Pagdating ko ng classroom ay sobrang lapad ng ngiti ko. Masayang umupo ako sa tabi ni Joana at nagawa ko pang halikan siya sa pisngi.
" Woah! Anong nangyayari sa'yo? " Manghang tanong niya.
" Wala. I'm just happy. " Sana nasarapan siya sa puto. With love kaya ang pagluto ko nun kaninang umaga.
" Nga pala kaylan niyo ipa-pass yung sa HomGui? " Tanong niya.
" Sabi ni Miss sa Prelim exam. " Next week na yun. Na send na kaya ni Steven yung picture? Emeged! First picture namin yun together!
" Sige, sabay tayo ha. " Tumango ako at nakangiting nakatingin lang sa kanya.
Nung lunch ay hindi na kami naka kain dahil ang walang hiyang Prof namin ay nagbigay ng isang activity na kailangang i-pass mamayang hapon kaya inuna naming gawin ang pagre-research kesa kumain. May klase kasi kami from 1pm to 4 at saktong 4pm dapat ipass yung activity. Puro pa research.
Pagdating ng pang ala-unang klase karamihan sa amin ay gutom at kumakalam ang sikmura. Hindi ko na talaga kinaya kaya naman nag excuse ako at sinabing mag c-cr.
Dumiretso ako ang canteen at bumili ng paborito kung garlic bread, corndog at tubig. Naglelecture lang naman dun si Miss kaya dun ko na lang kinain ang mga binili ko.
Malapit na akong matapos ng pumasok ang mga kalalakihang naka puting uniform. Sa likod ay sina Steven, Newt at Brent na nag uusap.
Umupo sila sa bandang gitna at agaw pansin talaga ang puting uniform nila lalo na si Steven. Tingin pa lang parang sobrang bango na niya panu pa kaya pag nasa tabi mo siya. Pwede na siyang mag model ng ariel!
Umupo siya sa tabi ni Newt na may sinusulat sa makapal niyang libro. Napatingin si Brent sa akin at nginitian ko siya. Bigla niyang siniko si Steven at natatawang tinuro ako.
Kumaway at nag ngising aso ako kay Steven ng makita ako. Nakita ko kung pano pumikit ang mata niya at napa buntong hininga pa siya bago ako tinalikuran at hinarap si Brent na nakangiti.
" Shh. Sungit. " Tinapon ko sa malapit na basurahan ang stick at plastic bago lumabas ng canteen.
Nang nasa labas na ako ng canteen ay tinignan ko muna siya. Nakalingon siya sa kung saan ako naka upo kanina at parang may hinahanap. Hindi ko na lang siya pinansin at tumakbo pabalik ng classroom at baka mahalata na ni Miss na sobrang tagal ko sa cr.
" Ok. Get one half lengthwise. " Bigla akong nanlamig sa sinabi ni Miss.
" San kaba pumunta? " Tanong ni Kissel at binigyan ako ng papel.
" Kumain. Gutom na gutom na kasi ako. Hindi ako kumain kaninang umaga at tanghali. "
Siomai! Anong isasagot ko sa quiz? Corndog? Garlic bread? Steven?
Pinukpok ko na lang yung ulo ko at naghanda para sa itlog kong score mamaya.
Bagsak ang balikat ko ng i-pass namin ang papel. From 1-50, 20 lang yung score ko. For the first time mababa yung score ko. Hindi naman ako matalino kaso conscious talaga ako sa mga grades kaya kahit papanu nag aaral ako para magkaroon ng mataas na grado. Scholar pa naman ako.
" Miss Silva, ba't ang baba ng score mo ngayon? " Nagtatakang tanong ni Miss.
" Preoccupied lang Miss. Sorry po. "
" Preoccupied nino? " Mahinang usal ni Joana at tumawa silang tatlo ni Leah at Kissel.
Matapos naming i-pass yung activity na pinagawa ni Prof Sanchez ay umuwi na ang mga kaibigan ko. Pagdating ko sa sakayan ng jeep ay napag pasyahan kong pumunta na muna ng internet cafe at tignan yung f*******: ko baka nai-send na ni Steven yung picture namin.
Medyo malapit sa tindahan kung saan nagyoyosi sila ni Steven yung internet cafe kaso makitid papasok. Medyo tago kasi ang internet cafe na ito kaso malaki pag nasa loob kana dahil maraming kabataan ang nagdo-dota doon.
" Tang*na wag mo akong iwan! " Sigaw ng isang high school student.
" Tang*na bilisan mo! " Sigaw ng nasa tabi niya.
" P*cha! Tumahimik nga kayo! " Sigaw naman ng nasa likod nila.
Napa ngiwi ako dahil sa pagmumura nila. Napaka bata pa ng tatlong to kong maka mura sobrang sakit sa tenga. Marami sila kaso ang iba tumatawa lang.
Dun ako umupo malayo sa mga high school students dahil ayaw kong magulat everytime na sisigaw sila. Ang iba kasi may pahampas-hampas pa habang sumisigaw.
Matapos kong mag log-in ay agad akong pumunta sa messages. Kuminang ang mata ko ng makita ang message ni Steven.
Steven Ryle Saavedra sent you a photo.
Kinagat ko yung bibig ko para maiwasang sumigaw. Soimai! Sinend niya nga yung picture! Pero bad news ni hindi niya inaccept yung friend request ko pero ok na, atleast may picture na kami.
Natawa pa ako sa mukha namin. Ako lang yung nasiyahan dahil sobrang lapad ng ngiti ko habang siya naman ay naka poker face lang.
Mabilisan kong ginawa yung project at agad na pina-print yung picture naming dalawa. Isang malaki at isa naman ay maliit na kakasya sa wallet ko.
Matapos kong magbayad ay lumabas na ako at nakangiting naglakad palabas ng makitid na daan. Medyo madilim na ng makalabas ako ng tuluyan. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Steven na mag-isa at naka sandal sa kanyang sasakyan na naka park sa ilalim ng isang punong kahoy.
Maingat na lumapit ako sa kanya at nang maramdaman niya ang presensya ko sa likod niya ay agad siyang humarap sa akin.
" What the fck. " Mahina niyang mura ng makilala ako.
" Hello. Salamat pala sa pagsend sa akin ng picture ha. First picture pa naman natin yun. Hehehe. "
" Whatever. " Bored niyang sabi at humithit ng yosi.
" Masarap ba yung puto? " Medyo lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa gutter malapit sa kanya habang siya ay nakatayo lang at nagyoyosi.
Inirapan niya lang ako at umiwas siya ng tingin.
" Nga pala yung tupperware ha. Para madalhan kita ulit bukas ng umaga. Mahal kaya yung tupperware. " Panget naman kasi kung sa plastic ko ilagay yung puto. Magmumukhang hindi special.
Malamig niya akong tinignan bago binuksan yung kotse niya at nabigla pa ako ng mahina niyang tinapon sa lap ko yung tupperware.
Napangiti ako ng makitang wala ng laman yung tupperware. Ibig sabihin naubos niya ang puto? Oh my gosh!
" Masarap ang puto ano? Ang galing ko talaga. "
" Go home. " Maikli niyang sabi at nagsindi ng isa pang yosi.
" Ba't ka nagyoysi? " Masama kayang mag-yosi.
" Pakialam mo? " Kunot noong tanong niya.
" Masama kaya yan. "
" Alam ko. Umuwi kana nga! " Inis niyang sabi.
" Maya na nandito kapa nga eh. " Ngumisi ako sa kanya at kita ko kong panu umasim ang mukha niya.
Maya maya ay may tatlong lalake na dumaan at napahinto sila ng makita ako. Kinabahan agad ako kaya tumayo ako at lumapit kay Steven.
" Aba! May girlfriend na pala itong si Saavedra. " Sabi ng matangkad at nagtawanan sila.
Napahawak na talaga ako sa braso ni Steven at nakita kong tinapon niya yung yosi at inapakan.
" Ganda ng girlfriend natin ah. " Ngisi ng isa na suot ang uniform ng kabilang university.
" Masarap ba yang babae mo Saavedra? " Natatawang tanong ng nasa gitna.
Humigpit ang kapit ko sa braso ni Steven at kulang na lang ay magtago ako sa likod niya.
Nahigit ang hininga ko ng hinawakan ni Steven ang kamay ko at tinago sa likod niya. Wala akong panahong magsisigaw sa kilig ngayon dahil natatakot na ako.
" Hindi parin kayo nadadala? " Tanong ni Steven sa kanila.
" Hoy Saavedra! Wag kang magyabang dahil wala ang mga kasama mo ngayon. " Naiinis na sabi nung nasa gitna.
" So? " Sabat naman ni Steven.
Nakita ko kong panu sumugod yung nasa gitna at hindi pa siya nakalapit ay agad na siyang nasuntok ni Steven.
Oh My Gosh!
Tumili ako ng sumugod na rin yung dalawa sa kanya. Oh my gosh! For the first time live kong nakikita kong panu makipag away si Steven.
Oh my gosh! What to do? Ayokong masuntok!