Tanghali na ng makabalik si marco sa mansion ng mga dela fuente at kasalukuyang nasa garden si Dana at nagbuburda. Kinahiligan na niyang mamburda simula pa nung bata siya. Ginagawa niya iyon kapag wala siyang magawa. wala siyang trabaho ngayon kaya nasa bahay lang siya. Pagpasok ni marco sa bahay ay nakasalubong niya si Jelly na may bitbit na basket. “Magandang tanghali po sir.” Bati ni Jelly. “Magandang tanghali. Ang Mam Dana mo asan siya?” tugon ni marco. “Nasa garden po sir.” Turo naman ni jelly at nginitian lang siya ni Marco saka siya dumiretso na sa labahan. Tinungo naman ni Marco ang Garden at agad siyang napansin ni Dana. “Kanina ka pa ba?” tanong niya habang papalapit si Marco. “Just now..nag lunch ka na ba?” sagot niya at umupo sa tabi ni Dana pero hindi siya nilingon ni Dana. nanatili namang nakatingin sa kanya si marco. “Labas tayo.” yaya ni Marco at napalingon naman siya. “You mean Date?” tumango naman si marco. “Since kinasal tayo never pa tayo lumabas na magkasama in public. Total wala ka rin naman trabaho ngayon, labas na lang tayo.” napaisip naman ako. Boring din naman magstay sa bahay at walang ginagawa kaya pumayag na rin ako. “Okay. I’ll go get change.” Sagot ko, saka tumayo at pumasok ako sa bahay. Tuwang-tuwa naman si marco dahil pumayag ang asawa niyang lumabas sila. Maya-maya pa ay bumaba na si Dana. “Let’s go.” Ani Marco. Sumakay na din kaming dalawa at umalis. He park his Car sa harap ng isang restaurant and i look at him. “What are we doing here?” nilingon naman niya ako. “Find something good to eat.” “But i didn’t say i’m hungry.” Nginitian lang niya ako. “But i want to pay a meal.” Nagtaka naman ako sa sinabi niya. “For what occassion?” umupo naman siya maayos at tumingin sa akin. “Nothing. I just want to eat with you.” Sambit niya. hindi ako agad nakapagsalita at nakakatitig lang sa kanya. Agad ko ding binawi ang tingin ko at umupo ng maayos. may kinuha siya sa kanyang bag at inabot kay Marco. “Here...” Isang handkerchief na may burdang M. Napatingin naman si marco sa inabot niya. “Where did you get it?” tanong naman ni Marco. “I made it.” Nahihiya akong ibigay sa kanya dahil simple lang but i made it for him. kinuha din naman niya ang handkerchief. Tiningnan niya ito at nakitang ang burdang M. “It’s nice. You made it for me? But for what occassion?” tanong niya sabay tingin sa akin. Wala akong maisip na dahilan at hindi rin ako makatingin ng diretso kay Marco. “Ummmm... i just want to give it to you. Can’t I?”nilingon ko siya sandali at itinuon ko agad ang tingin ko sa harapan. “I just want to thank you for protecting me last night.” Dugtong ko. “I’m your husband. It’s my duty to protect you.” Napalingon naman ulit ako sa kanya. “Even in your sister?” tumango naman si Marco. “Ofcourse.. but i need you to trust me and lsiten to me. Okay? I know that you’re not a bad person like everybody thinks of you. But try to open your heart, you would be able to see many persons who loves you.” He said. I glanceat him at Nagsalubong ang aming mga mata at sandaling nagtitigan. Nailang naman ako kaya agad kong binawi ang aking tingin. “Let’s go.” Yaya ni ko at mabilis na inalis ang aking seatbelt at lumabas ng kotse. Lumakad ako ng konti at napapikit dahil napasaya niya ako sa sinabi niya pero agad din akong napailing dahil hindi pwedeng mahulog ako sa bitag ni marco. “It’s just a game.” Bulong ko sa sarili. Di naman agad nakababa sa kotse si marco dahil tinitingnan niya ang binigay sa kanya ni Dana. nilingon naman niya si Marco at nagtaka bakit hindi pa ito bumababa. Lumapit si Dana sa driver seat at kinatok ang window. Ibinaba naman ni marco ang window shield. “Hey! bababa ka