CMB 12

1084 Words
" Bilisan mo nga. " Naiinis niyang sabi habang nakaluhod sa harap ko.  " W-wag na malapit lang naman ang bahay. " Dahil hindi makadaan ang sasakyan niya papuntang bahay ay nagmagandang loob si Steven na ihatid ako.  " Tsk. Wag kana ngang maarte. " Napatili ako ng bigla niyang hinigit ang dalawang kamay ko papuntang leeg niya at sa isang iglap ay nasa likod na niya ako. " Hala! Baka masilipan ako. " Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya.  " May nakita kapa bang tao dito? " Naiinis niyang tanong.  Tahimik na ang paligid at iilang aso at pusa na lang ang nakikita ko na natutulog sa labas ng mga bahay. " Hala! Anong oras na? Patay ako nito kay Mama. " Hindi pa naman ako nakatext dahil wala akong load. Magagalit talaga yun at alam kong hindi pa natutulog ang kapatid ko dahil hindi pa ako nakauwi. Sa kabila ng pag-alala ay ramdam na ramdam ko yung likod ni Steven. Halos atakihin ako sa puso ng magsimula siyang maglakad. Napamura ako sa isip ko ng maamoy ko ang pabango niya idagdag mo pa ang amoy ng buhok niya. Ano kaya ang shampoo ni Steven? Grabe! Sobrang bango niya kahit na pinawisan siya kanina. Niluwagan ko ang pagkakapulupot ng braso ko sa leeg niya at nanlamig ako ng maramdaman ang kamay niya sa legs ko. Oh My Gosh! Medyo nilayo ko ang sarili ko mula sa likod niya para hindi niya maramdaman ang malakas na t***k ng puso ko. Pagmagtatagal pa ako sa ganitong pwesto tyak na aatakihin talaga ako sa puso at ito ang magiging dahilan ng pagkamatay ko. " We're here. " Sabi niya at dahan-dahan akong ibinaba. Nanlaki ang mata ko ng makita si Mama at ang kapatid ko sa labas ng bahay na may dalang flashlight at agad akong na-alarma ng makita ang sinturon sa kamay ni Mama. " Good evening po Tita. " Sabi ni Steven. " Good evening hijo. " Nakangiting sabi ni Mama at ng bumaling siya sa akin ay agad na pinandilatan ako ng mata. " Teh! " Sigaw ni Kyle ng makita ako. " Ikaw na bata ka! Pinag-alala mo kami! Saan ka nagsusuot at gabi na hindi kapa nakauwi? Hindi makatulog ang kapatid mo dahil hinihintay ka! Sana nag text ka o tumawag! Papaluin talaga kita! " Singhal ni Mama kaya napayuko ako. " Wala po kasi akong load tapos.... " " Bakit? Sobrang mahal ba ng load? Pwede ka namang magpaload ng limang peso hindi mo pa magawa! " At ng tumingin siya kay Steven ay ngumiti ito. " Hijo kumain kana ba? Pasok ka muna sa bahay. " Napa nga-nga ako sa inasta ni Mama. Aayaw na sana si Steven ng hatakin na siya ni Mama papasok ng bahay at ako naman ay paika-ika na nakasunod sa kanila. " Kumakain ka naman siguro ng chicken curry ano? " Alinlangang tumango si Steven ng pinaupo siya ni Mama. " Kyle, matulog kana. " Kiniss ko muna ang kapatid ko bago siya pinapasok sa kwarto nila Mama. " Oh! Ano pang hinihintay mo diyan Jade? Kumain kana dito! " Sabi ni Mama. Pinatong ko muna sa ang bag ko sa sofa at umupo sa tabi ni Steven. " Hijo, ba't namamaga iyang labi mo? May sugat kapa sa kilay. Ayos ka lang? " Tanong ni Mama. Betadine lang kasi ang pinalagay ni Steven ayaw niyang lagyan ng kahit band aid man lang maliit na sugat sa kilay niya. " I'm fine, Tita. " " At ba't may benda iyang paa mo, Jade? Napanu naman yan? " Tanong ni Mama ng makitang hirap ako sa paglalakad. " It's my fau... " Hindi ko na pinatapos si Steven. Ayaw ko naman kasing mag-alala si Mama at madagdagan pa ang problema niya. " Na-nahulog po ako sa hagdan, Ma kaya na sprain yung paa ko tapos nadali ko pa itong si Steven habang paakyat siya kaya ayon na-nahulog kaming dalawa. Ma-mabuti na lang at hindi siya na sprain katulad ko at dinala pa niya ako sa hospital. " Lord patawarin mo po ako pero kailangan ko talagang magsinungaling. " Mabuti na lang at hindi nabagok ang ulo niyong dalawa. Naku hijo pagpasensyahan mo na itong anak ko at medyo palampa-lampa kasi itong si Jade. " Pinandilatan ako ni Mama kaya napakagat na lang ako ng labi. Papaluin talaga ako ni Mama nito pagumuwi na si Steven. " Sa susunod mag-ingat ka naman Jade mabuti na lang at walang may nangyaring masama sa inyo. Hijo, magkano yung binayad mo sa hospital? " Nakangiting tanong ni Mama at kinuha ang wallet niya sa ibabaw ng ref namin. " It's ok, Tita. Sa amin naman yung hospital kaya ok lang. " Napa nga-nga si Mama. Tumikhim ako at lumapit si Mama kay Steven at nagpasalamat ulit.  " W-welcome po. " Naiilang na sabi ni Steven at ipinaghain pa talaga siya ni Mama samantalang ako na anak niyang na sprain ang paa hindi man lang niya nilagyan ng tubig ang baso ko. " Kain ka lang na kain hijo. " Sabi ni Mama na sobrang lapad ang ngiti. Kulang na lang lumabas pati bagang ni Mama sa kakangiti kay Steven. " Jade, puntahan ko muna ang kapatid mo. Asikasuhin mo ng maayos itong kaibigan mo. " Pinandilatan muna ako ni Mama bago siya pumasok ng kwarto. " Sorry ha. Medyo maingay talaga si Mama. Uhmm. Gusto mo ng juice? " Tatayo na sana ako para kumuha ng juice ng magsalita siya. " Ba't ka nagsinungaling? " Naiinis niyang tanong. Kulang na lang mag-isang linya ang kilay niya sa sobrang inis. " A-ayaw ko lang na dagdagan ang problema ni Mama at baka pati ikaw pagalitan. " " Tsk. " Umirap muna siya bago sumubo ng kanin. Psh. Suplado. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit ako ng pinagkainan naming dalawa. Malapit lang naman ang sink sa lamesa kaya konting lakad lang ang nagawa ko. Kumikirot pa rin pero hindi na ganun kasakit. " Thanks for the food. Aalis na ako. " Nakatulog na siguro sila Mama kaya hinatid ko na lang siya sa pintuan. Biglang nag sink in sa utak ko na sabay pala kaming kumain ni Steven. Oh my gosh! Mamatay na talaga ako sa sobrang kilig. " Bye. Salamat talaga sa lahat ha. " Nginitian ko siya at irap lang ang natanggap ko mula sa kanya. " Bye! " Sigaw ko ng medyo malayo na siya at kitang kita ko ang paghinga niya ng malalim at tuluyan ng nakalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD