I stayed in my car for many hours, thinking about my life. Napapagod na ako sa nangyayari sa buhay ko. sometimes i want to quit and go far from here. I don’t want my life to be like this. I’m bored and tired. All i want is to be happy and have a peaceful life but everything turns into a mess. Everybody is taking advantage of me and no one cares about my feelings. I maybe look strong because of my behavior but the truth is i’m weak inside. It’s already 5pm ng mapansin ko ang aking relo. I called Sam para yayain siyang uminom sa Bar para makalimutan ko lahat ng nangyari sa buhay ko kahit isang araw lang. Pero nasa boracay si sam for her photoshoot. Karina is in the province pa kaya nagpasya na lang akong uminom mag-isa. I went to bar alone. Pauwi naman si marco ng subukan niyang tawagan si Dana but she’s not answering his calls. Pagdating ni Marco sa mansyon ng mga Dela fuente ay sinalubong siya ni Jelly. “Good evening po sir.” Bati niya habang pababa si Marco sa kanyang kotse. “Good evening too. Nakauwi na ba ang Mam Dana mo?” nagtaka naman si Jelly. “Hindi po ba kayo magkasama sir? Akala ko po ay pinuntahan ka niya.” napabuntong-hininga naman si Marco. “Yes pero umalis din siya agad sa office ko. baka may pinuntahan pa siya.” Tumango naman si Jelly. “Baka nga po sir. sige po pasok na po kayo para makapagpahinga po kayo. Maghahanda lang po ako ng dinner niyo.” Pumasok naman ulit sa bahay si jelly at tumuloy na rin si Marco at umakyat sa kwarto. Naghahain na ng dinner si Jelly nang biglang dumating naman ang mga magulang ni Dana galing ng Macau at saktong pababa na si Marco at nakita ang kanyang in laws. Lumapit naman siya sa mga ito. “Welcome back po tito, tita.” Sabay beso at mano niya. “Thank you hijo. Si Dana?” her mother ask habang papaupo sila sa sala at kinuha naman ni jelly ang kanilang bagahe. “Hindi pa po siya dumarating tita. I called her many times pero di niya po nasasagot ang tawag ko. baka po may pinuntahan lang siya. Pauwi na rin po siguro siya.” Tugon ko naman. “Naku yang batang yan. Matigas talaga ang ulo niya. pasensya ka na sa kanya pero baka pauwi na nga rin yon. Di lang siguro napansin ang tawag mo.” Dugtong naman ni Tito ferdie at nginitian ko lang siya. “How’s the trip tito?” tanong ko. “Ok lang naman hijo. Marami akong nakilalang mga malalaking negosyante sa macau and it’s nice to have a business there. Kakausapin ko si Daniel about it. Ang daddy mo baka gusto niya makipagsosyo sa akin.” Tugon naman ni tito. “It’s not a bad idea tito. Hayaan niyo po at babanggitin ko kay daddy.” Lumapit naman sa amin si Jelly. “Excuse me po mam, sir..nakahain na po ang dinner.” Sambit niya. “Let’s eat. Nagugutom na rin ako. At gusto ko na rin magpahinga.” Yaya ni tita. Tumayo naman din si tito pero nanatili pa rin ako sa aking kinatatayuan. “Let’s go hijo.” Lingon naman ni tito sa akin. “Mamaya na lang po siguro ako tito. Hihintayin ko na lang po muna si Dana. sabay na lang po kaming kakain.” Sagot ko at ngumiti namang tumango si tito pati si tita saka sila tumuloy sa dining area. Bumalik ulit ako sa kwarto para hintayin si Dana. lumipas pa ang ilang oras at pumasok na rin sa kanilang kwarto ang in laws ko para magpahinga. It’s already 9pm pero wala pa rin siya. I tried to call her many times but she’s still not answering. I’m worried now kaya tinawagan ko si sam baka alam niya kung nasaan si Dana. “Hello sam. it’s me Marco. Sorry kung naistorbo kita but are you with my wife?” tanong ko. “No, andito ako ngayon sa Bora. But she called me kanina para yayain ako mag Bar.” Napakunot noo naman ako sa narining ko. “Sa Bar?” “Yes. Kaya lang ay hindi ako pwede kaya sabi niya siya na lang daw mag-isa ang pupunta. May problema ba kayo? I mean..never pa kasi nagyayang uminom si Dan. Ngayon lang.” Sam ask. Napahinga naman ako ng malalim. “May konting misunderstanding