Kinabukasan ay maagang naghahanda si Dana at Marco para pumunta sa NBI para pa-imbistigahan kung sino ang nagpakalat ng balita at litrato nang biglang tumunog ang cellphone ni Dana at tiningnan niya kung sino ang tumatawag at nakita niyang rumihistro ang pangalan ni Paolo. Pansin niyang nakatingin din si Marco sa kanyang phone kaya sinulyapan niya ito. Umalis din agad si Marco at pumasok sa kabilang kwarto para kumuha ng sapatos. Sinagot na lang ni Dana ang tawag. “Hello.. napatawag ka?”bungad ni Dana. “Where are you Dan? I have something important to tell you.” Wika ni paolo. “Andito pa kami sa condo pero paalis na rin kami ni marco papunta sa NBI. Ano ang gusto mong sabihin? Dito mo na lang sabihin sa phone.” Tugon naman niya. “You don’t have to go to NBI. Because Patricia is the one beh

