Walang kamalay-malay si Gwen na si Rona ang may pakana ng lahat at ang bumili sa kaniya upang gawin siyang isang hostess nito. Malaki kasi ang paniniwala ni Rona sa kaniyang sarili na si Gwen ang kasagutan sa lahat ng mga problema niya. Pagkatapos nilang magkasunduan ng sarili nitong ina ay kaagad din niyang pinasundo si Gwen sa mga tauhan nila. Tangging ang pagkakaalam lamang ng dalaga ay binenta siya ng sarili niyag ina sa mga hindi kilalang tao, subalit hindi niya alam na ang taong tinuturing niyang matalik na kaibigan ay ang siyang puno't dulo ng lahat kung bakit siya napariwara ng landas. Walang nakakaalam ng tungkol doon, maliban na lamang sa misteryosong lalaki na nagmamay-ari ng night club na iyon at kay Rona. Wala ring nakakaalam tungkol sa relasyon nilang dalawa at tungkol sa m

