Chapter Six

4116 Words

ILANG ulit ng binabasa ni Marisse ang huling text message sa kanya ni Kevin. Iyon na rin ang ikatlong araw na hindi siya lumalabas ng bahay nila simula ng dumating siya galing ng Seoul. I miss having you here beside me. I want to see you. Sa hindi mabilang na pagkakataon, sa tuwina'y naluluha pa rin siya sa tuwing binabasa niya ang mensahe nito. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sakit na nararamdaman. Nasasaktan siya sa mensaheng iyon, dahil pareho sila nito. She felt the same way. Ang pagkakaiba nga lang nila ni Kevin, hindi niya kayang makita ito. Hindi dahil sa galit siya dito, kung hindi ayaw niyang makita ito kasama ang ibang babae. "Hija, are you awake? Can we come in?" Napapitlag siya ng marinig ang boses ng Lolo niya. Mabilis niyang pinahid ang mga luha. "Pasok po," sagot niya,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD