"ANO 'yan?" tanong ni Marisse sa kakambal niya. Sinamahan siya nito sa rooftop garden nila, may dala itong gitara at isang papel. "A song. Narinig ko 'to sa radyo kanina. Naisip ko, tamang-tama sa'yo. Kaya kinuha ko yung chords pati lyrics." Sagot nito. Kinuha niya ang papel at pinag-aralan ang guitar chords ng kanta. Nang bahagya na niyang makabisado ay sinimulan na niyang tugtugin ang gitara. Ilang ulit niyang pinractice ang kanta hanggang sa makabisado niya. "And maybe that was the biggest mistake of my life. And maybe I haven't move on since that night. Cause it's twelve fifty one, and I thought my feelings were gone. But I'm lying on my bed. Thinking of you again, and the moon shines so bright. But I gotta dry these tears tonight. Cause you're moving on and I'm not that strong to h

