makilala ko kong sino ang tumatakbo.
" Steven! " Sigaw ko at nabigla siya ng makita ako.
" Ah sht! Tang*na naman oh! " Sigaw niya at hinila ako.
Ang bilis niyang tumakbo at muntikan na akong madapa dahil naka tsinelas lang ako. Magtatanong sana ako ng may narinig akong nabasag na bote at paglingon ko hinahabol kami.
Kong kanina kaba ang nararamdaman ko ngayon takot na dahil ang dami nila at may dala silang kahoy at bote.
Habang nagtatakbo kami ay nilingon ko si Steven. Magulo ang kanyang buhok sa kakatakbo. Naka itim itong jacket, itim jeans at itim na sapatos na may mamahaling tatak. Parang nagslowmo ang takbo namin ng makita kong gaano siya kagwapo kahit na hinahabol na kami.
Lumiko kami sa isang eskinita at naramdamang kong tumama ang likod ko sa isang pader. Ang sakit!
" Aray ko pohmmm " Tinakpan niya ang bibig ko at dun ko lang na realize kong gano kaliit ang pinagtaguan namin.
Hindi ako makagalaw dahil sobrang sikip at nahigit ko ang aking hininga ng makita ko kong ganu kami kadikit ni Steven.
Ang noo niya ay nakasandal sa noo ko. Ang kanang kamay niya na nasa bibig ko ay nasa bibig niya rin. Ang kaliwang kamay niya ay nasa bewang ko at ang paa namin ay magkadikit.
Damn! Mamatay na ba ako?