ba o mananatili ka lang d’yan sa kotse? Akala ko ba ililibre mo ako?” inis kong sabi. “bababa na boss.” Tugon naman ni marco. Inis naman ang mukha ni Dana. pagkababa ni Marco ay lumapit agad siya kay Dana. “Let’s go.” At Sabay na rin silang pumasok sa restaurant. Pagpasok nila sa restaurant ay sinalubong sila ng waiter. “Good afternoon sir.” Nginitian naman ni Marco ang waiter. “Table for two please.” Tumango naman ang waiter. “This way sir..” hinatid naman sila ng waiter. Nasa center sila at medyo marami ang kumakain sa restaurant na iyon. Pinaupo naman muna ni Marco ang kanyang asawa bago siya umupo. Inabot din ng waiter ang menu at agad silang namili. Pagkaalis ng waiter ay tumunog ang cellphone ni Dana at tiningnan niya kung sino ang nagtext. Nahagilap naman ni Marco na nakatingin sa kanyang asawa ang tatlong lalake na nakaupo sa kanilang gilid. Napahinga siya ng malalim sa inis dahil sa pagtitig ng mga ito sa kanyang asawa. Tumayo naman si Marco at hinatak ang kanyang upuan sa tabi ng kanyang asawa at niyakap ito. Nagulat naman si Dana at napatingin sa kanya. “What are you doing?” tanong ko. nilingon naman ako ni Marco. “Well, is it wrong for a husband to embrace his wife?” napakunot-noo naman ako at nagtataka sa kanya. “It’s not wrong but it’s strange. We’re not really husband and wife.” Tugon ko. “But right now, we are because we’re in public.” Napapanganga naman ako at tinaasan ko siya ng kilay. “Are you harassing me?” dugtong ko. “Ofcourse not.” Sagot niya at inilapit ko sa mukha ko sa kanya. “alisin mo nga ang kamay mo. It’s giving me goosebumps” inalis naman ni marco ang kamay niya pagkakayakap sa akin pero inilipat naman niya sa beywang ko. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. “Marco?” hindi sumagot si marco sa halip ay inilapit lang nito ang mukha niya sa akin at nakangiti. Napalingon naman ako sa kabila dahil naaasiwa ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Napatigil naman sa pagtingin sa kanyang asawa ang tatlong lalake. Maya-maya pa ay nai-serve na rin ang kanilang orders. Bumitaw na rin si Marco at bumalik sa kanyang pwesto. Tahimik namang kumain si Dana. paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito. “Babe..” tawag sa kanya ni Marco at napatingin naman siya. “Hmmmm..”sandali pa silang nagtitigan. Bago pa man makapagsalita si Marco ay may napadaan na kakilala nito at binati si Marco. “Marco Sandoval?” sambit ng matandang lalake na naka formal suit. Tumayo naman agad si Marco ng makilala ito. “Mr. Lopez..” at nakipagkamay naman siya. “I’m glad to see you here. Matagal na rin simula nung magkita tayo sa italy. Dito ka na ba ulit sa bansa naka base?” tanong ni Mr. Lopez. “Yes. Ako ang pumalit kay Dad sa mga business namin. So, are you alone?” tugon naman niya. nakatitig lang sa kanila si Dana at nakikinig. “No, i’m with my wife and my Daughter.” Napasulyap naman ang matanda kay Dana at nginitian naman niya ito. “And who is this woman with you?” curious naman ng matanda ang nilingon ni Marco si Dana at nilapitan. tumayo naman si Dana. “This is my wife Dana Marie Sandoval.” Pakilala naman niya at napalingon sa kanya si Dana. kinikilig naman si Dana sa pagpapakilala ni Marco sa kanya. Parang ang sarap sa tenga ang ipakilala niya akong asawa niya. sa isip niya. nginitian naman ni Dana ang matanda at ginantihan din ito ng ngiti saka inilipat ang tingin kay Marco. “Your wife is beautiful Marco. You’re a very lucky man. I won’t bother you then. I just stop by to greet you. I’ll go ahead.” Paalam ni Mr. Lopez at kinamayan siya ulit ni Marco. “Excuse me.” Pagkaalis ng matanda ay naupo na sila ulit. Bumalik naman sa pagkain si Marco at nakatingin lang sa kanya si Dana. napansin naman niya na hindi ginagalaw ni Dana ang kanyang pagkain kaya tiningnan niya ito at kita niyang nakatitig ito sa kanya. “Babe? May problema ba?” tanong niya at napaupo naman ng maayos si Dana. “ha? Wala naman. Hindi lang ako nag-expect na...ipapakilala mo akong asawa mo.” Kumislot naman ang kilay ni Marco at napangiti. “Well, you’re my wife. And i’m very proud to say that.” Napangiti naman si Dana at napayuko. “Thank you.” Tumango naman si marco. “My pleasure.”. at nagpatuloy na sila sa pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay nagpasya silang pumunta ng Mall para maghanap ng mabibili at mamasyal na rin. Magkasunod lang silang pumasok sa Mall at may nakitang Bagong shop si Dana. “Punta muna tayo do’n. Bago yata yang shop.” Yaya niya kay marco at sumunod naman ito. Naupo na muna sa couch si Marco habang tinitingnan ni Dana ang mga damit. Habang tumitingin si Dana sa mga damit ay napansin niya ang dalawang saleslady sa may counter na nagbubulungan at kinikilig. Sinundan naman niya kung saan nakatingin ang dalawang babae. At napataas siya ng kanyang kilay ng makita niyang sa asawa niya nakatingin ang dalawang babae. Wala namang kaalam-alam si marco na may nakatingin pala sa kanya dahil abala siya sa pagbabasa ng magazine. napahinga naman ng malalim sa inis si Dana. pagkatapos ay lumapit siya sa counter. “Excuse me miss.. mukhang kilig na kilig kayo ah.” sambit ni Dana. “Ah yes ma’am. Ang guapo po kasi nung lalakeng nakaupo sa couch. At ang hot!” sagot naman ng babae at napapahampas pa sa kanyang kasama. “Really?” pilit namang nakangiti si Dana kahit na gustong-gusto na nitong sabunutan ang dalawa. “Yes ma’am. Tingnan mo naman. Ang kinis ng mukha, at ang katawan ang sexy.”. sambit ng babae. At nilingon ni Dana ang kanyang asawa. inangat naman ni marco ang kanyang tinginpara tingnan ang asawa. At nang makita nito sa counter si Dana ay nginitian siya ni marco at mas lalong kinilig ang dalawang babae dahil ang akala ng mga ito ay sa kanila ngumiti si Marco. Napakagat naman ng labi si Dana sa pagpapantasya ng dalawa sa kanyang asawa. “Oh my god! Smile pa lang pamatay na.” Hampas ulit ng babae sa kasama niya. napa-cross naman ng kanyang kamay sa dibdib si Dana at nilingon ulit ang dalawang babae dahil nanggigil na talaga siya sa dalawa. “Yes. He has that killer smile. And he has a wife too.” Dugtong naman ni Dana. napatingin naman sa kanya ang dalawang babae. “Talaga ma’am? Paano niyo po nalaman? Kilala niyo po ba siya?” tanong ng babae. “Ofcourse! Because he is my husband! At kapag hindi niyo itinigil yang pagpapantasya niyo sa asawa ko. ipapatanggal ko kayo sa trabaho niyo!” singhal naman ni Dana at napayuko naman sa hiya ang dalawang babae. “Sorry po Ma’am.” Narinig naman ni marco ang boses ni Dana at agad na lumapit sa counter. “Babe what’s happening?” inis namang nilingon ni Dana si Marco. “I want to go home. Nawalan na ako ng gana.” At agad na lumabas si Dana sa shop. Nagtataka namang sumunod si Marco sa kanya. Diretso siyang lumabas ng mall at sumakay sa kotse. sumakay na rin si marco at tiningnan ang kanyang asawa. “Hey, what’s wrong? Why are you mad?” pero hindi siya nilingon ni Dana. “I just want go home. I’m tired.” Napabuntong-hininga naman si Marco at inistart na lang ang sasakyan. Tahimik lang silang nagbiyahe. Sinusulyapan din siya ni marco paminsan-minsan pero nakatingin lang ito sa bintana at nakasandal sa upuan. Hanggang sa pagdating nila sa bahay ay tahimik pa rin siya. Nauna na siyang bumaba at diretsong umakyat sa Kwarto. Hindi naman malaman ni marco kung anong problema niya o baka may nagawa ba siyang mali kaya nagagalit ang asawa niya.