lang.” I said. “Okay. I won’t ask about it. Problemang mag-asawa yon. Try to find her sa Bar ni abbi. Or sa Bluelight Bar. Iyon lang kasi ang madalas namin puntahan.” Dugtong naman ni Sam. “Okay sam. thank you.” Sagot ko at agad kong pinutol ang tawag. kinuha ko ang car key at agad na umalis ng bahay to find her. Baka lasing na yon at baka mapagtripan pa. Habang sa bar naman ay nakaupo sa Bar counter si Dana kasama ang isang babaeng naglalasing din. “Hey! why are you drinking this much? Are you dumped by your boyfriend?” tanong ng babae. “Nope. I just hate my husband.” Tugon naman ni Dana at pareho silang tumawa. “We’re the same. Cheers to that!” at uminom lang sila ng uminom. Nagyaya naman ang babae na umuwi. “Hey! you’re a bad drinker. Can you drive home? If you aren’t alright, i’ll drive you home. Let’s go!” yaya ng babae sa kanya at Nilingon naman siya ni Dana na lasing na lasing. “Wait!! I don’t want to go home yet. Let’s buy more drinks.” Tiningnan naman siya ng babae. “Pero lasing na tayo. baka mamaya gumapang na lang tayo sa sobrang kalasingan.” Tugon naman nito. “It’s alright! Let’s have some fun.” Sabay tawa naman ni Dana. “Ok. I’ll buy you drinks.” At patuloy pa sila sa pag-inom. Naikot naman ni Marco ang lahat ng Bar na alam niya at umikot pa para hanapin ang Bluelight Bar na sinasabi ni Sam dahil dumaan na rin siya sa Bar ni Abbi pero wala daw doon si Dana. sa sobrang kalasingan naman ng dalawang babae ay nakatulog na ang kasama nito at napayuko sa counter habang si Dana naman ay ginigising siya. “Hey! are you sleeping? Wake up. Inom pa tayo.” gising ni Dana dito pero knockout na sa kalasingan ang babae. Napalingon naman si Dana sa mga nagsasayawan at naisipan niyang tumayo at lumapit dito. At Kanina pa nakatingin sa kanya ang dalawang lalakeng nakaupo sa gilid nila at sinundan siya. Hindi naman siya sumasayaw pero nakatayo lang siya sa Dance floor. Naghihintay naman ng pagkakataon ang dalawang lalake para makalapit sa kanya. Nakangiti naman siyang nakatingin sa nagsasayawan at sa sobrang kalasingan niya ay pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang paligid. sakto namang nahanap ni Marco ang Bar at agad na pumasok para hanapin ang kanyang asawa. Sandali pa siya naghanap ng mapansin niya si Dana na nakatayo sa dance floor. At nang papalapit na siya ay nakita niya ang dalawang lalakeng nakatayo sa likod ng kanyang asawa at nagbubulungan. Mabilis niyang tinakbo si Dana na papatumba na sa sobrang kalasingan pero nasalo niya ito. “We should go home.” Sambit ni Marco sa lasing na si Dana. Nagulat naman ang dalawang lalake sa pagdating ni Marco. hinawakan ng lalake si Marco sa braso. “Wait! Where are you taking this woman?” tanong nito. “It’s none of your business.” Sagot ko naman. “It’s my business. Because this woman is my friend. And i promised to take care of her and bring her home.” Dugtong ng lalake at nanliit naman ang mata ko sinabi nito. “I don’t want to bother you. I can take my wife back by myself. And don’t you dare touch my wife.” Tugon ko at kita ko naman gulat ang itsura ng lalake. “How can i be sure that you are my friend’s husband?” pagmamatigas naman nito. Kung hindi ko lang hawak si Dana ay baka binasag ko na ang mukha ng gagong ito. “then let’s go and see the police together, is that ok? I don’t believe either that you are my wife’s friend because in the first place, my wife doesn’t have a male friend.” Natigilan naman ang lalake at umatras ng konti. Binuhat ko naman ang asawa ko dahil hindi na rin ito makalakad ng maayos sa sobrang kalasingan. Napatingin lang sa amin ang dalawang lalake. Ini-abot naman sa akin ng barista ang bag ni Dana at cellphone saka kami lumabas. Pinaupo ko muna siya at nilagyan ng seatbelt saka ko ibinaba ng konti ang sandalan ng upuan so she can lean back. Saka ako pumasok sa driver seat. I