CMB 14

1364 Words
" Ang tigas tigas talaga ng ulo mo, Jade. " Pagalit na sabi ni Mama habang kumakain kami ng hapunan. " Michelle, nasa hapag tayo. " Sabi ni Nanay habang sinusubuan si Kyle na naglalaro ng mga laruang sasakyan. " Nay, ang tigas kasi ng ulo ng apo mo. Pag talaga na pilay ka Jade bahala ka na sa buhay mo. " Inis niyang nilagyan ng ulam ang plato ko kaya yumuko na lang ako. Nakatikom lang ang bibig ko para hindi madagdagan ang galit ni Mama sa akin. Pagdating ko kasi ng bahay nasa sala si Mama at si Kyle at ng makita niya ako ay agad niya akong pinalo ng tsinelas niya. Mahina lang naman ang pagpalo niya kaya hindi masakit yung pwet ko. " Awat na. Kanina mo pa siya pinapagalitan at pati rin itong si Kyle natatakot na sa iyo. " Sabi ni Nanay at pinaupo si Mama sa tabi niya. " Oo na, oo na. " Sabi ni Mama at nagsimula na siyang kumain. Kinabukasan hindi na ganun kasakit ang paa ko. Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto nasa harap ng pintuan ko si Mama habang nakataas ang kilay. " Goodmorning, Ma. " Masigla kong bati sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. " At saan ka pupunta? " " Sa kusina, Ma kakain dahil male-late na ako pag hindi pa ako kakain at maliligo. " Nanliit ang mata niya at napa aray ako ng pingutin niya ako sa tenga. " A-aray, Ma! " Pilit kong nilalayo ang kamay niya sa tenga ko dahil ang sakit ng kuko ni Mama. " Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka. Hindi ka ngayon papasok. " Singhal niya. " Ma! May long quiz kami tsaka... tsaka hindi na masakit kahit magtatalon-talon pa ako dito. " Inayos ko ang nagulo kong buhok at tumalon ng tatlong beses sa harap ni Mama na para bang hindi ako na-sprain. Pilit akong ngumiti pero sa totoo lang masakit siya! Shoot! Parang naiiyak ako sa sakit pero pinilit kong wag magpahalata kay Mama. " Talaga? " Tanong ni Mama at agad akong tumango. Tinignan niya ako ng mabuti na para bang sinusuri kong nagsasabi ako ng totoo. " Oh siya maligo kana. " At lumabas siya ng bahay. Pupunta siguro ng market. Nang makitang nakasakay na si Mama sa tricycle ay sumigaw ako. " Araaaaaaayyyyyyy! Ahhhh. " Napa upo ako sa sahig at naiiyak sa sakit. " Araaaay ko po! Ang sakit! " " Diosmio, Apo! " Sigaw ni Lola mula sa kusina. " Te! " Lumabas si Kyle sa kusina at kumunot ang noo ko ng maramdamang may kamay sa balikat ko. Akala ko si Kyle ang nakahawak sa balikat ko. Hala! Bumalik ba si Mama? Patay! " What's wrong? " Napa nga-nga ako ng mapagtanto kong sino ang nasa likod ko. " H-ha? " Ang tanging naisagot ko sa tanong niya. " A-ano? Ahm. May pinuntahan ako dito t-tapos napadaan ako sa bahay niyo ng marinig kong sumigaw ka. The door's open so p-pumasok ako. " Nauutal niyang sagot at nanlaki ang mata ko ng i-angat niya ako at pinaupo sa sofa. " Goodmorning po. " Bati ni Steven kay Nanay. " Goodmorning, hijo. Jed-jed napano ka? Ba't ka sumisigaw? " Alalang tanong ni Nanay at umupo sa tabi ko. Si Kyle naman ay nakaupo lang sa kabilang sofa at nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa tabi ko na nakahawak na sa paa ko. Oh my! Hindi pa ako nakapag toothbrush! At....at wala akong bra! Agad kong pinag-ekis ang kamay ko sa aking dibdib. " Nay, pakikuha naman po ng icepack sa ref. Salamat. " Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Parang lahat ng dugo ko napunta sa utak ko. " Salamat, Steven ha. Uhmm.... sino pala ang pinuntahan mo dito? " Parang imposible namang may kakilala siya sa lugar namin. " Ha? B-basta hindi mo kilala. " Sagot niya at tumungin sa labas ng bahay. " Heto na, Jed-jed. " Aabutin ko na sana ang elastic bandage ng si Steven na ang kumalas at kinuha niya ang ice pack at siya na ang naglagay. Napangiwi