Chapter 37

1949 Words
Dali-dali akong pumasok sa kwarto umupo sa gilid ng kama. “Dan..what’s wrong? May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan? Bigla mo na lang ako hindi kinakausap.” Tanong ni Marco habang papasok siya sa kwarto. Hindi ko siya pinansin at nanatili lang akong nakatalikod. “kanina lang okay naman tayo. Why suddenly you got angry?” dugtong niya. dahan-dahan ko naman siyang nilingon at pina-ikutan ko ng mata. “Hindi mo talaga alam kung ano ang ginawa mo?” tugon ko at lumipat siya sa harapan ko at nameywang habang tinitingnan ako. “Babe. what did i do to made you mad like this? I didn’t do anything. ” Inis naman akong napatayo. Mukha neto! nagmamaang-maangan pa. Sa isip ko. “How can you say you didn’t?” at tinaasan ko siya ng kilay kaya napatayo siya ng maayos. “Sa shop kanina.” Kumunot naman ang noo ni marco at nag-isip kong anong nangyari kanina. “Sa mall? Bakita anong meron doon na ikinagalit mo?”  sagot niya. lalo lang akong nainis dahil kunwari pa siyang hindi niya alam kaya sinubukan ko na lang umalis sa harapan niya pero hinawakan niya ako sa braso. “Wait! Nagagalit ka ba dahil doon sa mga babaeng nakatingin sa akin?” napakislot naman ang kilay ko at hinatak ko ang braso ko. “Now you know. You even dare to smile at them in front of me. Oo hindi tayo totoong mag-asawa pero irespeto mo naman ako.” Inis kong sabi at lumapit naman siya sa akin. “I didn’t smile at them..i smiled at you.. you misunderstood it Babe.. You with them at the counter kaya akala mo siguro sila ang nginitian ko.” ngumuso naman ako at namewyang. “Liar! Kunwari ka pa.” sabay talikod ko sa kanya. “Babe..i don’t like them. Don’t be jealous.” tugon niya at nanlaki naman ang mata ko at napanganga sa sinabi niya habang nakatalikod sa kanya. Pumikit muna ako at nagpigil bago ako lumingon sa kanya. “Are you crazy?! Who is jealous? I’m not!” at hinampas ko naman siya pero nakailag siya. “Well, you’re acting like that.” Napapakagat naman ako ng labi sa sobrang hiya. “I’m not jealous! I was just angry.. dahil alam mong nilalandi ka nila nagpapa-cute ka naman.” Depensa ko. tumawa naman siya na kinainis ko. “See? You just said it. Sila ang lumalandi sa akin at hindi ako.” Tiningnan ko naman siya ng diretso at nagsalubong ang tingin namin saka ko siya pinaikutan ng mata. “Whatever!” bumuntong-hininga na lang ako at tumalikod sa kanya. Sinundan naman niya ako ng tingin habang papasok sa walk in closet. “You’re jealous right?” sigaw niya sa akin na tumatawa. “Napikon naman ako kaya kinuha ko ang purse ko at ibinato sa kanya. “I’m not!” sabay ilag niya at tinatawanan ako. “Yes. You are.” Dugtong niya pero hindi na ako sumagot. Napasandal naman ako sa pader at napapangiti na naiinis. Nauna na akong natulog sa kanya dahil may kausap pa siya sa phone at may tinatapos na trabaho sa kanyang laptop. Hindi ko na rin alam kong anong oras ba siya natulog. Kinabukasan ay maagang umalis si Marco papuntang opisina dahil may meeting siya. Mag-isang kumain ng Almusal si Dana. napapatingin naman sa kanya si Jelly na nakatayo sa tabi niya. “Mam Dana..wala po ba kayong ganang kumain?” tanong ni Jelly. Pero hindi siya nilingon ni Dana at nakatingin lang sa kanyang pagkain. Nagtataka naman ang kanilang kasambahay pero hindi na ito nagtanong pa ulit. Napabuntong-hininga naman si Dana. Sanay naman akong mag-isang kumain pero bakit ngayon parang wala akong gana? O baka nasanay na akong kasama kong kumain si Marco? Napaupo naman ako ng maayos ng mapagtanto ko ang iniisip ko. “No, this can’t be!” sambit niya at sinasampal ang kanyang pisngi at nakapikit. nagulat at nagtataka naman ang kanilang kasambahay sa inaasal ng kanyang amo. Bigla akong tumayo at hindi na ako kumain dahil wala akong gana. “Mam hindi po ba kayo