CMB 9

1209 Words
Kahit nakakatakam ang mga pagkain na nakahain sa lamesa ay wala parin akong ganang kumain. Sobra akong nalungkot sa sinabi niya kanina na ramdam na ramdam ko talaga ang sakit sa dibdib ko. Panay ang lunok ko dahil sumasakit yung lalamunan ko sa kakapigil ng hikbi at luha. Tumunog ulit yung phone ko at si Kissel naman ang nagtext. From: Kissel Nasaan kana ? Sa mall na kami. To: Kissel Ok. Pupunta ako dyan. " Uhm. Tapos na ako. " Kahit walang bawas ang nasa plato ko. " Ok. " Maikli nitong sagot. " Pwede na bang umalis ? Pupunta pa kasi ako ng mall. " " Ok. " Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin kaya naman tumayo na ako. " Aalis na ako. S-salamat ha. " At walang lingon na lumabas ng kanilang hotel. Nag lakad lang ako ng konti at tumigil para pumara ng jeep. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang gilid ng aking mata. Sakit palang umasa no? Umasa sa taong gusto mo na hindi ka gusto. Hindi ko namalayan na pinagtitinginan na pala ako ng mga tao lalo na ng batang nasa harap ko. Hilaw akong ngumiti sa kanya at sa Mama niya. Pinigilan ko narin ang pagtulo ng luha ko. " Para po. " Nang nasa tapat na ako ng mall ay nagtext ako sa kanila na malapit na ako. From: Kissel Nandito kaming lahat sa Starbucks. Nag ayos muna ako ng sarili sa comfort room bago nagpakita sa kanila. Baka mahalata nilang umiyak ako at kung anong tukso naman ang maabot ko sa kanila. " Oh! Ang ganda natin ah! " Sabi ni Joana. Umupo ako sa tabi niya at medyo awkward kasi ako lang yung walang ka date. " Tapos na kayong mag date? " Tanong ni Leah. " Yeah. " Yung naguumapaw kong energy kanina ng makita ko siya kaninang umaga sa bahay ay naubos lahat ng dalhin niya ako sa kanilang hotel. " Ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Kissel. " Medyo masakit lang yung paa ko. " Panu ko ba sasabihin sa kanila na gusto ko ng umuwi? " Let's go?" Sabi ni Joana. Nagsitayuan na kaming lahat at kapansin-pansin talaga na ako lang yung na iba sa kanila. " Uhh. Kiss, Jo, Le. Pwede bang mauna na ako? May gagawin pa kasi ako sa bahay. " Gusto ko kasing magkulong sa kwarto at matulog hanggang bukas. " Ganun ba? Sige, ingat ka ha. " Matapos kung magpaalam sa kanila at sa mga kasama nila ay pumunta muna ako ng NBS at bumili ng kakailanganin sa mga natitirang projects ko. Bumili rin ako ng fries, cokefloat at spaghetti para kay Kyle bago umuwi ng bahay. Pagdating ko ay natutulog si Nanay sa sofa habang naglalaro lang sa tabi niya si Kyle. " Te! " Sigaw niya ng makita ako. Agad siyang tumayo at niyakap ako. " Dinalhan kita ng favorite mo. " Nilabas ko yung spaghetti at agad na nagsisigaw si Kyle. " Yehey! T...you, Te. " ( Thank you, Ate) Hinalikan ko siya sa pisngi at pinaupo sa sofa. Nang maayos na ang pagkaka-upo niya at nilagay ko sa lap niya ang spaghetti. Pumasok ako ng kwarto at nagbihis. Magkukulong na sana ako ng kwarto ng marinig ko si Kyle na tinatawag ako. Tumabi ako sa kanya sa sofa at naaaliw na nakatingin lang sa kanya habang kumakain siya. Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya tinulungan ko na lang si Mama sa pagbebenta ng puto. Pagkatapos kung magbenta ng puto dito lang sa kanto ay umuwi ako para makapagluto ng ulam at ibenta sa site. " Oh Jed nasaan na ang kasintahan mo? " Tanong ni Mang Lito. " Ito namang si Mang Lito kung makapagsabing kasintahan. Hahaha. " Inabot niya sa akin ang kanyang bayad at sinuklian siya. " Hala. Nalaman ni Bugrong na may dinala kang pogi dito Jed kaya ayun umiyak kahapon. " Sabi ni Junior at nagtawanan silang lahat. " Patay na patay pa naman yang si Bugrong sa'yo, Jed-jed. " Sabi ni Mang Asor. " Wala kayang binatbat si Bugrong dun sa pogi at mayaman siguro yun sa kutis pa lang. Hahaha. " Sabi naman ni Mang Kanor. " Baka nadapa na si Bugrong dun sa market kakasabi niyo ng pangalan niya. " OA rin kasi ang isang yun. Matapos kung magbenta sa site at dumiretso ako sa market. Sa b****a pa lang ay nakita ko na si Bugrong na para bang may hinihintay. Magulo ang market ngayon dahil linggo at maraming tao ang bumibili. " Jed-jed mylabs! " Sigaw ni Bugrong ng makita niya ako kaya napapikit ako at iniwasan siya. Pinagtitinginan kasi siya ng mga tao. " Pwede ba Bugrong. " Inis na nilampasan siya at naglakad papuntang pwesto ni Mama. " Sino yung poging sinama mo kahapon? Sino yun Jed-jed? " Tanong niya habang naka buntot sa akin. " Hindi mo pa nga ako sinasagot may dumagdag na naman? " Naiinis niyang tanong. Tumigil ako at hinarap ang pawisan na mukha ni Bugrong. " Hoy Bugrong! Hindi ako nagpapaligaw lalo na sa'yo atsaka tigilan mo nga ako. " Inirapan ko siya at nagsimula muling maglakad. " Matagala na kaya akong nanliligaw sa'yo at humingi ako ng permiso kay Tita Michelle na ligawan ka at ang sabi niya ok raw. " Kung pwede lang talagang i-semento ang bibig ni Bugrong matagal ko ng ginawa yun. " Edi dun ka manligaw kay Mama. " Kaya minsan lang ako pumupunta dito kasi naiirita ako sa kanya. Bigla akong napa isip. Pareho pala kami ng nafe-feel ni Steven. Ako naiirita kay Bugrong siya naiirita sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at binilisan ang paglakad para makalayo kay Bugrong. Hapon na ng makarating ako ng bahay. Nasa sala sina Nanay at Kyle nanonood ng tv. Umupo ako sa tabi ng kapatid ko at nag-inat. Pagod na pagod ako ngayon. Dinagdagan pa kanina ni Bugrong na kinukulit ako hanggang sa sumakay ako ng tricycle pauwi. Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay at bumili ng kape para kay Steven. Tanga na kung tanga kape lang naman eh. Agad akong naghintay sa parking lot at wala pang limang minuto ay bumaba siya sa kanyang sasakyan. Agad na nagsalubong ang kilay niya ng makita ako. " Goodmorning. " Nag isip-isip kasi ako kagabi. Kahit na ganun ang tinrato ni Steven kahapon tatanggapin ko yun bilang isang challenge. Katulad ni Bugrong dapat hindi na ako magi-give up ngayon pa na kilala na ako ni Steven. " I told you to fcking stay away from me. " Agang aga nagmumura na ang isang to. " Coffee? " Nilahad ko sa kanya ang kape at tinignan lang niya ako ng masama. " Teka. May dala pala akong puto para sa'yo. " Kinuha ko yung puto na nakalagay sa kulay pink na tupperware at nilahad rin sa kanya. " Maraming cheese yan at medyo mainit pa. " Nakangiti kung sabi sa kanya habang siya ay nalilitong nakatingin lang sa akin. Nang hindi pa sya gumalaw ay nilagay ko sa kamay niya ang mainit na kape ang at ang puto. " Enjoy! " At mabilis na tumakbo papalayo sa kanya. Baka isuli pa nun sa akin ang puto at kape. Hehehe. Way to go, Jade. Fighting!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD