Pagkatapos nilang mag-almusal ay pumasok na si Dana sa kwarto para maligo dahil gusto niyang bisitahin ang kanyang parents. Sakto namang tapos na siyang maligo nang tumunog ang kanyang phone. Nilapitan niya ito at nakita niyang ang Mama niya ang tumatawag. Inabot niya ito at sinagot. “Ma..napatawag ka?” tanong ko. “Anak, we’re here in the hospital. Maurielle is about to give birth.” Sambit ni mama. “What?! What hospital? We will go there.” Sakto namang papasok si marco sa kwarto at narinig niya ang sinabi ni Dana. ibinaba ko rin agad ang phone at dali-daling pumasok sa walk in closet para kumuha ng damit. “What is going on?” sunod sa akin ni marco at huminto naman ako at tiningnan siya. “Maurielle is about to give birth. Nasa hospital na sila. Magpalit ka na ng damit. Pupunta tayo doon.” Sambit ko at agad ding tumugon si Marco. pumasok siya agad sa banyo para at nagbihis din agad. Hindi na rin ako nag-ayos pa ng mabuti. Inayos ko lang ang kilay ko at naglagay ng konting lipstick. Nagsuot na lamang din ng simple si Marco. black jeans at simple plain navyblue shirt lang ang suot niya. kahit simple lang ang suot niya ay guapo pa rin siya. Pambihira! Tumayo na rin ako nang makita kong tapos na rin siya. “Let’s go.” Sambit ko at magkasunod na rin kaming lumabas sa kwarto. Mabilis din naming binyahe ang St.Benedict hospital kung saan isinugod si Maurielle. Nadatnan naman namin sina Mama at papa pati ang parents ni Maurielle kasama si kuya sa labas ng delivery room. “Ma.. how is she?” tanong ko sabay halik kay mama. Nagmano naman si Marco sa kanila. “we have no news yet anak. Hindi pa lumalabas ang doctor.” Tugon ni mama. Sinulyapan ko naman si kuya na sobrang tensyonado at di mapakali. Nilapitan naman siya ni marco at tinapik sa braso. Nilingon naman siya ni kuya at nginitian. Ilang minuto pa kami naghintay sa labas ng delivery room at kanina pa palakad-lakad si kuya na hindi mapakali. “Anak. Umupo ka na muna. Nahihilo na kami sayo.” wika ni mama at napahinto naman siya. “I can’t ma. I don’t know what’s happening sa mag-ina ko ngayon.” tugon ni kuya. “Ganyan talaga kapag first time daddy. We know that feeling. Galing na kami dyan. Calm down Daniel everything will be fine.” Sambit ng daddy ni maurielle at umupo na rin si kuya. Ilang saglit pa ay lumabas na rin ang doctor. And he said Maurielle and the baby is fine. Maya-maya lang ay ililipat na rin siya sa kanyang kwarto kasama ang baby. Nakita naman namin kung gaano kasaya si kuya na halos naiiyak. Napayakap naman siya kay papa sa sobrang saya and We’re all happy for them. Nauna na rin kami sa magiging kwarto ni maurielle at hinintay na lang namin siya doon. Ilang sandali pa ay ipinasok na rin siya sa kwarto niya pero wala pa ang baby. Inilipat na rin siya sa kama. “Congrats Mau. We’re so happy para sa inyo ni kuya.” Bati ko sabay hawak ko sa kamay niya. “Thanks Dan..i’m so happy and finally, we can see and be with our little angel.” Naiiyak naman na wika ni Mau. At nilapitan naman siya ni kuya at hinalikan sa noo. I know how much they love each other. Ni minsan ay hindi ko sila nakitang nag-away ni kuya. I am so happy to see them happy. Halos naiiyak ako sa sobrang saya. Lumapit naman sa likod ko si Marco at hinawakan ako sa beywang. Nilingon ko siya saglit at nginitian. Maya-maya pa ay ipinasok na rin ng nurse ang baby at ibinigay kay Maurielle. Masaya naman kaming lumapit lahat para makita ang baby. And It’s a baby boy. Tuwang-tuwa naman sina mama at papa pati ang parents ni maurielle nang mkaita nila ang kanilang apo. Di naman mailarawan ang saya sa mukha nila kuya at maurielle. Masaya kaming nagkwentuhan at nakipaglaro kay Baby Maurice. Sa sobrang kasiyahan namin ay hindi na namin namalayan na gabi na pala. Maya-maya pa nagpaalam na rin kami ni marco para umuwi. Nagpresinta naman si Mama at ang mommy ni maurielle na magpaiwan muna sa hospital kasama si Kuya para bantayan si Mau at ang baby. Nagpaalam na rin kami ulit at sumabay na lumabas sa amin si Papa. Hindi na muna kami dumiretso sa condo. Sa labas na lang kami nagdinner. Sa isang western restaurant na namin piniling kumain. Pagpasok namin sa Restaurant ay nakita ko agad si maxine kasama si Alfred na andoon din. Pero nagkunwari na lang ako na hindi ko sila nakita. Hindi nakita ni Marco ang kapatid niya kaya dumiretso kami sa table malapit sa window. Papaupo naman sina marco at Dana nang mahagip sila ng mata ni Maxine. Umorder na rin si Marco ng kanilang pagkain at umalis na ang waiter. “You didn’t order on your own. Don’t blame me, if it doesn’t satisfy you.” Wika ni marco at tumawa naman si Dana. “No. I know you have a good taste.” Tugon ko. “We’ll see if you like my taste.” At ngumiti naman si Marco. tumingin naman si Maxine sa kanila at sinundan naman ni Alfred kung saan nakatingin si Max at nakita niya sina Dana at Marco. ibinalik naman niya agad ang tingin kay Maxine na matalim na nakatingin sa gawi nila Dana. “I’ve just ordered. We can cancel it. Let’s go to a new restaurant.” Yaya ni alfred. “Why should we? Stay here. Have fun.” Tugon ni Max at alam ni Alfred na mayroon na naman itong gagawin na hindi maganda. Tumayo si Maxine at lumapit sa table nina Marco. sumunod naman sa kanya si alfred. “Hi kuya..you’re here too. What do you want?” wika ni Max na nakatingin kay Dana at napalingon sa kanya si marco. nagpaikot naman ng mata si Dana at bumuntong-hininga. “Max..” ani Marco. ngumiti naman si Maxine na tumingin kay Dana. “The signature dish here is the deep fried ‘liar’ and more of ‘b***h’ curry. ‘slut’ in spicy sauce, ‘thick-skinned’ spicy salad. Ooops! And sausage spicy salad. Better to order all. I’ll order it for you.” Pang-iinis naman ni Maxine at tumayo si Marco. “That’s enough Max. I’ve already warned you about this.” banta ni Marco at hinawakan naman siya ni Alfred sa braso. “Please stop it Max.” Pero iniwaksi niya ang kamay ni Alfred. “No, i won’t!” at tumingin siya ulit kay Dana. “You should include the fried ‘floozy’ with garlic as one more dish.” Dugtong niya at hindi na nakapagtimpi si Dana at tumayo ito at itinulak si Maxine. Napasandal naman si maxine sa wall at agad na inalalayan ni Alfred. lumapit naman agad si Marco kay Dana para pigilan. “Are you going to get revenge on me everywhere, right?” sambit ni Dana at lumapit naman sa kanya si Maxine pero pinipigil ito ni alfred. “Same to you. You keep biting me and messes up with me. You are like a dog that comes along and sticks to my family.” Nanlaki naman ang mata ni Dana at sinugod si Maxine pero pinigil siya ni Marco. “Babe No!.” Pigil ni Marco at hinatak naman ni Alfred ng malakas si Maxine at napaharap ito sa kanya. “stop it Max. Huwag ka mag-eskandalo dito” salubong naman ang kilay ni maxine at inis na napatingin kay Alfred at nilingon si Marco. “Alright! But i want to tell you one thing kuya. Besides the list of this woman favorite dishes, if you want to buy her flowers for your romance, i recommend... a big bouquet of orchids. As the orchid is a kind of parasite which is really beautiful.” Wika ni Maxine at ngumiti ito ng may pang-iinis. Napahinga naman ng malalim si Dana sa sobrang inis. “I said stop it Max. Kapag hindi ka pa tumigil. Baka makalimutan ko na kapatid kita.” Banta ni Marco at galit naman siyang napatingin sa kanyang kuya. “Let’s go Max.” At hinatak na siya ni Alfred palayo sa kanila. “Are you okay?” tanong ni Marco kay Dana. “Did you see how she insulted me? Do you get it now why i hate your sister?” galit namang sabi ni Dana sa kanyang at iniwaksi ang kamay niya sa pagkakahawak sa kanya at kinuha ang kanyang bag at lumabas ng restaurant. “Babe wait!.” Sunod sa kanya ni Marco. nag-iwan na lang siya ng pera sa table para sa pagkain na naorder nila. Mabilis namang sumakay sa kotse si Dana at pumasok din si Marco. “Babe let’s go back.” Wika niya. “No. Wala na akong ganang kumain. I just want to go home now.” Tugon ni Dana at diretso lang itong nakatingin sa labas. “But babe.” Nilingon naman niya si Marco. “Kung gusto mong kumain magpaiwan ka na lang dito. Sasakay na lang ako ng taxi.” Sabay hawak niya sa pinto at akmang bubuksan pero pinigil siya ni Marco. “Alright! Let’s go home.” Napahinto naman siya at bumalik na lang sa pagkakaupo at sumandal. Napahinga na lang ng malalim si marco at inistart na ang sasakyan. Habang nasa biyahe ay hindi nagsasalita si Dana. hindi naman siya tinatanong ni marco dahil alam niyang galit ito dahil sa nangyari kanina. Pagdating nila sa kanilang bahay ay diretso nang pumasok si Dana sa kwarto. Sinundan naman siya ni Marco at nakita niyang nakaupo ito sa kama. lumapit naman si marco at umupo sa tabi niya. “I’m sorry for what my sister did. I Promise next time she won’t be able to get close to you.” Wika ni Marco pero diretso lang siyang nakatingin sa kawalan. “It’s not your doing. You can’t control your sister. She has always been like that to me. You can’t even change the fact that we can’t really get along anymore. It’s not your fault if your sister doesn’t like me. So don’t be sorry!” tugon niya at lumuhod naman sa harapan niya si marco at hinawakan ang kamay niya. “from now on no one will hurt you. If someone tries to do that to you again, they will face me. Even my own sister.” Wika ni Marco at napangiti naman ng tipid si Dana at hinawakan sa mukha si Marco. “Thank you.” Sambit ni Dana at hinawakan naman ni marco ang kamay ni Dana na nakahawak sa pisngi niya at dinama ito. Bigla namang tumunog ang tyan ni Dana at napatawa si Marco. “Hungry?” tanong niya at tumango naman si Dana. tumayo naman si marco at hinaplos ang pisngi ni Dana. “Magpahinga ka na muna dito. Magluluto lang ako ng makakain natin.” Wika niya at tinugon naman siya ni Dana ng ngiti. Lumabas na rin si marco para magluto. Naiwan naman siyang nakatingin sa pinto at napapikit ng mata at napahinga ng malalim.