look at her and she’s so wasted. Masyado ba siyang nasaktan kanina kaya siya naglasing? Hinimas ko naman ang mukha niya habang nagpapahinga siya. “Let’s go home Babe.” Sambit ko at inistart ko na rin ang engine para makauwi na kami at nang makapagpahinga siya. Pagdating namin sa mansyon ay pinagbuksan naman kami ni guard ng gate. Bumaba na rin ako at inalalayang lumabas si Dana sa kotse. Bubuhatin ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “No! I can walk.” Sambit niya at iniwaksi ang kamay ko. Pagewang-gewang naman siya sa paglakad papasok sa bahay. Sinundan ko na lang siya at hinawakan sa kanyang braso para alalayan siya. Dahan-dahan naman kami humakbang paakyat sa hagdan. Pakanta-kanta naman siya sa sobrang kalasingan. Napapailing na lang ako sa lakas ng boses niya. “Babe hinaan mo lang ang boses mo. Baka magising sina tita.” Saway ko pero tumawa lang siya at mas lalo lang niyang nilakasan ang boses niya. Napalabas naman ng kanilang kwarto si Tita at nakita niya kami. “Oh my god! What happened to her Marco?” tita ask. “She’s drunk tita. Pasensya na po kung naingayan kayo.” Tugon ko naman at napatingin si Dana sa kanyang ina. “Hey Ma! You’re back!” sabay lapit niya kay tita para yumakap pero napatabon ng ilong si tita sa lakas ng amoy ng alak. “No anak. You’re drunk. You should rest. Bukas na lang tayo mag-usap. Sige na marco ipasok mo na siya sa kwarto niyo para makapagpahinga siya.” Utos ni tita at tumugon naman ako. Dahan-dahan ko siyang inalalayan papasok sa kwarto. Inihiga ko na muna siya sa kama. Napahinga naman ako ng malalim sa itsura niya. “She’s so wasted!” naisip kong kumuha ng bimpo at tubig para punasan siya. Tumalikod na ako ng bigla siyang magsalita. “Hey! Mr. Arrogant. I hate you so much!” sambit niya habang nakapikit siya. Nilingon ko siya Napailing na lang ako. “She’s so mean, even when she’s sleeping.” Natatawa kong sambit at tumuloy na ako sa pagkuha ng bimpo at tubig. Pagbalik ko ay napaisip ako kung paano ko siya pupunasan kung hindi ko tatanggalin ang damit niya. Pero paano ko gagawin yon? Sigurado akong magagalit siya sa akin. Ibinaba ko na muna ang dala ko sa side table at nag-isip. Ilang sandali pa ay naisip ko si Jelly. “Tama! Si jelly.” Agad akong lumabas ng kwarto at hinanap si jelly. Sakto namang nasa kusina pa siya. “Jelly. Makikisuyo sana ako. Pwede mo bang punasan at palitan ng damit ang Mam Dana mo para sa akin?” napatingin naman sa akin si Jelly. Alam kong nagtataka siya kung bakit hindi na lang ako ang gumawa samantalang mag-asawa naman kami pero hindi na rin siya nagtanong pa. “Sige po sir.” Tugon niya at tinungo ang kwarto namin. Nagpaiwan naman ako sa Sala habang nililinis niya si Dana. Ilang sandali pa ay bumaba na rin si jelly. “Sir okay na po. Napunasan at napalitan ko na rin po ng damit si Mam Dana.” Ani jelly. “Okay. Thank you jelly. Sige na magpahinga ka na rin.” Sambit ko. “Sige po sir.” At tinungo na niya ang kanyang kwarto. Umakyat na rin ako at pumasok sa kwarto. Natutulog na rin si Dana at napalitan na ng damit. Dumiretso na rin ako sa banyo para maligo dahil amoy alak na rin ako dahil sa pagbuhat ko sa kanya. Habang naliligo naman si Marco ay biglang dumilat si Dana at bumangon. “Where’s my drinks? And where is that woman go?” sambit niya. Sa sobrang kalasingan niya ay ang akala niya ay nasa Bar pa rin siya. Tumayo siya at naglakad. Nahihilo siya kaya napabangga siya sa upuan sa harap ng Dresser table at natamaan ng kanyang kamay ang vase sa table at nahulog ito. Napaupo naman siya sa sahig at napasandal dahil hilong-hilo siya. Kakatapos lang din ni Marco mag shower ng makarinig siya ng ingay. Agad siyang lumabas at tiningnan si Dana pero wala na ito sa kama. Lumapit siya sa kama at nakita niya si Dana na nakaupo sa sahig at katabi ang basag na vase. Taranta naman niyang nilapitan ang kanyang asawa.