Maagang gumising si Dana dahil despedida ng kasal ni Karina at kailangan niyang maghanap ng regalo para dito. Ginamit niya ang kanyang kotse at dinaanan niya si Sam sa kanyang Apartment para maghanap ng magandang regalo at para maghanap na rin ng kanilang isusuot sa kasal ni Karina. Pumunta sila sa isang sikat na Boutique at naghanap muna ng kanilang susuotin. Habang naghahanap naman sila ay biglang lumabas si Maxine sa office kasama ang owner ng boutique. Kaibigan ni Maxine ang may-ari at napahinto naman si maxine at napatingin sa kanya si Dana pati si Sam ay natigilan din at napatingin. “Thank you for the time Myla. I’ll call you when i get them.” Sambit ni Maxine sa kanyang kaibigan at nagbeso na ito. Lumakad naman siya papalapit kay Dana at nagtitigan sila. Huminga naman ng malalim si