ako ng ilagay niya ang ice pack sa paa ko. " Huwag ka ng pumasok ngayon, Jed. " Sabi ni Lola. " La! Hindi pwede dahil may long quiz kami. Major subject yun tsaka mawawala na rin ang sakit nito mamaya. " " Ganun ba? Ah, hijo? Sinundo mo ba ang apo ko? Halika at kumain ka muna ng agahan. " Nakangiting sabi ni Lola at hinawakan si Steven sa siko at dinala sa kusina. " Ok? " Tumabi si Kyle sa akin at niyakap ako. " Ate's ok. " Ginulo ko ang buhok niya na ikinagalit niya kaya naman agad kong inayos yun bago pa siya mag tantrums. Nang hindi na ganun kasakit ay tumayo ako at pumunta ng kwarto para kumuha ng tuwalya at uniform. Dun na ako sa cr magbibihis kahit mahirap dahil nandito si Steven at hindi ko kakayaning makita niya akong nakatapis saka na pag mag-asawa na kami. Charot lang! Habang naliligo ay hindi parin ako mapakali. Sinong pinuntahan niya dito? At maaga pa ha. Alangan namang ako eh inis yun sa akin. Sobrang ganda ko naman kong ako talaga ang pinunta niya dito. Hehehe. Paglabas ko ng cr ay nasa hapag parin si Steven, Nanay at Kyle. Kinakausap siya ni Nanay at pilit namang ngumingiti si Steven sa kanya. " Oh, Jed-jed kumain kana at baka ma late pa itong manliligaw mo. " Namilog agad ang mata at bibig ko. " Nay! Ano.. kaklase ko po si Steven hindi manliligaw. Nay naman nakakahiya. " Hindi ko alam kong anong gagawin ko kulang na lang bumalik ako ng cr para mag tago. " Bilisan mo ng kumain. " Sabi ni Nanay at lumabas ng kusina kasama si Kyle. " Sorry dun sa sinabi ni Lola ha. Hehe. " " Whatever. " Kibit balikat nitong sagot. Paalis na kami ng bahay ng bigyan ni Lola si Steven ng tupperware na may lamang kanin at ulam na niluto pa ni Mama. " Salamat po. " " Salamat rin sa pagsundo sa apo ko, hijo. " Nakangiti nitong sabi. " La! " Nakakahiya na talaga! Habang naglalakad kami papuntang kanto lahat ng tambay ay nakatingin sa amin. Para bang nakakita sila ng ginto na naglalakad sa tabi ko. " Aba! Si Jade may boyfriend na! Sinundo pa oh. Ayeh! " Sigaw ni Junior at nagtawanan ang mga kasama nito. " Heh! Manahimik ka diyan, Junior. Naku! Sorry talaga Steven ha. " Wala itong imik at tahimik lang itong naglalakad sa tabi ko. Sana totoo na lang ang sinabi ni Junior! Hay! Pagnagdilang anghel si Junior lilibre ko talaga siya sa Jollibee. Lihim kong tinitignan si Steven at hindi parin ako makapaniwala na nandito siya kasama ko papuntang school. Naku! Para kaming mag-asawa! " Hoy! " Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya naman napatingin ako sa kanya. " What are you waiting for? Sakay na. " Inis niyang sabi at nauna siyang pumasok ng sasakyan. Luh! Ang bilis naman ng oras. Pagdating mamaya ng school hindi na ako nito papansinin. Tahimik lang kami sa byahe. Gusto ko sana siyang tanungin kaso baka magalit siya at hindi na ako isama papuntang university. Pagdating namin ng parking lot ay mabilis siyang lumabas at kinuha ang bag niya sa likod ng sasakyan. Lumabas na rin ako at nagulat ang mga taong nakakita sa amin lalo na ang kakambal niyang kaka-park rin ng sasakyan. " Bro! " Masiglang bati ni Stephen at inakbayan pa ang kakambal. " Tss. Stop being so clingy! " Reklamo nito at pabalag na kinuha ang braso ni Stephen sa balikat niya. " Arte. Teka! Kaya pala maaga kang umalis ng bahay dahil may sinundo ka. Hmm. " Hinarap ako ni Stephen at makikipag-kamayan pa sana siya ng hilahin ni Steven ang bag ko kaya napalayo ako kay Stephen. " Whatever. Lets go. " Sabi niya at binitawan ang bag ko. " Abat! Hoy, Steven isusumbong kita kay Lola! " Sigaw ni Stephen sa likod namin. " Don't mind him. " Sabi nito at diretso ang lakad papasok ng university. Hay, sungit talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD