bc

My Husband In Exchange For Yours

book_age18+
352
FOLLOW
1.6K
READ
billionaire
love after marriage
arranged marriage
scandal
CEO
bxg
serious
betrayal
cheating
seductive
like
intro-logo
Blurb

WARNING:

MATURE CONTENT! PLEASE DON'T READ IF YOU'RE UNDER EIGHTEEN.

This story follows two married couples struggling to understand the true meaning of marriage and the sacredness of their vows.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue A V E R Y Purong galit ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang babaeng nasa harap ko. Ang babaeng dahilan kung bakit magulo ang buhay ko ngayon. Ang babaeng sumira ng dapat ay tahimik at masaya naming buhay. She ruined everything for me, and as I stare at her right now, I can't help but feel disgusted. After what she did, I'm wondering how she slept at night. She doesn't just destroy marriage. She ruined my life, and for that, I will never forgive her. I grinned without humour. I despise her. If only I could hurt someone, I would want to hurt her. I want her to feel what I've been through. She ruined everything for me. "You are my husband's mistress?" Nanginig ang boses ko sa galit. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng tao... sa lahat ng babae. Siya lang pala. Ang galing nga naman talagang maglaro ng tadhana. Sa dinami-dami ng babae sa mundo, siya pa talaga. O baka naman hindi ito basta nagkataon lang? Perhaps she planned all of these. She purposefully ruined our marriage and caused me to fall in love with someone I should not have. And perhaps Riley has a part in this scheme. Ngunit imbes na makitaan ko ng takot ang kanyang ekspresyon ay parang nagmamalaki pa ang reaksyon na ibinalik niya sa akin. Ngumisi siya at umiling-iling na para bang natatawa sa akusasyon ko sa kanya. Para bang isang katatawanan sa kanya ang lahat ng ito. She's evil! Kung paano niya nagagawang ngumiti ng ganito pagkatapos ng ginawa niya ay hindi ko na alam. "Your husband's mistress? Really?" Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. Hindi ako makapaniwalang may gana pa siyang umakto ng ganito gayong huling-huli na siya. "Oh, please, walang kabit ang asawa mo. Hindi ba ikaw ang may kalaguyo?" I was taken aback. "What? Are you surprised? Do you think I don't know? You honestly thought I had no idea you were seeing my husband? Oh, please. I'm not as stupid as Cole. He's too in love with you na hindi niya nakikita kung anong klaseng babae ka talaga. You are a f*****g w***e. You disguise yourself as a respectable woman when you are not. You're a liar. Unsatisfied b***h! You are nothing but a f*****g w***e!" Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay dumapo na ang palad ko sa kanyang pisngi. Hindi ko maisip kung paano niya nagagawang sabihin sa akin ang mga ito gayong siya itong may kasalanan ng lahat. Kung hindi siya kumabit sa asawa ko hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kung hindi siya pumasok sa buhay namin ng asawa ko hindi kami magtatagpo ni Riley. Nanginig ang palad ko. "Ang kapal ng mukha mong tawagin ako ng ganyan habang inaagaw mo ang asawa ko sa akin. Kung meron mang hindi makuntento dito, ikaw 'yon! Alam mong may asawa siyang tao pero anong ginawa mo? Nanghimasok ka pa din! Wala kang respeto sa relasyon ng iba. Wala kang respeto sa sarili mo! Alam mong kasal na 'yong tao pinagpilitan mo pa ang sarili mo! Wala ka bang delikadesa? Babae ka din at alam kong alam mo ang pakiramdam na maloko ng taong pinakamamahal mo at ng taong pinagkatiwalaan mo ng buong buhay mo. How could you? Paano mo nagagawang matulog ng mahimbing sa gabi habang may nasasaktan kang tao?" Walang ekspresyon niya akong tinitigan lang. Hindi ko alam kung anong klaseng babae ang nasa harapan ko ngayon. Isa lang ang alam ko. Wala siyang puso. "Ngayon alam ko na kung bakit hindi ka magawang mahalin ng sarili mong asawa dahil hindi ka karapat-dapat mahalin. No one should love you. You're useless piece of garbage. Nobody will ever love you because you do not deserve to be loved. You're evil!" Nagbago ang ekspresyon niya ng ilang sandali pero agad din iyong bumalik sa dati na malamig at matigas. Na para bang sanay na siyang makarinig ng ganitong salita kaya wala na lang sa kanya kahit ano pa ang lumabas sa bibig ko. "Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin. Pareho lang tayo, Avery, huwag kang magmalinis. Wala akong pakialam