kakain?”tanong ni jelly. Nilingon ko naman siya. “Iligpit mo na lang yan jelly. Wala akong gana. Masama ang pakiramdam ko.” sabay talikod ko at umakyat ulit ako sa kwarto. Umupo lang ako sa kama at nagbasa ng libro. Napapaisip ako na baka kaya maagang umalis si Marco dahil nainis siya sa akin kahapon sa pagsusungit ko sa kanya. Napacross naman ako ng kamay sa dibdib at napasandal sa headboard. “Eh kasi naman nakakainis siya. May pa ngiti-ngiti pa siyang nalalaman.” Bulong ko sa sarili ko. kinuha ko na lang ulit ang libro at nagbasa  pero di rin ako maka-focus dahil nakokonsensya ako sa behavior ko kahapon. Napapasabunot na lang ako sa buhok ko sa inis. At nang hindi na ako nakapagpigil ay tumayo ako at naligo. Babawi na lang ako sa kanya. Ililibre ko na lang siya ng lunch. Nagbihis ako agad at nag-ayos at agad na lumabas ng bahay at nagdrive papunta sa Sandoval Corp. Pagdating ko sa lobby ay nakasalubong ko ang isang employee ng company. “Good morning Ms. Dana..may kailangan po ba kayo?” tanong ng babae. Maganda ito at sexy pero sa tingin ko ay nasa 20’s pa lang ang edad. Tiningnan ko lang siya. “Ah sorry po madam. I’m Ivy Nunez. Mr.Sandoval’s Secretary po.” Pakilala naman niya. “Where is my husband? Bring me there.” Napansin ko namang napataas ng dalawang kilay ang secretary niya at parang nagulat. “Po?” nagsalubong naman ang kilay ko. “Ang sabi ko..dalhin mo ako sa asawa ko.” ulit ko naman. “May ka-meeting pa po kasi si Sir Marco sa office niya ma’am.” “Who? Is it a woman or a man?” di naman agad nakapagsalita ang kanyang secretary. “What?” nagulat naman siya at napatingin sa akin. “Si Miss Patricia Bernardo po ma’am.” Napakislot naman ang kilay ko ng malaman ko kung sino ang ka-meeting ni Marco sa office niya. mabilis kong tinungo ang elevator at sumunod sa akin ang kanyang secretary. Nasa 20th floor ang kanyang office kaya ilang minuto pa bago kami nakarating doon. Kita ko namang parang nagulat ang mga empleyado ng makita nila akong lumabas sa elevator. “hindi ba siya si Dana Marie Dela fuente? Naku..ang ganda niya pala sa personal at ang sexy.” Bulong ng isang empleyado sa kanyang kasama. “Oo nga..ang swerte naman ni sir Marco at naging Asawa niya ang isang sikat na model.” Tugon naman ng kanyang kasama. Ang ibang empleyado naman ay palihim na kinukuhanan ng litrato si Dana habang dumadaan ito. “Ma’am excuse me po. Pero kailangan ko po munang ipaalam kay Sir Marco na nandito kayo.” Pigil ng secretarya at napahinto naman sa paglakad si Dana at nilingon siya. “No need! Papasok ako sa opisina ng asawa ko kung gusto ko. and don’t let anyone come near in your boss office. Do you understand?” sagot ko at napatingin lang siya sa akin. “Do you understand Ms.Nunez?” ulit ko. “Yes ma’am.” Sagot niya at diretso akong naglakad at nakita ko ang President’s office. Kumatok ako at  pumasok sa office ni Marco. Sabay namang napalingon sa akin si marco at patricia na nagtatawanan pa. bahagya namang nagulat si Marco nang makita ang kanyang asawa at nawala sa mukha ni Patsie ang kanyang ngiti. “Did i interrupt something?” bungad ni Dana. humarap naman sa kanya si patsie habang nakaupo. “What interrupt? You’re Marco’s wife. How can you interrupt?” tugon naman ni Patsie at napatingin sa kanya si Marco dahil alam niyang may hindi na namang magandang mangyayari. At ibinaling naman niya ang tingin sa asawang nakatayo sa gilid ng kanyang table. “What brings you here babe?” tanong ni Marco kay Dana. Babe? Sa isip ni patsie habang nakatingin siya kay Marco at inis na napabuntong-hininga. “I came here to invite you for lunch. Pero hindi ko alam na andito pala si Patricia. What a coincidence.” Tugon ko. and i saw her rolled her eyes on me.“I came here to invite Marco to my Birthday nextweek.” Patsie said at naglakad naman ako at lumipat sa kabilang side ng table. Nakasunod lang na nakatingin sa akin si Marco. “Invite him as what status?” napataas naman siya ng kilay sa tanong ko. i know naiinis na siya but she’s holding it back dahil nasa harapan niya si Marco. “Patsie.. you’re inviting Marco to go under what status?” dugtong ko. “Well, As a friend. but If it’s previously, we might not be friends. But those are already in the past.” Sambit niya sabay sa tingin sa asawa ko na nakangiti. Wala naman expression ang mukha ni Marco. Nagtimpi lang ako at pinigil ang emotion ko para ipakitang hindi ako affected. “Did i do anything to make you uncomfortable?” dugtong ni Patsie at napangiti naman ako. “If i say you didn’t. Well, it’s probably lying.” Kunwari namang napatawa siya sa sinabi ko at humarap sa akin. “You don’t have to feel uncomfortable. Because you are the present. You don’t have to care about the past like me.” Sagot niya at lumapit naman ako sa likod ng asawa ko at yumakap sa kanyang leeg. Kita ko naman napataas ang kanyang kilay at nag-uumpisa ng sumabog ang kanyang inis. “But i still want the past to go away. Because I’m the present..and we need time. And i don’t want the past to come around. It’s ill mannered. I hope that you understand it Patsie. And i have matters to talk to my husband alone. If i ask you to leave first. You probably won’t say that i’m ill mannered, right?” napahinga naman ng malalim si Patsie sa sinabi ni Dana at pilit na ngumiti saka niya kinuha ang kanyang bag at tumayo. “I’m leaving first Marco.” Paalam ni Patsie at akmang tatayo si Marco para ihatid siya sa door pero pinigil siya ni Dana at napaupo ulit. “Don’t you dare.” Bulong sa kanya ni Dana. diretso namang lumabas ng opisina si Patsie at inis na inis at nilingon ang pintuan. “This time you win. But don’t get too happy. I will never lose to you Dana Marie!” bulong ni patsie habang nakatingin sa pintuan ng opisina at agad na umalis. Napasunod naman ng tingin ang secretary ni Marco sa dalagang padabog na tinungo ang elevator. Sa opisina naman ni Marco ay napabuntong-hininga namang lumayo si Dana sa kanya. “What are you doing Babe?” tanong ni marco at napalingon sa kanya si Dana. “What do you mean?” napatayo naman si Marco sa kanyang swivel chair. “with what you did to patsie.” Napatigil naman ako at nagulat sa narinig ko. “Are you mad dahil sa mga sinabi ko sa kanya? Why? Because i interrupted your happy conversation with her? Well, i’m sorry..i didn’t know na nasira ko pala ang mood niyo!.” Galit namang sambit ni Dana at lumakad palabas sa office ni Marco. “Babe..it’s not like that. Babe?” habol sa kanya ni Marco pero hindi niya ito pinakinggan at diretsong sumakay ng elevator. Napatingin naman sa kanya ang lahat ng empleyadong nasa kani-kanilang cubes. Napapikit na lang at napabuntong-hiningang napahawak sa kanyang beywang si Marco. Pagdating ni Dana sa lobby ay agad siyang lumabas ng building at mabilis na umalis. Patuloy naman sa pagmamaneho si Dana at hindi alam kong saan pupunta. Sa sobrang inis niya ay mabilis niyang pinatakbo ang kanyang kotse at napapahampas sa manibela. Patuloy lang siya sa pagmamaneho at hindi niya na alam kong saan na ba papunta ang daan. Hanggang sa may nakita siyang magandang tanawin at ipinarada ang kanyang kotse sa gilid. Hindi naman siya bumaba at nanatili lang siya sa loob ng kanyang kotse. Kumalma naman siya sa ganda ng tanawin at napasandal sa upuan. “Bakit ba ako nagkakaganito? I don’t know what is happening to me.” Sambit niya at napayuko siya sa manibela. Ilang sandali pa ay nag-angat na siya ng ulo at sumandal sa upuan. “Bakit ba lahat na lang ng lalakeng mapapalapit sa akin ay malapit din kay patsie? Is this a karma?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD