Makalipas ang isang linggo ay maaga kaming nagising ni marco para maghanda para pumunta sa fashion show ng opening ng hotel ni Ivan Del castillo ang kaibigan ni Marco. pagkatapos naming mag-almusal ay idinaan niya na muna ako sa venue dahil papasok pa siya sa opisina para tapusin ang ilang trabaho. Susunod na lamang siya pagkatapos ng office hours. Rehearsal pa lang naman sa umaga at gabi pa ang show. Pagkababa ko sa sasakyan ay umalis na rin agad si marco at pumasok na ako sa hotel. Diretso na akong sumakay sa elevator papunta sa floor kung saan ang event. Papalabas na ako ng elevator ng biglang tumunog ang phone ko. hinanap ko sa bag ko ang cellphone ko habang naglalakad ako at hindi ko akalaing makakasalubong ko si Maxine at Alfred. Napahinto naman ako at nagkatitigan kami. “Working? I’m so surprised. I only thought that you usually take your father’s money..oh! you’re my brother’s wife nga pala. Or should i say my brother’s money?” Wika ni maxine at napataas naman ako ng kilay. “I don’t need my father’s money even your brother’s. Without your brother, i’m able to live. But your brother, how can he live his life without me?” tugon ko at kita ko namang nainis siya sa sinabi ko. “He lived for 30 years. no need to be with you.” Sumbat niya. “Max..tama na.” Saway sa kanya ni Alfred at nilingon niya ito at binigyan ng matalim na tingin. “It’s ok Alfred..” wika ko at tumingin ulit ako kay maxine. “I wish you to see his face while we’re having dinner date last night. How happy he was. Your simple plan and your bestfriend won’t be able to keep him away from me.” Nagsinungaling na lang ako na nag dinner date kami last night para mainis siya at effective naman dahil nanginginig siya sa inis at napapakuyom ng kamay. “b***h!” sambit niya at nginitian ko lang siya ng tipid. “Better call me the one who has a very high tolerance.” Sumbat ko. “I’ll see how much you can tolerate.” Banta ni Maxine. “well, i want to see..the ability of my sister in law too.” Sabay tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa at pabalik. At lumapit naman siya sa akin ng konti. “Let’s count the days for me in dumping you.” Ngumisi siya at tiningnan ko naman siya sa mata. Ramdam ni Alfred ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya agad niyang hinawakan si maxine sa braso. “Max...let’s go. Mr. Del Castillo is looking for you. Come on!” nilingon naman siya ni maxine at biglang huminahon. Nilingon naman niya ako ulit. “Hindi pa tayo tapos.” Wika ni Maxine at inakay na siya ni Alfred papalayo. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala sila sa paningin ko. napapikit na lang ako at napabuntong hininga. “Kailan pa ba matatapos ang problema ko sa babaeng ito?” bulong ko sa sarili ko at Diretso na rin akong naglakad papunta sa venue. Pagdating ko sa venue ay nandoon na ang ibnag models pati sina Dino, Diana, Sam at karina. Nakita ko namang nakaupo sa kabilang side sina Patricia at kamila. “Dan..” tawag ni sam sabay lapit sa akin kasama si Karina at yumakap sa akin. “Mabuti dumating ka na. Mag-uumpisa na rin ang rehearsal.” Wika ni Sam. “Akala ko nga late na ako. May nakasalubong pa kasi akong leon sa labas.” Sambit ko sabay kindat sa kanila. “Nakasalubong mo na naman ang bruha mong sister in law?” karina ask at tumango naman ako. “Hayyyy.. kahit kailan panira talaga ng araw yang maxine na yan.” Dugtong naman ni sam sabay pameywang nito. Lumapit naman sa amin si Dino. “Mamaya na kayo mag-chika girls. Akyat na kayo sa runway at nang maka-umpisa na kayo.” Wika ni Dino at inabot niya ang dala kong bag at hinawakan na muna niya. sabay naman kaming umakyat ni Sam sa runway at nanonood naman sina Karina at Dino. Nakahanda na rin ang mga designs ni Karina sa backstage kaya wala na itong gagawin. Mamaya pa siya magiging busy kapag aayusan na ang models para sa kanilang mga isusuot. Nag-umpisa na rin kami sa aming rehearsal at naging maayos naman ang lahat. Pagsapit ng tanghali ay naglunch na muna kami bago kami inumpisahang make-upan at ayusan ng buhok. Naging busy ang lahat pati ang designers. I-isang Dressing room lang kami kaya nandoon din sina Kamila, patricia at Maxine pero nasa kabilang side sila ng dressing room. makalipas ang ilang oras ay nagsidatingan na rin ang mga bisita sa opening ng hotel at fashion show. Abala na rin ang lahat sa Backstage at dressing room para sa show. Habang inaayos ni Karina ang suot kong design niya ay biglang tumunog ang aking cellphone na hawak ni Diana. Agad niya ito itinaas at hinarap sa akin. It’s my husband. Inabot naman sa akin ni Diana ang cellphone. “Hello..where are you?” bungad ko. “Andito na ako sa hotel. I’m with Ivan. How are you there?” tugon niya. “Ok lang naman. Medyo busy lang dito sa dressing room. are you okay there?” sagot ko. “Yeah! I’m fine. Sige hindi na muna kita aabalahin. See you later.” Ani marco. “Sige.. just enjoy the show. See you.” Tugon ko at ibinaba ko na ang cellphone. Sa labas naman ay nagsisidatingan na ang mga bisita at abala na ang lahat ng staffs para sa event. Nakikipag-usap naman sa kanilang mga kakilala sa business world at ilang kaibigan sina Marco at Ivan. Abala Silang nakikipag-usap ng mahagip ng mata ni Marco si Alfred na kakarating lang at sinalubong ng assistant ni Patsie at may ibinulong pero hindi na iyon pinansin pa ni marco at hinayaan na lang niya. ilang sandali pa ang lumipas nang dumating sa event si Paolo. Nagulat at napatuwid naman siya ng tayo. nagpalinga-linga naman si Paolo at naghahanap ng kakilala at nang makilala niya si Marco ay ngumiti ito at lumapit. Bigla namang nag-iba ang timpla ng mood nito at napatingin lang sa amin si Ivan. “Hi..Marco, right?” sambit ni Paolo at kinamay niya ito. Tinugon naman ni marco ang kanyang kamay at ngumiti ng pilit. “Yes. You’re here. Are you with someone?” tanong ko. “NO. I’m Alone. My cousin is one of the designers in this event. She invited me. What about you? Are you with Dana? where is she?” napalunok naman ako bigla ng hanapin niya ang asawa ko. ikinalma ko naman ang sarili ko. “She’s in the dressing room. She’s one of the models. By the way, this is Ivan Del Castillo. My friend and the owner of this hotel.” Pakilala ko naman sa kanya at nginitian siya. “Oh hi Mr. Del Castillo. Your hotel is nice and enchanting. I’m Paolo Arevalo. Nice meeting you.” Tugon naman ni Paolo at kinamayan din si ivan. “thank you Mr. Arevalo. Nice meeting you too.” Sambit naman ni ivan at tumango-tango naman siya. Maya-maya pa ay may tumawag kay paolo na kakilala niya at kinawayan ito. “Excuse me. Puntahan ko lang.” Paalam ni Paolo sa amin at agad na nilapitan ang kakilala. Napasunod na lang kami ng tingin sa kanya. “You know him? Parang ngayon ko lang siya nakita.” Taka ni Ivan. Napahinga naman ako ng malalim at nilingon naman ako ni ivan. “He’s Dana’s childhood friend.” Inis kong sabi at napakislot naman ng kilay si Ivan. “Childhood friend? So what’s with that voice?” napasulyap naman ako sa kanya. “What do you mean?” tanong ko. “sabi mo kababata sila ng asawa mo. Eh bakit ganyan ang mukha mo? Para kang galit.” Di naman ako agad nagsalita at nilingon ko ang gawi ni paolo. “what?” atat naman ni ivan at nilingon ko siya. “He’s my wife’s first love.” Sagot ko at napatayo naman ng maayos si Ivan. “Really? So.. anong sabi ni Dana?” curious naman ni ivan. “She said it’s nothing to worry about. He’s just the past and a puppy love.” Tugon ko. “Narinig mo na ba ang salitang First love never dies pare? Mag-iingat ka baka hindi mo malaman bigla na lang niya maagaw sayo ang asawa mo.” Wika ni ivan at tiningnan ko naman siya ng masama. “Oopps! I’m just kidding pare. Calm down.” Sabay taas ni ivan ng kanyang kamay at agad na tinapik sa balikat ko. natahimik naman ako sa sinabing iyon ni ivan. Kung tutuusin ay di malayong mangyari yon. First love never dies madalas ay nangyayari iyon. Bigla akong nakaramdam ng takot nang maisip kong pwedeng maagaw sa akin ni paolo ang asawa ko. napakuyom ako ng kamao habang iniisip iyon. Hindi ako papayag na mayroong ibang hahawak sa asawa ko. over my dead body. Babasagin ko ang mukha ng kung sino man ang magtatangkang agawin siya sa akin. Maya-maya pa ay niyaya na rin ako ni ivan maupo dahil mag-uumpisa na rin ang show. The lights and music are on. Dali-dali namang humilira ang mga models para maghanda sa paglabas sa runway. Tumunog na rin ang sinyales na mag-uumpisa na ang show at tumunog na rin ang music. Nag-umpisa na rin lumabas isa-isa ang mga models. Palakpakan naman at manghang-mangha ang mga dumalo sa event. Nasa kabilang side ng runway sina Alfred at Paolo pero hindi sila magkatabi. Ilang upuan din ang pagitan nilang dalawa. Nag-eenjoy naman ang lahat sa magagandang disenyo na ibinida ng mga designers. maya-maya pa ay lumabas si Dana suot ang design ni Karina na black modern filipiniana dress. Di naman mapigil ni Marco ang kanyang pag-ngiti at paghanga sa kanyang asawa. “You’re wife is really beautiful pare. I’m so jealous.” Biro ni Ivan at napatawa naman silang dalawa. Panay naman ang titig ni Marco sa kanyang asawa. At sa hindi inaasahan ay napatingin siya kay Paolo na nasa harapan nito. Pumapalakpak din at panay ang ngiti habang nakatingin din ito kay Dana. bigla namang nawala ang ngiti sa kanyang labi. I don’t like the way he smile and stare at my wife. At naagaw naman ang kanyang atensyon ng mapatingin din ito kay alfred na ganoon din ang titig kay Dana. napakuyom naman ng kanyang kamao si Marco sa inis. Mukhang hindi lang si Alfred ang aalalahin niya pagdating sa kanyang asawa. Mayroon pang isa na mas matindi. At hindi basta-basta dahil first love iyon ng kanyang asawa. Pabalik na rin ng backstage si Dana at nagkasalubong naman ang tingin ni Marco at Paolo. Pareho silang hindi nagpatinag pero ilang sandali pa ay nginitian na ni Paolo si Marco. napatingin naman si Alfred kay marco at sinundan nito kung saan nakatingin si Marco at nang makilala niya si Paolo ay napaupo siya ng maayos at kitang nagulat. Hindi niya akalaing dadalo din si Paolo sa event. Pagkatapos ibida ng mga models ang mga magagandang designs ng dresses ay lumabas na rin ang models kasama ang mga designers at palakpakan naman ang mga bisita. Kitang satisfied sa kanilang mga nakita. “Congrats pare.” Bati ni Marco at niyakap ang kaibigan. “Thank you pare.” Masaya namang sagot ni Ivan. Naging abala din ang mga bisita sa labas at masayang nagsalo-salo sa opening ng hotel. Nagpaalam naman si Marco sa kanyang kaibigan para puntahan si Dana sa dressing room. sakto namang pagpasok ni marco ay nakapagpalit na ng damit si Dana. “Hey Babe.” Tawag ni marco at lumapit kay Dana. “Hi..” tugon nito. Bigla naman siyang niyakap ni Marco. sa gulat ni Dana at hindi siya nakagalaw. Napatingin naman sa kanila si Patsie, kamila at Maxine. Patsie rolled her eyes at lumingon sa kabila sa inis. Ibinagsak naman ni Maxine ang hawak niya accessory sa table at lumabas. Napalingon naman sa gulat si Dana at marco sa ginawa ni Maxine at napabitaw kay Dana. napailing na lang si Marco sa ginawa ng kanyang kapatid. Nilingon niya din si Dana at ngitinian. “You did a great job Babe. I’m so proud of you.” Wika ni marco. “Talaga?” tugon naman ni Dana. “Oo naman. Ikaw pa ba? the great Dana Marie.” Sagot niya at tumawa naman si Dana. kinikilig naman ang kanyang mga kaibigan pati si Dino. Natutuwa naman si Sam sa kanyang nakikita dahil ngayon niya lang nakita si Dana na ganito ang ngiti sa kanyang labi at makitang may nagmamahal sa kanya pero sa kabilang parte ay napabuntong hininga siya para sa kaibigan dahil nagpapanggap lamang ang dalawa. Naaawa siya para sa kanyang kaibigan. Kahit papaano ay maraming nabago kay Dana simula nang magsama sila ni Marco. Paano kung dumating na ang panahon na kailangan na nilang maghiwalay? Magiging malungkot ulit ang kaibigan niya at babalik sa dati. Lumalim na rin ang gabi at isa-isa na rin nagpaalam ang mga designers at models. Nauna na rin si Karina dahil kailangan niyang sumama sa paghatid sa kanyang mga gamit kasama ang kanyang mga assistants. Si Sam naman ay sinundo na ni Mark. Tanging kami na lang nila Dino, diana at Marco ang nasa dressing room maliban sa ilang models at make-up artist na andoon pa at nagliligpit ng gamit.