CMB 11

1284 Words
" Ahh! " Sigaw ko ng sinuntok ng matangkad si Steven. Naghanap ako ng pwedeng panghampas at yung ruler lang sa bag ang nakita ko. Tarantang kinuha ko ito sa bag at sinampal ang nasa gitna kanina ng ruler sa mukha. " Ahhh! Bagay yan sayo! " Sigaw ko ng paulit-ulit ko na sinasampal siya gamit ng ruler. Mukhang nabigla siya pati narin ang mga kasama niya kaya naman sinuntok ni Steven yung matangkad at ang naka uniform. " Ahhh! Wag! Mama! " Sigaw ko ng makitang lumapit yung sinampal ko. Pogi pa naman sana kaso mukhang manyak. " Get in the car! " Sigaw ni Steven. Bubuksan ko pa lang yung kotse ng hinigit ni Kuya yung braso ko at sa isang iglap nakapalibot na yung kanang braso niya sa leeg ko. " Tulongan mo ako Steven! " Sigaw ko. Sadyang madilim sa parteng ito at hindi masyadong nadadaanan ng mga tao kaya alam kong walang may makakatulong sa amin. " Fck! " Sigaw ni Steven at sinipa sa tyan ang naka uniform kaya napahiga ito. " Argh! B-bitiw-wan mo ahhkk ko! " Kulang na lang maghalo ang kulay blue at purple sa mukha ko. Napakahigpit ng pagkakasakal ni Kuya sa akin kaya naman kinagat ko ng sobrang sobra ang braso niya at medyo maparat yung lasa ng balat niya. Pweh! Anong lotion ba ang gamit niya? " Manyak ka! " Sigaw ko ng kumalas yung braso niya sa leeg ko. Napa upo pa ako ng marahas niyang akong binitawan. " Aray! " Masakit sa pwet yun ah! Naitukod ko pa yung kanang siko ko at agad itong humapdi ng iangat ko para tignan. " Tang*na ka! " Tumayo ako ng minura ako ni Kuya kaya agad na sinipa ko siya sa ano niya dahil nataranta na ako kaya napasigaw siya sa sakit. Nakalimutan kong may takong pala yung sapatos ko ngayon. " Sorry po, Kuya. " Pagharap ko kay Steven ay saktong sinipa niya sa dibdib ang matangkad na nakahiga na sa tabi ng naka uniform. " Ahh! " Hinawakan ni Kuya yung isang paa ko habang naka upo siya sa tabi ko at sa isang iglap napa upo ako sa tabi niya. Sa pagkakataong ito dalawang siko na ang naitukod ko at naramdaman ko talaga yung sakit pati na rin sa paa ko. Mukhang nabali pa yung paa ko! " Magbabayad ka sa ginawa mo! " Sigaw niya at marahas na hinawakan ang braso ko. Pumikit ako ng makitang susuntokin na ako ni Kuya pero napadilat ako nung narinig ko siyang sumigaw. " Tan*ina mo, Saavedra! " Sigaw niya at hinawakan ang dumudugong ilong niya. " Sa susunod siguraduhin niyo kong sino yung binabangga niyo. " Pagbabanta niya at hinigit niya ako papasok ng kotse niya. " Aray! Teka lang! " Masakit yung siko at ang paa ko. Pinulot ko muna yung bag at ruler ko bago tumayo at paika-ikang pumasok sa kotse niya. Nang makapasok na ako ay agad niyang pinaharurot yung kotse palayo sa tatlong adik. " Aray. " Inunat ko yung legs ko at naramdaman ko talaga yung sakit sa kanang paa ko. Tinignan ko rin yung dalawang siko ko at nagdudugo ang mga to kaya naman kinuha ko yung panyo ko at tinali sa kanang siko ko. Naitukod ko kasi yun ng dalawang beses. Nahirapan pa ako sa pagtali at kumuha ng tissue para punasan ang kabilang siko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ikaw kayang mabalian ng paa, masakit na pwet at may sugat sa dalawang siko. Pinupunasan ko agad yung tumutulong luha ko. Ano na lang yung idadahilan ko pagnakita ni Mama to? Paano ako makakapasok bukas eh parang nabali yata yung paa ko. Tahimik lang si Steven sa tabi ko habang nagda-drive. Sinundan ko ng tingin yung kamay niya sa manibela at nakitang may sugat ito. Napatingin ako sa mukha niya at