NAROON si Marisse sa bahay ng Lolo at Lola niya ng mapansin niya din si Susane, malungkot ito at tila malalim ang iniisip. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago niya nilapitan ito. "Hi, are you okay?" tanong niya dito. Tipid na ngumiti ito, saka umiling. "Not so," sagot nito. "Bakit? Nag-away ba kayo ni Kevin?" tanong pa niya. Umiling ito. "No," usal nito. "Iyon naman pala eh, bakit malungkot ka?" "I'm really having this doubt on this wedding." Anito. Kumabog ang puso niya. Hindi niya alam kung tama ang narinig niya. Hindi kaya sinabi na ni Kevin dito ang tungkol sa nakaraan nila? Kung oo, bakit hindi siya inaaway nito? "Really?" "Yes," sagot nito, sabay tango. "I don't know. It's just that, I have this feeling that I don't have his heart until now. Na naaawa lang siya sa a