kahit makipagkita ka sa asawa ko at paulit-ulit niyong gawin iyon. Iyong-iyo na siya kung gusto mo. Pero hindi deserve ni Cole ang panlolokong ginagawa mo sa kanya! Kung ayaw mo na sa kanya, pakawalan mo siya! Makipaghiwalay ka sa kanya! Huwag mo siyang gawing tanga ng ganito!" The audacity of this woman. Really? "Para ano? Para maging malaya kayong dalawa? Para mapunta siya sa'yo? Ang galing mo din, ano? Willing kang ipamigay ang sarili mong asawa kapalit ng asawa ng iba. Pwes, sa'yong-sa'yo na ang asawa mo pero hindi kayo magiging malaya ni Cole! Hinding-hindi ko siya isusuko para lang mapunta sa'yo. Habang buhay kang magdusa dahil hinding-hindi mo makukuha ang asawa ko. Pakisabi na lang kay Riley na tigilan na ako dahil hinding-hindi ko iiwan ang asawa ko para sa kanya. He's just a distraction. I will never give up my husband for him, though I must admit that I did enjoy his company." I grinned, even though my heart was pounding so hard as I said that. "How about we make a deal? My husband in exchange for yours." Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. She's crazy! This woman is crazy! "You're desperate!" Hindi ko mapigilang mapailing. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Tila ba sinasadya niya akong asarin ngayon. Tila may gusto siyang patunayan o gusto niya lang talaga akong mas lalong saktan. Bakit? Hindi ko maintindihan. Anong ginawa kong masama sa kanya para saktan niya ako ng ganito? "Yes, darling, I am aware. How about you? Are you aware that you have feelings for someone else's husband?" "That's not true. I have no feelings for Riley and would never trade my own husband for him. Lalong hindi ko hahayaang magtagumpay kang sirain kaming dalawa ng asawa ko. Habang buhay kang maghintay, hinding-hindi mapapasayo ang asawa ko. Hinding-hindi ko siya pakakawalan. Walang magpapaubaya. Hindi ko siya iiwan para sa huli mapunta lang sa'yo. Sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya. Maghintay ka habang buhay. Mamatay ka kakahintay na maghiwalay kami. Hindi ako papayag na makuha mo siya sa akin." "Really? Hindi mo kayang iwan ang asawa mo para kay Riley? Eh, ano pala ang namamagitan sa inyong dalawa kung ganoon? Do not tell me that he is just your boy toy. Kawawa naman ang asawa ko ginagamit mo lang pala." "He is nothing to me. I told you he's just a past-time to me. I needed a diversion because my life is a mess this past few weeks, and he provided me that. But that doesn't mean that I am in love with him. Hindi ko mahal si Riley at hindi ko magagawang ipagpalit ang asawa ko sa ibang lalaki. Kahit sino pa 'yan. Kaya pakisabi na lang sa kanya na tigilan na ako at ikaw tigilan mo na ang asawa ko kung ayaw kong sa korte tayo magtuos." Ngumisi siya. "Alam mong may laban ako sa'yo kung sa korte tayo magtutuos. You have an affair with my husband, remember? Kaya hindi mo ako matatakot sa ganyan." Umigting ang aking panga. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang kapal ng mukhang sabihin ang mga ito sa akin na para bang ako pa ang may malaking kasalanan sa kanya. "Ano bang gusto mo sa akin? Ang asawa ko? Pwes hinding-hindi ko siya ipapaubaya sa'yo. Magkamatayan na tayo." "Kung ganoon paano si Riley?" "Iyong-iyo na siya! Hindi ko siya mahal, wala akong kahit katiting na nararamdaman sa kanya! Siya lang itong habol ng habol na parang aso! Bakit kasi imbes na ang asawa ko ang atupagin mong landiin, bakit hindi ang asawa mo ang pagtuunan mo ng pansin ng hindi lapit ng lapit sa akin?" Imbes na mainis ay mas lalo pang lumawak ang ngisi niya sa sinabi ko ngunit hindi pa ako tapos. "I'm sick of seeing his face every f*****g day. Pakisabi sa kanya na ayoko nang makita pa siya ulit. Layuan na niya ako dahil kahit anong gawin niya hinding-hindi ko iiwan ang asawa ko para sa kanya." "Narinig mo naman siguro ang sinabi niya, hindi ko na kailangan pang ulitin. I told you, she's just using you..." Mabilis akong napalingon sa likod ko kung saan nakadirekta ang mga mata ni Audrey. Nakatayo hindi kalayuan sa amin si Riley, hindi mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at na-estatwa sa pwesto ko, hindi ko alam kung bakit sobrang lakas at sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Naninikip din ito at parang may tumutusok dito na hindi ko maintindihan. Saglit akong tinitigan ni Riley sa ganoong ekspresyon bago siya tumalikod at nagsimulang humakbang papalayo. "Akala ko pa naman matino kang babae. Lagi kang ipinagmamalaki sa akin ni Cole, pero pareho lang naman pala tayo. Ang kaibahan lang natin, isa lang akong magmahal. Piliin mo si Cole kung siya talaga ang mahal mo, pero subukan mong makipagkita ulit sa asawa ko hindi ako magdadalawang isip na sabihin kay Cole ang namamagitan sa inyong dalawa. Your husband genuinely loves you. He is completely committed to you. I hope you are also committed to him. Don't ever meet up with my husband again." Hindi ako nakapagsalita. Tila biglang nawala lahat ng tapang ko. Nang makita ang ekspresyon ng kanyang mukha tila bigla akong nanghina at naubos lahat ng lakas ko. Mas lalong naginig ang kamay ko ngunit hindi na dahil sa galit. May iba na itong dahilan at hindi ko maintidihan kung ano iyon. Nagsimula na siyang humakbang palayo upang sundan si Riley. Habang ako naman ay naiwan sa kinatatayuan ko, tulala at hindi malaman ang gagawin. Gustong maiyak sa hindi malamang dahilan ngunit bago pa bumagsak ang mga luha sa mga mata ko ay may mainit na palad ang humawak sa braso ko. Mabilis akong hinila ni Cole at niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin at halos hindi ako makahinga. Para bang mawawala ako sa kanya kung hindi niya hihigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Baby, I'm so sorry... I did not know..." Halo-halo ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Para akong tinakasan ng lakas at wala ng nagawa pa kundi ang ipaubaya ang sarili sa yakap ni Cole. "I want to go home..." Tila naramdaman niya ang panghihina ko kung kaya't agad niya akong binuhat at dinala sa kanyang sasakyan. Ilang minuto akong nanatiling tulala habang nagmamaneho siya. Nang huminto ang sasakyan niya ay mabilis kong kinalas ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan. Dirediretso ako sa loob ng kwarto namin ng walang sinasabing kahit anuman sa kanya. "Baby, let's talk... I need to explain." "I don't want to hear your explanation right now. Please leave," walang gana kong sabi. "Baby, please... You need to know the truth. I don't want us to be like this anymore. I miss you so much. I miss us. I understand now why you're acting this way. Please, baby, let me explain. I want you to hear me out first. Please let me explain." I shook my head. "Not now, Cole, please. I am tired." "How about me? Tingin mo ba hindi ako napapagod? Pagod na pagod na din ako, Avery! Pagod na ako pero araw-araw kitang iniintindi. Pagod na ako pero araw-araw pa din kitang pinipiling mahalin. Ngayon, pwede bang pakinggan mo naman ako. Ako naman ang intindihin mo. Ako naman ang pakinggan mo." Umiling-iling ako. Muling bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. "I can't. Please, iwan mo na muna ako. I want to be alone." Madilim ang mga mata niya at mas lalo pa itong dumilim sa nakuhang sagot mula sa akin. Pumikit siya ng mariin na tila ba hirap na hirap na siya sa akin pero pinipilit pa ding magtimpi. Isang malalim na buntong hininga bago siya muling dumilat at iniwan ako sa aming kwarto. "Magpahinga ka na," aniya at agad nang umalis ng kwarto namin. Pumikit ako ng mariin habang dinadama ang kirot na kanina ko pa dinarama. Para bang hindi na natapos ang sakit na iyon. Tila paulit-ulit itong sinasaksak ng patalim. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang sakit na nararamdaman ko. Sa galit ba o sa kung ano man. Basta sobrang sakit nito at hindi ko malaman kung paano ko patitigilin ang sakit na iyon. Para akong mamatay sa sakit. Naupo ako sa gilid ng kama habang yakap-yakap ko ang aking mga tuhod. Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit sobra-sobra akong nasasaktan ngayon. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari nitong mga nakalipas na linggo. Paanong sa sandaling panahon na iyon ay nasira ang buhay ko ng ganito... Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa akin lahat ng ito. Hindi ko kailanman ginustong makasakit ng tao. Ako ang sinaktan... ako ang niloko pero bakit parang ako pa ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Bigla na lang... Lahat ng galit na nararamdaman ko kanina para kay Audrey ay unti-unting nabalin sa sarili ko. Dahil alam ko... alam ko sa sarili ko na may kasalanan din ako. Nagpatalo ako sa galit. Nagpatalo ako sa nararamdaman ko. This is also my fault.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook