" Hala! " Agad akong napabangon ng maramdaman ko ang sikat ng araw mula sa bintana ko.
" Ouch. " Nakalimutan kong na sprain pala ang paa ko kaya dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto.
Pagtingin ko sa orasan ay tanghali na. Hala! May quiz kami mamayang hapon at baka may ginawang activity kaninang first period? Patay na! Kailangan kong pumasok dahil may quiz ako. Martes pa lang at kong hihintayin kong gumaling ang paa ko ay baka babagsak na ako nito.
" Oh Jade mabuti't gising kana. Naikwento ng Mama mo ang nangyari sa'yo kahapon. Wag ka ng pumasok at baka lumala yan. " Sabi ni Nanay habang sinusuklay ang buhok ni Kyle na tahimik na nanunuod ng tv.
" Ning, Te. " ( Morning, Ate ) Bati ni Kyle at agad akong niyakap.
" Morning, baby. " Mahigpit ang yakap ni Kyle sa akin kaya napangiti ako. Kiniss ko muna ang ulo niya bago siya pinaupo sa sofa.
" Nay, kailangan kong pumasok dahil may quiz ako mamaya, major pa naman yun at tsaka ok na to. " Naglakad na ako papuntang cr at bawat hakbang ay napapangiwi ako sa sakit.
Matapos ng mahaba-habang pagligo ay pumunta ako ng kusina. Pinatungan ko muna ng ice pack ang paa kong namamaga habang kumakain. Matapos kong lagyan ng elastic bandage ang ankle ko ay dahan-dahan akong lumabas ng bahay.
" Jade, hatid na kita sa sakayan. " Sabi ni Jano, kaklase ko noong high school ng makita niya ako sa labas ng bahay.
Mabait naman itong si Jano kaya sumakay na ako ng tricycle niya.
" Napano ba iyang paa mo? At ba't kapa papasok? " May pagkatsismoso rin itong si Jano eh.
" Wala to. Oh itong bayad. " Pagdating ng sakayan ay doon ako tumabi kay manong driver para hindi na ako mahirapan bumaba mamaya.
Pagdating ko ng kanto ay nanlumo ako. Kailangan ko pa palang maglakad papuntang school. Ipinagbabawal kasi ang tricycle dun at tsaka mga kotse at motor lang ng mga estudyante ang pwedeng pumasok dun. Sobrang yaman kasi ng mga tao sa university at nagtataka talaga ako kong bakit dito ako pina-aral. Ako lang siguro ang mahirap dito pero malaki ang pasasalamat ko dahil ni minsan hindi ako tinrato ng mga kaibigan at kaklase ko ng masama.
Mangiyak-ngiyak ako sa sakit habang naglalakad. Meron pa akong 30 minutes bago mag time kaya pahinto-hinto ako. Tagatak na ang pawis sa mukha at likod ko kaya tinali ko muna ang mahaba kong buhok. Kong pwede lang talagang gumapanag kanina ko pa ginawa yun kaso nakakahiya mapagkamalan pa akong baliw.
" Ba't naman kasi ang layo. " Mabuti na lang at walang dumadaan baka pagtawanan lang ako ng mga richkid.
Namumula ang mukha at mata ko ng nasa gate na ako. Ang iba napapatingin pa sa akin ng mapansin na iba ang lakad ko. Sana sinunod ko na lang si Nanay kaso malapit na ang prelim at absent na nga ako kanina sa dalawang subject meron pa akong tatlo mamaya.
" Great. " Napabuntong hininga ako ng makita ang hagdan. Bakit ba kasi walang elevator sa building namin?
Umupo na lang muna ako sa hagdan at pinaypayan ang sarili. Pinunasan ko na rin ang pawis sa mukha ko at inayos ang pagkakatali ng aking buhok. Pagupit kaya ako hanggang leeg? Kaso baka sabihin nilang nag mo-move on ako tsaka na lang siguro pag nag-break na kami ni Steven. Hehehe.
Sige! Mangarap kapa Jade!
" Hoy! Ba't ka nakaupo diyan? It's dirty kaya. " Maarteng sabi ni Kissel ng makita akong naka-upo sa hagdan.
" And what's that? " Turo niya sa paa kong may bandage.
" Maya ko na ikwento. Tulungan mo muna ako. " Inabot niya ang kamay ko at inakbayan siya.
" My gosh. You're so heavy. " Sabi niya at tagatak na ang pawis niya eh naka dalawang hakbang pa lang naman kami.
" Ang arte mo talaga kong magpakarga kaya ako sa'yo? " Inirapan niya lang ako.
Puro reklamo ang naabot ko kay Kissel ng makarating kami ng classroom. Pano ba naman kulang na lang kargahin niya ako dahil masakit talaga ang paa ko.
" Ayoko na! Magkakaroon na ako nito ng malaking muscles sa braso. " Maarte niyang sabi at agad na naupo sa tabi ko.
" Arte nito. " Sabi ni Joana.
" Thanks for helping me. You're the best. " At mahina siyang tinapik sa balikat.
" Ano ba kasi ang nangyari sa paa mo? " Tanong ni Leah.
" Na sprain nakipag-away kasi ako kagabi. "
" Seriously? Kanino? " Tanong ni Kissel.
Matapos kong ikwento sa kanila ang nangyari ay pinagkukurot nila ako.
" Paraparaan ka lang Jade eh. " Sabi ni Joana.
" Kaya pala kahit na-sprain na yang paa mo ang lawak parin ng ngiti mo. " Sabi naman ni Leah.
" Mamaya sa kanila ka magpakarga ha. " Sabi ni Kissel at tinuro si Leah at Joana.
" Tseh. You're so maarte talaga. " Inirapan ni Kissel si Joana ng gayahin siya nito.
Natigil lang kaming mag-ingay ng pumasok ang Prof namin.
" Teka! " Sigaw ko ng pagkaguluhan nila akong tatlo.
" What? Sumampa kana sa likod ni Leah. " Kinuha ni Joana ang bag ko at inalalayan.
" No way! Umakbay kana lang sa amin ni Joana. " Sabi ni Leah habang tinatali ang buhok.
" Bakit ba kasi walang elevator ang building natin? So unfair. " Naiinis na sabi ni Kissel.
" Hello! Hanggang second floor lang ang building natin no. " Sabi ni Joana at binigay ang bag ko kay Kissel.
" Akbay na. " Sabi ni Leah kaya umakbay ako sa kanila ni Joana.
" Kong hindi lang talaga ako naka skirt isasakay kita sa likod ko. " Sabi ni Joana. May pagka athlete kasi itong si Joana at suki sa gym pag saturday and sunday.
" Ok na to. Sa hagdan lang naman ako nahihirapan maglakad. " Hapong hapo si Leah ng makarating kmi ng lobby.
" Grabe, bigat mo rin pala no? Mamaya sa kay Steven ka magpatulong siya naman ang dahilan ng pagka-sprain mo diba? " Sabi ni Leah.
" Maya na nga tayong mag tsismisan dahil may klase pa tayo. " Sabi ni Kissel at nauna itong maglakad sa amin.
" Kong hindi ko lang talaga kaibigan ang isang yun hindi ko papansinin yun sa sobrang kaartehan. " Sabi ni Joana at tinulangan ako habang naglalakad papuntang CBA building.
" Hatid na kita sa inyo? " Tanong ni Leah ng matapos ang klase.
" Wag na. Alam kong marami kapang gagawin at kaya ko namang maglakad kaya mauna kana. " Alam kong nahihirapan na rin sila kanina pa kaya nakakahiya naman kong pati pag-uwi sasamahan parin nila ako.
Lahat sila ay nasa iisang subdivision lang at nasa ibang way yun hassle pa pag hinatid nila ako. Sayang sa gasolina at ayaw ko namang maging pabigat sa kanila.
" Salamat sa inyo ha pero ok na talaga. Kaya ko na to no. " Nginitian ko na lang sila at nag thumbs up pa para makita nilang ok lang ako.
" We're just worried. Baka kasi lumala yang paa mo. " Sabi ni Joana.
" Ganito na lang. Hatid kita sa kanto kong saan ka nag-aantay ng jeep. " Sabi ni Leah.
" Wag na tala--- "
" Hep! Sakay na kahit dun na lang, Jade. " I sighed. No choice kaya sumakay na lang ako at bumaba ng nasa kanto na.
" Salamat. "
" No probs. Bye! Ingat. " Pagkatapos kong kumaway ay huminga ako ng malalim at naglakad ng konti para mag-abang ng jeep.
Punuan pa ang jeep kaya nangangalay na ang paa ko sa kakatayo at nagdidilim na rin. Tiyak na pagagalitan na naman ako ni Mama nito.
" Yow. " Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat.
" Kanina ka pa kami nakatingin sa'yo at medyo nagalit si boss kaya ihatid ka raw namin. " Sabi ni Newt at napahawak ito sa batok.
" Sinong boss? Nasaan si Steven? " Kanina ko pa siya hinahanap pero ni anino niya hindi ko makita.
" Hindi pumasok ang mokong pero nandito siya kanina lang kaso umalis na tumawag kasi ang lola niya." Sabi ni Brent.
" And sabi niya hatid kana raw namin. " Sabi naman ni Newt.
" Bakit kapa kasi pumasok? Baka lumala yang sprain sa paa mo. " Napailing si Brent habang tinitignan ang paa kong may benda.
" Marami kasing quiz at exam na nextweek. " Tumango silang dalawa.
Tumawid si Newt at pumasok ng kotse pinaandar at nag-park sa harap namin ni Brent. Inalalayan pa ako ni Brent papasok ng kotse na para bang isa akong babasagin na bagay.
" Turo mo na lang ang daan hindi kasi namin alam kong nasaan ang bahay mo, Jade. " Sabi ni Brent.
" Sige. "
Hindi naging awkward ang byahe pauwi dahil ang ingay nilang dalawa.
" Pakisagot ng phone. Tumatawag siguro ang loko. " Sabi ni Newt. Kinuha ni Brent ang cellphone ni Newt sa dashboard at sinagot ang tawag.
" Hello, babe. " Natatawang sabi ni Brent.
" Babe your face. Nasaan na kayo? "
Boses ni Steven ang narinig ko at ni-loud speaker pa talaga ni Brent ang tawag ni Steven.
" Uhmm. Medyo malapit na. " Alanganing sagot ni Brent.
" What? Kanina pa dapat ah bakit hindi pa kayo nakarating?! " Mukhang galit si Steven dahil medyo napalakas ang boses niya.
" Easy. Itong si Brent kasi nag-yosi pa. " Sabi naman ni Newt kaya mahina siyang sinapak ni Brent.
" Anong ako? Itong si Newt nung umalis ka bumili ng yosi kaya ..... kaya nag yosi muna kami. Hehehe. " Sabi ni Brent.
" Fckn' idiots! "
" Woah! She can hear you, bro. Hahaha. " Tumawa silang dalawa at wala na akong boses na narinig pa sa cellphone. Pikon pa naman yun kaya siguro binabaan sina Brent na hanggang ngayon malakas parin ang tawa.