"Dumating na ba si Gwen?" ang tinanong ni Rona kay Miguel habang nagpupunas naman ito ng mga lamesa. "Si Gwen?" aniya sabay nilibot niya ng tingin ang kanilang paligid. "Wala pa yata siya. Hindi ko pa siya napapansin magmula kaninang umaga pa." Ang tinugon niya sa dalaga at muli niyang pinagpatuloy ang ginagawa niyang pagpupunas. Napadaan naman si Paula sa gawi ng binata at napansin niya sa hindi kalayuan si Rona na tila ay may hinahanap at may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha. Napalingon naman bigla si Miguel sa kaniya at gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi. "Bakit, Paula? may kailangan ka ba?" usisa nito sa dalaga. Nabaling naman ang atensyon ni Paula kay Miguel na nakangiti pati na ang mga singkit nitong mga mata. "Si Rona iyon, hindi ba?" turo niya gamit ang kaniyang