nakitang may dugo sa labi at sa kanang kilay niya. " Tara na. " Sabi niya at nakita kung nagpark siya sa harap ng emergency room ng kanilang hospital. " T-teka lang. " Wala akong perang pambayad! " Siya na ang nagbukas ng pintuan at dahan-dahan naman akong bumaba. Napangiwi pa ako sa sakit nung makalabas ako ng kotse. " Masakit ba? " Tanong niya at tumango ako. May tinawag siyang lalake at maya-maya ay may dala na itong wheel chair papalapit sa amin. Pina upo ako ng lalakeng naka pula at pumasok kami ng ER. Nakasunod lang si Steven hanggang sa nilipat ako sa isang kama. Umupo lang ako dun at si Steven naman ay nakatayo lang sa harap ko. " Sir Steven. " Bati ng isang babaeng nurse at lumapit sa amin. " Call, Kuya. " Sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin. Bigla naman akong natakot kaya naman yumuko ako. " Yes, sir. " At umalis ang babae. Maya maya ay may gwapong Doctor na lumapit samin. Siomai! Ang gwapo niya at mukhang bata pa! " Bro. " Sabi niya at tinapik sa likod si Steven. Oh my gosh! Ito pala ang kuya ni Steven! " Tssk. Sa susunod na mapa-awaay ka wag mong idamay yung girlfriend mo. " Naka ngisi nitong sabi at nilapitan ako. " She's not my girlfriend. " Naiinis niyang sabi. Agad na hinawakan ng Kuya ni Steven ang siko kong may panyo at kinalas ito. Ini-examine niya ito pati narin ang isang siko ko. " Miss Gomez pakikuha ng bandage at betadine. " Sabi ng Kuya ni Steven. " I think she sprained her ankle. " Sabi ni Steven at agad kinuha ni Doc yung kanang paa ko na namumula na ngayon. " Ice pack na rin Miss Gomez. " Tumango ang nurse at mabilis na umalis. " Ano ba ang ginawa mo sa magandang binibini, Steven? " Tanong ni Doc. " Wala. " Umupo rin si Steven sa kama pero malayo ito sa akin. " Pagdating ng nurse ay pinahiga ako ng maayos ng Kuya ni Steven. Nilagyan niya ng ice pack yung paa ko at ginamot naman ng babaeng nurse yung sugat sa siko ko. Si Steven naman ay ginagamot ng kanyang Kuya. Nakabusangot pa ito habang pinapagalitan siya. " Gusto mo ba talagang masira yang mukha mo? Sa susunod na makipag suntokan ka magsuot ka ng helmet. " Medyo napatawa pa ako sa sinabi ng Kuya niya. " Magkadugo talaga kayo ni Sugar. Ang titigas ng ulo niyo! " Sabi niya at diniinan ang cotton na may betadine sa kilay nito. " Miss Gomez after 15 minutes kailangang ma xray yung paa ni.. Anong pangalan mo? " Nakangiti niyang tanong. " Alyana Jade po. " " Ok. Kailangang ma xray ang paa mo Miss Jade para makasigurado tayo. " Tumango ako tahamik na minamasdan ang nurse habang nilalagyan ng bandage yung siko ko. Matapos na ma xray ang paa ko ay nilalagyan na ni Doc Samuel ng elastic bandage ang right ankle ko. " Mabuti na lang at first degree lang yung sprain mo. You have to put ice, three to four times a day for 10 to 15 minutes ang na sprain mong ankle. Kailangan lagyan ng pressure pag-ilalagay itong elastic bandage and wag masyadong maglakad. " Paalala niya. " Yes, Doc. " " Sige, maiwan ko na muna kayo. " Nakangiti itong umalis kaya kami na lang ang naiwan ni Steven. " Tara na. " Napatingin agad ako sa kanya. " T-teka. Wala akong perang pam..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong buhatin. " S-sandali! " Hala! Biglang tumibok ng pagkalakas ang puso ko. Gusto kong magprotesta pero minsan lang to! Minsan lang ako buhatin at makalapit ng ganito sa isang Steven Saavedra. My gosh! Mamamatay na siguro ako nito sa kilig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD